Mayor Isko Moreno, dumayo sa Caloocan para hanapin ang barangay officials na pasimuno ng tupada sa Manila cemetery

by Jojo Gabinete
Apr 11, 2020
Dumayo si Manila Mayor Isko Moreno sa isang barangay sa Caloocan City upang tugisin ang barangay officials na pasimuno diumano ng tupada sa Manila North Cemetery noong Biyernes Santo, April 10.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook

Personal na pinuntahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang Barangay 129 ng Caloocan City ngayong Sabado ng hapon, April 11.

Hinanap niya sa barangay hall ang barangay captain na si Brix John Rolly Reyes at mga barangay kagawad na sina Alfie Lacson, Romualdo Reyes, at John Cris Domingo.

Ang mga nabanggit na barangay officials diumano ang mga utak sa likod ng tupada—pagtataya sa sabong—na naganap sa Manila North Cemetery kahapon, April 10.

Maraming tao ang dumalo sa tupada, na paglabag sa ipagbabawal na mass gathering sa panahon ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon dala ng coronavirus pandemic.

Gamit ang public-address system ng kanyang sasakyan at gamit din ang Facebook Live, nanawagan si Mayor Isko na sumuko na at magpaliwanag ang mga suspek.

Sabi ng alkade, "Gusto ko lang malaman ninyo na binibigyan namin kayo ng pagkakataong magpaliwanag sa pamahalaang lungsod ng Maynila.

"Aaraw-arawin namin kayo dito.

"Sa mga magkakapatid-bahay, ang inyong chairman na si Brix John Rolly Reyes, hinahanap ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Continue reading below ↓

"Sila ang mga bida sa sabong sa North Cemetery na pag-aari ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

"Ito po ang alkalde ng lungsod ng Maynila na nakikiusap sa inyo kung meron kayong impormasyon sa inyong chairman.

"Kung kamag-anak niyo si chairman, sabihan niyo silang kusang-loob na magpaliwanag sa pamahalaang lungsod ng Maynila.

"Ito ang alkalde ng lungsod ng Maynila, pumapasyal sa inyo."

Pakiusap pa ni Mayor Isko, "Buong kababaang-loob, isuko niyo na si Chairman, si Kagawad... lahat kayo.

"Binibigyan ko kayo ng pagkakataon, kami’y nananawagan at nakikisuyo sa inyo.

"Huwag na tayong magkahiyaan pa."

Dala ng galit na nararamdaman, hindi napigilan ni Mayor Isko na tawaging "hangal" at "walanghiya" ang barangay officials na hindi raw iginalang ang Semana Santa at ang batas.

"Mga halal kayo ng bayan, pasimuno kayo sa sugal, wala kayong patawad.

"Kahit Semana Santa, Biyernes Santo, aaraw-arawin namin kayo dito hangga’t hindi kayo nagpapaliwanag sa pamahalaan ng lungsod ng Maynila.

Continue reading below ↓

"Mga halal kayo ng bayan, mukha kayong hangal!

“Huwag na kayong magtago sa Pangasinan. Hindi namin kayo titigilan.

"Hindi kayo dapat pamarisan, nakakahiya kayo sa mga kapitbahay ninyo.

"Sa sobrang kahihiyan ninyo, sa Maynila niyo pa ginawa yung kagaguhan ninyo.

"Wala kayong patawad, kahit Biyernes Santo, ang kakati ng kamay ninyo.

"Naturingan kayong halal ng bayan na dapat ninyong inaasikaso ang mga kabarangay ninyo, nagdala pa kayo ng problema sa Maynila.

"Sana magkaliwanagan tayo."

Humingi naman ng paumanhin si Mayor Isko sa mga taga-Barangay 129 ng Caloocan sa paggambala sa kanilang oras.

"Hindi namin nais magambala ang inyong oras, pero nakapawalanghiya ng chairman ninyo.

"Sabihin niyo sa kanya, sumuko na siya, magpaliwanag sa lungsod ng Maynila.

"Hindi namin ito-tolerate ang kawalanghiyaan ng inyong barangay chairman, kagawad."

Binigyan ni Mayor Isko ng 48-hours ang barangay officials para magpaliwanag tungkol sa alegasyon sa kanila.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dumayo si Manila Mayor Isko Moreno sa isang barangay sa Caloocan City upang tugisin ang barangay officials na pasimuno diumano ng tupada sa Manila North Cemetery noong Biyernes Santo, April 10.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results