Willie Revillame, balik-Wowowin live matapos ng isang buwang quarantine

by Jojo Gabinete
Apr 14, 2020
Muling napanood nang live ang Wowowin ni Willie Revillame simula kahapon, April 13. Sa pamamagitn ng segment na "Tutok To Win," namahagi ang show ng cash prizes sa mga kababayan nating naka-quarantine.
PHOTO/S: Sreen grab from Facebook

Tinapos na ni Willie Revillame ang isang buwang self-quarantine sa kanyang beach resort sa Puerto Galera.

Ito ay dahil nag-resume na ang live broadcast ng Wowowin, ang kanyang top-rating game show sa GMA-7.

Mula kahapon, April 13, at ngayong Martes, April 14, live na napanood ang "Tutok To Win" ng Wowowin mula sa 42nd floor ng Wil Tower Mall sa Quezon City.

Hindi naging madali para kay Willie ang bumalik sa Metro Manila.

Sinunod niya ang wastong prosesong ipinatutupad ng mga kinauukulan para makalipad ang helicopter niya mula sa Puerto Galera.

Kuwento niya, "Dumaan po kami sa proseso.

"Nag-apply po kami ng application form sa PCOO [Presidential Communications Operations Office], kay Secretary Martin Andanar.

"Tumawag po ako sa kanya, nakiusap po ako sa kanya, sa kanyang mga staff.

"Kahit po Saturday, Sunday, talagang lumuluhod ako para makabalik [sa Metro Manila].

"Alam niyo kung bakit? Dahil gusto kong makatulong…

"Dahil tumawag sa akin ang boss ko, Mr. Philip Yalong, Mr. Joey Abacan...

Continue reading below ↓

"'Pwede ka na bang bumalik? Gumawa ka na ng paraan para makapagpasaya ka na Willie… para makatulong tayo.'"

Napapanood din ang Wowowin sa mga social media platform tulad ng Facebook, Twitter, at YouTube.

Pinasalamatan ni Willie ang GMA Network, Inc. management dahil sa microwave at booster na ginamit, kaya mas malinaw at walang delay na napanood ngayon ang remote telecast ng kanyang programa.

Sabi niya, "Kayo ho ako laging nagpapasalamat sa GMA, alam niyo ho bakit?

"Kasi ho, para pagkatiwalaan po nila ako na mag-live sa Facebook, Twitter, at YouTube…

"At the same time, napapanood niyo kami sa timeslot ng Wowowin.

"Napakalaking bagay po nito sa buhay ko.

"Kasi, una, gusto ko talagang makagawa nang mabuti sa inyo.

"At hindi lang ho pagbibigay ng saya, pagbibigay ng tulong, yun pong sinsero... kumanta, mapasaya kayo, may kumakanta nang maganda.

"Yung mapangiti kayo sa panahon ng nangyayaring ito."

Emosyunal pang pahayag ni Willie, "Gusto kong makatulong sa gobyerno natin, gusto kong makatulong sa mga kababayan natin."

Continue reading below ↓

FINANCIAL HELP

Muling namigay si Willie ng pera sa viewers ng Wowowin na tumutok sa show niya.

Pera ang pinili ni Willie na ipamigay para may pambili ang mga tao ng mga kailangan nila habang ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine.

"Kaya ho ginawa itong "Wowowin Tutok To Win," para ho mapasaya kayo at makatulong.

"Sampung libo, twenty thousand, thirty thousand, kahit papaano ho maitulong namin.

"Hindi ho ganoong kalaking halaga ‘yan, pero alam naming sa dami po ng mga nangangailangan, ipagkakaloob po namin sa inyo, kasama po ang GMA-7 management."

Mas napaghandaan naman ang second day ng live broadcast ng Wowowin.

Bukod kasi sa financial help na ipinamudmod ni Willie, binigyan nito ng touching tribute ang mga doktor at frontliners na nagbuwis ng buhay para mapagaling ang mga biktima ng COVID-19.

Ito ay sa pamamagitan ng isang audio visual presentation habang inaawit ni Willie ang "Puso Para sa Bayan," na composition ni Vehnee Saturno.

Continue reading below ↓

Tiniyak din ni Willie na sumusunod sila ng kanyang staff sa ipinaiiral na social distancing.

Gumagamit sila ng personal protective equipment, gaya ng face masks at face shields, sa live show ng Wowowin.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Muling napanood nang live ang Wowowin ni Willie Revillame simula kahapon, April 13. Sa pamamagitn ng segment na "Tutok To Win," namahagi ang show ng cash prizes sa mga kababayan nating naka-quarantine.
PHOTO/S: Sreen grab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results