Lima sa kababayan nating caregivers sa Tel Aviv, Israel, ang nagpositibo sa COVID-19.
Pero walang dapat ipag-alala ang mga kamag-anak nila sa Pilipinas, dahil alagang-alaga.
Nariyan ang Israeli government at ang National Alliance of Filipino Communities Israel (NAFILCO), na pinamumunuan ni Winston Santos.
Dalawampung taon nang naninirahan si Winston sa Israel.
Limang taon na ang nakalilipas mula nang huminto siya sa pagtatrabaho.
Ang pagtulong sa mga OFW ang kanyang pinagtutuunan ngayon ng atensiyon sa pamamagitan ng NAFILCO, ang non-government organization na itinatag niya at kinikilala ng government ng Israel.
Si Winston ang nagbigay sa Cabinet Files ng impormasyon tungkol sa mga Pilipino roon na nagpositibo sa COVID-19.
Pahayag niya, "Lima po ang ating Pilipinong pasyente na nasa mga facilities o ospital.
"Samantala, nasa dalawampu ang bilang ng mga Pilipino na PUI [Persons Under Investigation] na nasa mandatory house isolation.
"Hindi po kabilang dito ang mga caregiver na nagtatrabaho sa mga nursing homes na naunang nag-lockdown as precautionary measures for their residents.
"Pinag-iingat po ang lahat at pinaiiwas sa paglabas ng bahay o workplace upang hindi na dumami pa ang biktima ng coronavirus."
Magandang balita rin na sagot ng Israel government ng lahat ng gastos ng mga tinamaan ng COVID-19—Israeli national man o dayuhan.
"Everything is paid for by Israel and no expense to the patient.
"Ang logic ng Israel, protecting foreign nationals is parallel to protecting its own citizens... Makes sense."
HOTEL ACCOMMODATION FOR COVID PATIENT
Bilang patunay, ikinuwento ni Winston ang kalagayan ni Marinel, ang pangatlong Pinoy sa Israel na nagpositibo sa COVID-19.
Hindi namroblema si Marinel sa gastusin at sa lugar na pansamantalag tutuluyan.
Naka-check in nga siya sa isang "posh hotel" habang nagpapagaling.
Ayon kay Winston, "It isn’t that scary, after all.
"MARINEL, our third kababayan who tested positive from coronavirus, had been transferred tonight from her employer's house in Harnof, Jerusalem to a posh hotel in the city.
"Her only complaint is that she is alone in the family-size room where she is billeted.
"Counting the silver lining, it was not that bad at all."
Natutuwa si Winston dahil tagumpay ang NAFILCO sa panawagan nitong lumantad ang mga Pilipino sa Israel na COVID-19 positive.
"Ang challenge lang naman in the beginning is trust-building, so patients will come in the open, and nag-succeed tayo.
"All COVID-19 patients came to us, pati PUIs, and we are the one informing the embassy.
"May $200 daw na assistance. But I’m complaining about the requirement [from positive to negative test results]. Nasa ospital o hotel na ang pasyente, bakit need pa na hingan ng ganoong requirement?"
Nang itanong namin kung may kaso na naging kahabag-habag ang lagay ng isang Pilipino na may COVID-19, wala ang sagot ni Winston.
"Nothing heartbreaking naman, dahil kahit very limited ang assistance ng ating gobyerno, full assistance naman ang bansa ng Israel.
"Fair ang treatment nila, may visa o wala... may insurance o wala."
GOING HOME FOR GOOD
Isa sa naging isyu sa COVID-19 threat sa Israel ay ang pagbabago ng priorities ng mga OFW. May mga nagpaplano nang bumalik sa Pilipinas.
Nakatanggap si Winston ng maraming tawag sa telepono mula sa mga kababayan nating nag-iisip na umuwi na lamang sa ating bansa.
Marami ang nagtatanong kung tama ba ang desisyon nilang umuwi na "for good" pagkatapos ng pandemic.
Naging maagap naman daw siya sa pagbibigay ng payo.
Saad ni Winston, "Many said that the present situation made them realize that it is not all about money...
“I always say the same things... Uuwi dahil nagkabalikan ang mag-asawa. GO...
"It is worth a second shot. Iba pa rin ang buo ang pamilya.
"'Kailangan na po ako ng aking mga anak.' GO...
"Aanhin mo ang maraming pera kung mapapariwara ang mga bata dahil kulang ng iyong kalinga.
"'May konti na pong ipon, siya na lang pong pagsisimulan.' GO...
"Habang hindi pa naman makakauwi, plan things.
"Aanhin ang ipong pera? Ano ang magandang negosyo? Ano ang fallback when things did not go as planned?
"'Nakakatakot po ang coronavirus.' DO NOT GO...
"May coronavirus din sa Pilipinas... sa buong mundo.
"Corona ang iiwan mo, corona din ang uuwian mo ... walang logic. Hindi justifiable ang reason mo.
"'Nakakatakot ang immigration.' DO NOT GO...
"Dati nang isyu ang hulihan [pero wala naman ngayon], nakakatakot daw.
“Anong nabago noon at ngayon?
"Wala naman... kung mahuli man, iuuwi ka rin sa Pilipinas... walang posas... Kayod muna habang kaya.
"Kung mahuli, di umuwi. May choice pa ba?”