PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Isang empleyado hulog ng langit para sa 106 construction workers

"When I saw them outside kahapon, I know they’re in desperate need of help."
by Jojo Gabinete
Published Apr 18, 2020
Nasa 106 construction workers ang stuck sa isang construction site sa Pasig City, dahil sa community quarantine.
PHOTO/S: Richard Ronnie Ga on Facebook

Hulog ng langit si Richard Ronnie Ga para sa 106 construction workers na stranded sa itinatayong building sa kanto ng Pearl Drive at Exchange Road sa Ortigas Center, Pasig City.

Empleyado si Ronnie ng isang kompanya sa Tektite Building, na katabi lamang ng construction site, at siya ang unang nag-post kahapon, April 17, sa Facebook tungkol sa plight ng mga laborer na nagugutom na kaya napilitang manghingi sa mga dumaraan ng makakain, kahit bigas lamang.

Richard Ronnie Ga on Facebook

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw sanang magpainterbyu ni Richard dahil masaya na siya sa thought na siya ay nakatulong.

Pumayag lamang siya nang sabihin namin na inspiring ang kanyang kuwento at dapat na tularan ang kabutihang ipinamalas niya.

“Sa Tektite lang yung office ko kaya they caught my attention agad. Every day ako dumadaan sa construction site since the lockdown, but never sila lumabas o humingi ng tulong.

"I have a view of the construction site sa office building namin, pero hindi ko akalain na ganoon sila karami.

"When I saw them outside kahapon, I know they’re in desperate need of help,” ang kuwento ni Richard sa pamamagitan ng Facebook messenger.

Richard Ronnie Ga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tapos nakita ni Richard ang malaking karatula sa construction site entrance na may nakasulat na, “Ser, Ma’am, Hingi Po Kami Ng Tulong, Gutom Na Po Mga Tao Dito. Kahit Bigas Po Pwede, Salamat Po.”

Ito ang nag-udyok para kumilos agad siya.

Binigyan ni Richard ang construction workers ng isang sakong bigas, isang tray ng itlog, tinapay, at canned goods.

Richard Ronnie Ga on Facebook

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At dahil alam niya na kulang iyon para sa 106 na katao, nag-post siya sa kanyang Facebook page ng panawagan para sa mga gustong magbigay.

Dahil sa apela ni Ronnie, bumuhos ang tulong para sa mga nagugutom na construction workers, na hindi makauwi sa kanilang mga probinsya, dahil sa total lockdown na ipinatutupad sa mga bayan na daraanan nila.

“Talagang hindi ko lang kinaya na balewalain ang plead nila yesterday. To think na ako, nakakakain nang tama at sobra pa sa isang araw, kahit may lockdown.

"I know na may mga ganitong kaso na itinutulog na lang yung gutom. I just had to do something. Mabuti na lang, marami ang tumulong.

"Matagal na raw silang walang natatanggap na assistance galing sa contractor at company nila. Yung mga pamilya nila sa probinsiya pa ang nagpapadala sa kanila ng panggastos although walang-wala rin yung mga pamilya nila."

Bukod sa pagkain, malaking tulong rin daw ang personal care products.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

And sabi pa ni Ronnie, "Marami na sila natanggap na help. Marami ang nagme-message sa akin na gustong mag-extend ng tulong. I’m also asking kung may mga makakapag-donate din sa kanila ng hygiene supplies dahil kailangan din nila."

"Nakatanggap sila ng tulong mula sa local government ng Pasig City, pero I don’t think na tatagal ang suporta na makukuha nila from LGU kaya I posted para sana, makita ng mga private sector na willing to help at yun nga ang nangyari.”

Itinuturing ni Richard na simple gesture ang ginawa niya kung ikukumpara sa malalaking tulong na ibinibigay ng iba.

Ipinaalala namin sa kanya na siya pa rin ang instrumento para matulungan ang mga nagugutom na construction workers.

Ngayong hapon, April 18, dumating sa construction site ang mga miyembro ng Malasakit Movement ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary Celine Pialago at ang mga private individuals na nag-abot ng tulong sa mga construction worker.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang oras matapos mag-post kahapon si Richard sa Facebook ng kanyang panawagan, mabilis ring kumilos ang mga opisyal ng Barangay San Antonio, Pasig City, na naghatid ng tulong, kasama ang pakiusap na ipagpatuloy ng mga taong may mabubuting kalooban ang pagbibigay ng mga donasyon sa stranded construction workers.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasa 106 construction workers ang stuck sa isang construction site sa Pasig City, dahil sa community quarantine.
PHOTO/S: Richard Ronnie Ga on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results