Who is Francis Leo Marcos?

by Jojo Gabinete
Apr 10, 2020
YouTuber Francis Leo Marcos on his Mayaman Challenge: "Kasi ngayon tayo higit na kailangan ng ating mamamayan. Ngayon tayo higit kailangan ng ating gobyerno. Tulungan natin ang ating republika. Yun ang panawagan ko."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Kasabay ng pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas, umusbong ang pangalang Francis Leo Marcos.

Si Marcos, 40, ang pasimuno ng Mayaman Challenge, ang hamon niya sa mga mayayaman na magbigay ng tulong sa mga apektado ng enhanced community quarantine.

Unang nag-post si Marcos ng Mayaman Challenge sa kanyang Facebook page.

Umani agad ito ng nine million views sa loob lamang ng isang araw, pero bigla itong pinasara ng Facebook administration.

Bunsod nito, gumawa si Marcos ng sariling YouTube channel upang dito ilagay ang videos na may kinalaman sa kanyang Mayaman Challenge.

"Wala naman akong plano na mag-YouTube, ako naman ay bihira din mag-Facebook, kaya lang yung unang challenge ko sa Facebook, within 24-hours, nagkaroon ng nine million views.

"Biglang tinake-down ni Facebook kaya naisipan ko ‘yung YouTube.

"Hindi ko alam kung bakit na-take down.

"Siguro nagulat sila sa sobrang daming views agad, within 24 hours, 9 million views agad," may pagtatakang lahad ni Marcos sa exclusive interview ng Cabinet Files kahapon, April 9.

Continue reading below ↓

HOW DID MAYAMAN CHALLENGE BEGIN?

Inilahad ni Marcos kung paano nagsimula ang kanyang Mayaman Challenge.

"Nung pumutok ho ‘yung COVID-19 pandemic, paglabas ko noong unang araw, umikot ako sa EDSA, walang katao-tao.

"Ang una kong nakita ay yung mga mamamayan natin na wala nang nanglilimos sa kanila.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Paano po sila mabubuhay?

"So immediately, nagpaluto agad ako ng pagkain for five hundred na katao muna.

"Umikot ako sa EDSA, inabutan ko ng pagkain, kasama na ang ating mga Kapulisan at ang mga naka-duty na MMDA traffic enforcer.

"Kinabukasan po, nag-iisip ako, hindi ko kayang mag-isa, so I started the challenge— yung Mayaman Challenge."

Sa tulong ng mga kaibigan, hindi raw namalayan ni Marcos na dumarami nang dumadami ang mga naaabutan niya ng tulong.

"Nangunguna yung mga kaibigan ko, nagpaluto ako ng pagkain para sa 4,000 people.

"So ngayon, may humingi ho ng bigas.

"Sabi ko, 'Sige, tutulong ako. Kaya nagpa-deliver ako ng limangdaang sako ng bigas.

Continue reading below ↓

"Bago yun i-deliver, sabi ko, 'Panginoon, hindi ko ito kaya,' so I started the Mayaman Challenge.

"Ang hirap mag-facilitate ng bigas galing Rehiyon Dos papunta kung saan-saan.

"Ang ginagawa ko, tatawag ako sa probinsiya, sa aking mga kaibigan at tauhan, magma-money transfer agad ako sa kanila.

"Tapos sasabihin ko na, 'Ito, dalhin niyo sa DSWD.'

"Dahil nanghingi sa atin ng ayuda ang gobyerno, mismong gobyerno.

"So, nagpadala po ako ng sampung tonelada sa pamunuan ng DSWD."

Dahil daw sa kanyang Mayaman Challenge ay marami na ring ibang mayayaman ang nagbigay ng tulong.

"Alam niyo ba kung anong magandang nangyayari ngayon?

"Yung mga magsasaka [may-ari ng taniman], ipinamigay yung bigas dahil sa challenge ko.

"Sa totoo lang po, ang naipamigay kong bigas ay mahigit dalawang daang tonelada na po.

"Yung magka-calamansi [may ari ng orchard], ipinamigay ang isang buong ektarya ng bunga ng calamansi para mag-Vitamin C yung mga kababayan natin.

Continue reading below ↓

"Yung mga may-ari ng palaisdaan, ipinamigay yung lahat ng huli nila."

