May kurot sa puso ang video ng pagsaludo ng Pasig City government sa frontliners ng Pasig City General Hospital noong April 6, at sa healthcare workers ng The Medical City noong April 8.
Binigyan sila ng pagpupugay ng Pasig City Bureau of Fire Protection at NGO volunteers, kasama ang Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Officer, Pasig Police, at Pasig Traffic and Parking Management Office.
Parang eksena sa pelikula, pero nangyari sa tunay na buhay ang paghanay ng mga pulis, bumbero, traffic enforcers, at NGO volunteers ng Pasig City sa harap ng The Medical City.
Pinalakpakan at pinapurihan nila ang magigiting na frontliners ng ospital na maraming ginagamot na COVID-19 patients.
Maraming pinaluha ang video na inilabas ng Pasig DRRMO.
Malaki rin ang kontribusyon ng Pasig City Drone Team sa production ng heartwarming tribute video.
Ayon sa isang miyembro ng Pasig City Drone Team, mga volunteer sila ng Disinfectant Drone Team ni Pasig City Mayor Vico Sotto.
Mga professional videographers ang lahat ng miyembro ng Pasig City Drone Team.