Nagkaroon ng dilemma ang veteran singer na si Celeste Legaspi dahil hindi pinayagang pumunta sa palengke ang kanyang kasambahay.
Ang pangalan ng asawa niya kasi ang nakalagay sa home quarantine pass na ipinamahagi sa mga residente ng mga barangay.
Kaya nung nag-post ito sa Facebook ngayong Sabado ng tanghali, April 18, halatang nairita siya sa nangyari.
"Today, our kasambahay went to the palengke to buy fish. There are military guys guarding. Which is ok, I suppose.
"But they refused for her to enter because it wasn’t her name on the quarantine pass. It’s my husband’s name who is 80. So of course he’s not going out.
"But this military guy was saying .. ah no he should be the one going to the market. Is he dumb or something???Shouldn’t they be briefed properly???ANO BA???”
Pero tila hindi na-brief nang husto tungkol sa wastong paggamit ng home quarantine pass ang veteran singer.
Iba-iba rin kasi ang regulation depende sa lugar.
Sa Manila, halimbawa, isang tao sa bawat pamilya ang authorized na lumabas, at ang pangalan nito ang isa-submit sa barangay. Kung kanino nakapangalan ang pass ang siya lamang makakagamit nito.
Sa Tandang Sora, Quezon City naman, isang pass ang makukuha ng bawat pamilya, at nakalista sa barangay ang mga miyembro ng household.
Sa Santa Rosa, Laguna, kahit sinong miyembro ang puwedeng gumamit ng pass, pero isa lang ang papayagang lumabas.
In general, mahigpit na sinusunod sa chekpoints ang ordinansang ipinapatupad sa bawat lugar.
Sa case ng writer na ito, mga barangay tanod at hindi mga miyembro ng military ang bantay sa mga checkpoint. Pero iginagalang ng mga residente ang ipinatutupad nila na mga alituntunin na may kinalaman sa home quarantine pass.
Kung walang dala na home quarantine pass o ibang pangalan ang nakalagay, hindi pinalalampas sa mga barikada ang mga gustong pumunta sa palengke at supermarket.
Kung sino ang nakapangalan sa home quarantine pass, siya lamang ang dapat lumabas ng bahay.
Kaya kung nais ni Celeste na malutas ang kanyang napakaliit na problema, pumunta lamang siya sa barangay hall at humingi sa barangay chairman ng bagong home quarantine pass para sa kasambahay niya.
Ito rin ang mungkahi ng ilan sa Facebook friends ng singer.
Besides, si Celeste na rin ang nagsabi na 80-years-old na ang kanyang asawa, and dini-discourage ang mga senior citizen na lumabas ng bahay dahil sila ang susceptible sa COVID-19, lalo na ang mga taong may underlying medical conditions.