Marami raw mga kaibigan niyang mayayaman ang tumugon sa kanyang Mayaman Challenge.

"Talagang hinahamon ko silang lahat na mag-donate.

"Sabi ko sa kanila, 'Lose me or help me. Kapag hindi niyo sinagot ang Mayaman Challenge ko, hindi na tayo magkakaibigan.'

"Hindi ko kailangan yung 'Francis, we got you. We got your back!’

"Hindi ko kailangan ang ganoon.

"Sagutin nila ang challenge ko, mamahalin ko sila habambuhay."

FRANCIS LEO MARCOS ANGERS HIS NEIGHBORS

Pero hindi lahat ay natutuwa o pinupuri ang inisyatibong ito ni Marcos.

Sa isang vlog ni Marcos para sa "Mayaman Challenge," lulan ng kanyang magarang sasakyan, nilibot niya ang paligid ng exclusive subdivision sa Quezon City kung saan siya nakatira.

Ipinakita niya ang magagara at naglalakihang bahay ng kanyang mga kapitbahay, kasabay ng hamon na ilabas ang mga yaman nito para tumulong sa mas nangangailan nating mga kababayan.

Continue reading below ↓

Hindi ito nagustuhan ng mga kapitbahay ni Marcos.

Inireklamo siya sa barangay ng ilang mga residente ng exclusive subdivision.

"Unjust vexation at alleged alarm and scandal" ang mga reklamo ng mga kaptibahay kay Marcos.

Bukod sa mga nabanggit na reklamo, gusto din ng mga residenteng mapaalis sa kanilang subdivision ang 40-year-old Internet sensation.

Pero iginiit ni Marcos na araw-araw pa rin siyang nakakauwi sa tahanan niya, sa kabila ng pagpoprotesta ng mga kapitbahay.

Hindi itinanggi ni Marcos ang kanyang pagkakamali, pero humingi na raw siya ng paumanhin sa mga kapitbahay niyang nainsulto sa kanyang ginawang pag-iikot sa subdivision.

Saad niya, "I have no interest to hurt anyone.

"Wala akong interes, it’s just a vlog.

"Wala ho akong pinapangalanan, e.

"Kinalampag ko yung subdivision, 'Pit pit pit! O, tulong tayo,' ganoon.

"E, alam naman natin kung sino yung mga nakatira doon, minasama nila yung ginawa ko.

"At may lumabas pa nga hong balitang may nagpadala ng pera kay Xian Gaza para sirain ako.

Continue reading below ↓

"Sa akin naman, nagdasal na lang ako sa Panginoon.

"Sabi ko, Panginoon, I don’t intend to hurt anyone, “ ang paliwanag ni Marcos sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files.

Ang "Xian Gaza" na tinutukoy ni Marcos ay ang kontrobersiyal ding social media personality.

Unang nakilala si Gaza bilang "billboard suitor" ng aktres na si Erich Gonzales.

Noong 2018 ay nakulong ito dahil sa kasong estafa.

ARE THERE CASES AGAINST FRANCIS LEO MARCOS?

Ayon kay Marcos, pinakakalkal daw ng mga kapitbahay ang kanyang records para may maikaso sa kanya.

"My intention is to challenge all my good friends because we are fighting against evil.

"Minasama ho ng aking mga kapitbahay.

"Talagang may balita pa ho ako na pilit nila akong gagawan ng kaso.

"Eto pa ang matindi, pinakalkal daw nila lahat ng records, pinakalkal nila kung ano ang puwedeng kalkalin.

"Kung may ikakaso, ikakaso.

"Ang pinalalabas nilang balita, sandamakmak daw yung mga kaso ko.

Continue reading below ↓

"Ang totoo po niyan, e, wala."

Hindi raw nagkasya roon, nagpalutang naman ang mga kapitbahay ng kuwentong maraming kaso siyang tinatakasan.

"Naglabas sila ng statement na ako raw ay tumakas na.

"Ako raw ay may kaso sa NBI at maraming kaso—e, bakit ngayon, wala ho?

"Kinasuhan nila ako sa barangay ng unjust vexation at saka alleged alarm and scandal, pero ‘yan naman ho ay sasagutin ng aking mga abogado.

