PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo and friends, binuo ang I AM HOPE para frontliners at mahihirap

I AM HOPE nina Bea Alonzo at Rina Navarro, nagsimula nang tumulong kahit di pa nailulunsad.
by Jojo Gabinete
Published Apr 13, 2020
Sa pamamagitan ng kanilang organisasyong I AM HOPE, tumutulong ang magkaibigang sina Bea Alonzo (kaliwa) at Rina Navarro (kanan) sa frontliners sa pamamagitan ng paggawa ng face shields at pagluluto ng pagkain. Kasama rin nila sa magandang gawaing ito ang kaibigang si Vhong Navarro (gitna).
PHOTO/S: Instagram

Misleading ang report na nagbibigay si Bea Alonzo ng donasyon sa frontliners laban sa COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng I AM HOPE.

Ang totoo, co-founder at co-chairperson si Bea ng I AM HOPE, na brainchild nila ng kanyang kaibigang si Rina Navarro.

Si Rina ang chairperson ng kanilang organisasyon.

Noong March 2020, may plano sina Bea at Rina na ilunsad ang kanilang passion project.

Pero hindi ito natuloy dahil nagdeklara ang World Health Organization (WHO) ng coronavirus pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pamamagitan ng Facebook Messenger ngayong Lunes, April 13, nakausap ng Cabinet Files si Rina.

Sabi niya tungkol sa I AM HOPE: "We are an institution. It’s not a temporary 'program or drive.'"

"May corporate structure, may office, at may accountants kami.

"It’s set up for long term. And when everything is normal, we will complete our papers to be a non-profit organization."

Nagsimula ang operasyon ng organisasyong itinatag nila ni Bea dahil sa mga kababayang apektado ng COVID-19.

]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang hinihintay nina Rina at Bea ang tamang panahon para sa launching ng I AM HOPE, tumutulong na sila sa frontliners at sa mahihirap na pamilya.

Kasama nila ang comedian-TV host na si Vhong Navarro, na agad pumayag maging volunteer nang makatanggap ng message mula sa kaibigang aktres.

Hands-on si Bea sa pag-aasikaso sa mga donasyon na ipinamamahagi ng I AM HOPE.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naranasan nila ni Vhong na gumawa ng limang libong piraso ng do-it-yourself face shields para sa frontliners.

Personal ding nagluto si Bea ng mga pagkaing ipinamigay sa healthcare workers.

Priority ng I AM HOPE ang mga public/government hospital at ang mga pamilya na hindi agad dinaratnan ng tulong.

Ani Rina, "Maraming pamilya ang nagugutom dahil malayo sila or logistics ang problem, that's why for I AM HOPE, logistics is also part of our service."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi ng I AM HOPE sa Cabinet Files ang kanilang layunin para higit na maintindihan ng publiko ang pagsisilbi ng organisasyon nila:

"I AM HOPE’s mission is to augment support for the immediate and long term needs of the frontliners; our first line of defense.

"I AM HOPE will stand behind the frontliners while they are in the battle field, saving the lives of others.

"I AM HOPE is not limiting its efforts to frontliners in hospitals and Health Centers. Help is also extended to the underprivileged where help does not come.

"I AM HOPE’s vision is to reach a bigger segment of those in need in this very difficult and extraordinary times.

"I AM HOPE is an organization that will deliver donations to its beneficiaries efficiently."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pamamagitan ng kanilang organisasyong I AM HOPE, tumutulong ang magkaibigang sina Bea Alonzo (kaliwa) at Rina Navarro (kanan) sa frontliners sa pamamagitan ng paggawa ng face shields at pagluluto ng pagkain. Kasama rin nila sa magandang gawaing ito ang kaibigang si Vhong Navarro (gitna).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results