"Yung statement naman nila na ako ay tumatakbo sa maraming kaso, wala pong katotohanan yun, at saka, ginagawan pa lang nila ako ng kaso."

Sabi pa ni Marcos, tanggap niyang may naging pagkakamali siya sa kanyang mga kapitbahay.

"Ang sa akin lang, ako ho ay nag-apologize na sa kanila.

"Maaaring sarcastic ho yung aking ginawa, yung aking pamamaraan.

"Kasi na-videohan ko raw yung kanilang mga bahay. Yun naman ho ay naihingi ko na ng paumanhin na."

Iginiit din ni Marcos na hindi lang mga kapitbahay niya ang pinatatamaan niya kundi "ang lahat ng mayayaman."

Continue reading below ↓

Pahayag niya, "Kaya nga gumawa ako ng Mayaman Challenge sa buong Pilipinas, at very successful naman po. Ang daming sumagot.

"Sa ganitong paraan po, natulungan po natin ang ating Republika at ang ating gobyerno, although maraming kapitbahay sa loob na talagang tumutulong din.

"Yung sa akin po, medyo sarcastic ang ginawa ko, but that is the only way I thought to awaken the hero in every man.

"Tulad po ng sinabi ko, higit tayong kailangan ng ating republika."

WHO IS NORMAN MANGUSIN?

Sinagot din ni Marcos ang akusasyon na Norman Mangusin, hindi Francis Leo Marcos, ang tunay na pangalan niya.

Si Marcos ang nagboluntaryong sagutin ang isyu na huwad ang pagkatao niya kaya hindi siya dapat paniwalaan ng publiko

"Sasagutin ko na rin ‘yan para, once and for all, matapos na," sabi ni Marcos sa Cabinet Files.

"Noong ako ho ay bata pa, ako ay tinatawag ng aking ina na Enchong.

Continue reading below ↓

"Noong ako ay nag-elementarya hanggang Grade 3 po ako, ang tawag sa akin ng ina ay Norman.

"Ang kinikilala ko hong tatay ay yung kanyang asawa."

Inilahad din ni Marcos ang kanyang kabataan at kung anong klaseng pamilya ang pinanggalingan niya.

"Noong ako ho ay nagkaisip na, lahat ng trabaho na puwede kong pasukin, pinapasok ko.

"Ang aking ina ay mula sa angkan ng mga Antonio, mga malalaking tao.

"Ang aking ina ho ay nahahating Ilokano, Igorot, at Bulakenyo.

"Noong nag-aaral nga ako ng elementarya, ang tawag niya sa akin ay Norman.

"Noong lumipat na sila ng probinsiya, siyempre ako ay anak, isinama nila ako."

IS FRANCIS LEO A REAL MARCOS?

Hanggang sa dumating daw ang panahong sinabi ng kanyang ina na bahagi siya ng isa sa pinakamakapangyarihang angkan sa Pilipinas—ang mga Marcos.

Pagpapatuloy niya, "Noong nakikita nila na ako’y nahihirapan, umiyak ang aking nanay.

"Ang sabi niya, 'Ito ka. Anak, ito yung totoong pangalan mo.'

Continue reading below ↓

"Tapos, nakipag-usap ho siya sa isang kamag-anak at sinabing, 'Pamangkin mo ‘yan.'

"Magmula noon ho ay yun na ang aking pangalan.

"Disi-siete na ako nang ipagtapat niya na Francis Leo Marcos ang tunay na pangalan ko."

Hindi sinabi ni Marcos kung sino ang tinutukoy niyang kamag-anak.

Sinabi ba ng ina ni Marcos kung sino talaga ang tunay niyang ama?

Sagot niya, "'Yan ho ay hindi ko na inurirat sa aking ina at ayoko nang magkomento tungkol diyan."

Tinanggap ba siya ng mga Marcos?

"Privilege communication ho," pag-iwas niya.

"Basta ang masasabi ko lang ho, according sa aking nanay.

"Hindi ko naman ginusto na ako ay maging Marcos, pero wala akong magagawa.

"Nanay ko ho ang nagbigay."

Diin pa ni Marcos, "Pero ang masasabi ko, ako ho ay hindi na-involve sa kahit anong karahasan, sa kahit anong ibinabato nila.

"Kaya nga sabi ko, open book ang buhay ko mula pa noong 2007.

Continue reading below ↓

"Kung makikita ninyo ang record ko, talagang wala na akong ginawa kundi ang pagtulong na ganyan."

FRANCIS LEO MARCOS'S MOTHER

Nang itanong ng Cabinet Files ang pangalan ng kanyang ina, tumangging magsalita si Marcos bilang paggalang daw sa pribadong buhay ng nanay niya.

"Mas mamatamisin niyang manahimik.

"Nandoon po siya sa bundok, mahal ho niya ang kanyang pamumuhay sa parteng Norte.

"Yun naman ay ayaw ko nang gambalain ang aking ina, at ayoko ring ma-stress siya sapagkat ang aking ina ay napakabuti.

"Masaya na ho siya sa kanyang ginagalawang buhay at ako ay nagpapasalamat sa kanya."

Patuloy ni Marcos, "Kung anuman yung aking hinaharap, kung anuman po ang nangyayari sa buhay ko—yung success ko, yung winter, summer, at fall ko—ay utang ko sa kanya.

"Gusto ko sana, sa siyudad na siya manirahan. Pero sabi niya, ‘Masaya kami ng tatay mo dito.’"

Halata sa boses ni Marcos ang sigla kapag ang ina ang pinag-uusapan.

Continue reading below ↓

Malaki raw ang impluwensya nito sa kanya. Ayon kay Marcos, ang nanay niya ang kanyang inspirasyon sa paggawa ng kabutihan at pagtulong sa kapwa.

"Ang isa lang masasabi ko, kung bakit patuloy akong gumagawa ng kabutihan, ito ay dahil sa aking nanay.

"Yung aking ina ay sobrang inspirasyon niya ang unang pamilya.

"Noong musmos po ako, nagkaroon ako ng marangyang buhay.

"Tapos noong anim na taon ako, nakita ko na ang hirap ng buhay.

"Hanggang sa nagbibinata ako, nakikita ng aking ina yung hirap ng buhay.

"Kaya ang aking ina ay gumawa ng paraan para gumaan ang aking kabuhayan.

"Ipinakita niya ako sa aking mga kamag-anak, na noon ko pa lang nakilala at nagbigay rin sa aking ng suporta."

Pagpapatuloy ni Marcos, "Sabi ng aking ina, ‘Anak, huwag mong kalilimutan ang pagtulong sa kapwa.’

"Yun ang naisapuso ko kaya kung kakalkalin lahat ‘yan, magmula nang magkaisip ako hanggang bente dos anyos, wala na akong ginawa kundi ang mag-humanitarian help.

Continue reading below ↓

"At marami ho ang magsasabi niyan—Luzon, Visayas, Mindanao."

FRANCIS LEO MARCOS'S VOLUNTEER WORK

Ayon kay Marcos, taong 2007 pa raw siya nagsimulang tumulong sa ibang mga tao.

"Pero hindi ko ho isinu-social media. Wala ho akong plano," sabi niya.

Binanggit din ni Marcos ang pagiging sponsor niya ng Optimun Eye Care Program, na nagbibigay ng libreng eyeglasses sa mga hindi kayang bumili ng salamin.

Saad niya, "Kapag ako ho ay kumita, halos lahat, three-fourths ng aking pinaghanapbuhayan, ipinopondo ko po sa aking Optimum Eye Care Program.

"Makikita niyo ho ‘yan, buong Pilipinas, nabigyan ko na ng libreng pasalamin sa mata.

"Yun po ang aking ginagawa, pero hindi ko po balak na i-social media.

"Wala akong balak magpakilala o ipakilala ang aking mga ginagawa.

"Tama na ho yung makatulong."

Ang biglang pagsikat ay walang-wala raw sa plano ni Marcos.

Sa salita niya: "Ewan ko ba kung bakit ngayon bigla akong naging sikat?

Continue reading below ↓

"Hindi ko naman ito hangarin.

"Inilagay ko lang sa YouTube para marinig ng mga kaibigan kong mayayaman ang panawagan ko.

"Kasi ngayon tayo higit na kailangan ng ating mamamayan.

"Ngayon tayo higit kailangan ng ating gobyerno.

"Tulungan natin ang ating republika. Yun ang panawagan ko."

May mensahe rin si Marcos sa mga bumabatikos sa pamahalaan.

Aniya, "Batikos kayo nang batikos sa ating gobyerno, e, wala naman kayong ginagawa.

"O ngayon, tumulong kayo.

"At kapag may nagawa na kayong tulong at kung may nakita kayong kamalian ng gobyerno, may karapatan kayong bumatikos!

"Hindi yung wala na nga kayong ginagawa, batikos pa kayo nang batikos!"

WHERE DOES FRANCIS LEO MARCOS GET HIS MONEY?

Ang pagtulong ni Marcos sa kapus-palad at pagbibigay ng pera sa nangangailangan ang mismong dahilan ngayon kaya may mga kumukuwestiyon sa pinagkukuhanan niya ng pondo.

Kasunod nito ang akusasyong sangkot siya sa mga gawaing labag sa batas.

"Ganito po ang sagot ko diyan. Una po, wala akong illegal na hanapbuhay.

Continue reading below ↓

"Two years ago po, dumanas ako ng medyo hard times dahil—yung palaisdaan, hindi gaanong umani; yung taniman, hindi gaanong namunga.

"Ako po ay nagbenta ng malaking lupain sa gawing Isabela.

"Ako po ay nagbayad ng tax, ng capital gains tax, so wala akong tinatakbuhang taxes, at yung pinagbilhan ko ng lupa na may kalakihan, yon ang naging simula para bumangon ako uli.

"May kaibigan din po ako na laging nakasuporta sa akin, pinasasalamatan ko siya dahil laging nakaalalay sa aking likuran.

"Sa kasalukuyan po ngayon, tatlong kompanya ang aking ipinagagawa, pero dahil tuloy-tuloy ang gastos, wala pang income.

"Yung isa, kabago-bagong bukas pa lang. Yung isa, ginagawa pa lang yung building para sa security academy na bubuksan ko sa Doña Victorina building sa Edsa."

Nagbitaw ng salita si Marcos na ibibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para makatulong sa mga Pilipino, pero hinding-hindi raw siya papasok sa pulitika.

"Willing akong ibigay kung ano yung kaya kong ibigay—lahat.

Continue reading below ↓

"Actually, nagbenta ho ako ng isang bahay para, actually, talagang ipamigay.

"Para matapos na, ito pong lahat ng pera na meron ako, makikita niyo live, araw-araw, ibibigay ko ho sa mga tao."

YOUTUBE CHANNEL TO END AFTER COVID-19 PANDEMIC

Nag-umpisa noong March 21, 2020 ang YouTube channel ni Marco.

Nagkaroon ito agad ng 635,000 subscribers at milyun-milyong views sa maiksing panahon.

Pero ayon kay Marcos, hindi pangmatagalan ang kanyang Youtube channel.

Balak daw niya itong isara kapag natapos na ang COVID-19 pandemic.

"After this pandemic, ititigil ko na ang vlog. Hindi ko naman po hangarin talaga ito."

Kahit raw may kikitain ito, iba ang balak niya.

"Katulad ho ngayon, nag-message sa akin si YouTube na ako raw ay kikita na ng up to US$80,000 a month. E, para na rin po yan sa mga tao.

"Gagawa na lang ako ng videos, magiging libangan ko na lang, tapos ibibigay ko rin sa taumbayan. Ganoon na lang ho.

Continue reading below ↓

"Baka iniisip nila, dahil sa sikat ako ngayon, tatakbo ako sa pulitika.

"Uulitin ko, pagkatapos ng pandemic, ako ho ay uuwi na sa aking asawa at doon na ho ako mamumuhay.

"May bahay po kami sa Japan, may negosyo po rin doon na kahit papaano, makakabuhay na sa akin.

"Meron akong napakabuti at napakagandang asawa, sobra na ho yun, at may kabuhayan kami doon.

"Okey na ho yun," may katiyakang sabi ni Marcos.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
YouTuber Francis Leo Marcos on his Mayaman Challenge: "Kasi ngayon tayo higit na kailangan ng ating mamamayan. Ngayon tayo higit kailangan ng ating gobyerno. Tulungan natin ang ating republika. Yun ang panawagan ko."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results