PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Filipino caregivers sa Israel, hindi na nagkaroon ng day off dahil sa COVID-19

Paggunita ng Passover sa Israel, naapektuhan din dahil sa COVID-19.
by Jojo Gabinete
Published Apr 20, 2020
Kilalanin si Juan Kristo II, isang caregiver sa Israel at part-time organizer ng Holy Land tours.
PHOTO/S: courtesy of Cabinet Files

Fifty thousand ang bilang ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa Israel.

Karamihan sa kanila ay mga caregiver na tulad ni Juan Kristo Il.

Si Juan, na nakabase sa Tel Aviv, ay nakapanayam ng Cabinet Files tungkol sa kalagayan ng ating mga kababayan sa nasabing bansa sa panahon ng COVID-19 pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa kanya, hindi na nagkaroon ng day off ang Filipino caregivers sa Israel buhat nang tumindi ang banta ng COVID-19 dahil ito ang rekomendasyon ng Ministry of Health.

"Since most of the OFW here are elderly caregivers, most us were advised not to take day off habang pataas nang pataas ang bilang ng mga infected.

"Baka raw mahawaan namin ang aming mga alaga dahil mga elder ang susceptible sa COVID-19.

"Sinusunod namin ang preventive measures ng Ministry of Health tulad ng guidelines na wearing of mask and wearing of gloves sa public places at saka social distancing about two meters away,” pahayag ni Juan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MODIFIED PASSOVER

Natapos noong April 16 ang Pesach o Passover, ang major Jewish holiday na nagsimula noong April 8.

Malaking selebrasyon para sa Jews ang Passover dahil ito ang paggunita sa pagpapalaya ng Egypt sa mga Israeli na kanilang inalipin.

Isa ito sa malalaking eksena na mapapanood sa classic at epic 1956 movie na The Ten Commandments.

Pero ang banta ng COVID-19 ang dahilan kaya biglang nagbago ang paraan ng paggunita ng mga Israeli sa Passover na isang pagkakataon rin para magkaroon ng family gathering.

Ayon kay Juan, "Noong Passover, nag-advise ang Ministry of Health na huwag bisitahin ang elders dahil sa COVID-19.

"Hindi puwedeng tumanggap ng mga bisita, kahit family members."

LABOR LAW IN ISRAEL

Samantala, sinegundahan rin ni Juan ang naunang pahayag ni Winston Santos, na founder ng National Alliance of Filipino Communities–Israel, na maganda at maayos ang trato ng Israeli government sa mga OFW.

Ani Juan, na 12 years nang caregiver sa Israel, "Maganda ang labor law dito at libre ang health insurance.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kaya nga, five-star hotel accommodation ang COVID-19 patients.

"Israel is a rich country, some of the wealthiest are Jews."

Sa tuwing day off ni Juan bilang caregiver, organizer siya ng Holy Land tours para sa mga kapwa niya OFW, dahil isa at kalahating oras lang ang biyahe mula Tel Aviv hanggang sa Bethlehem.

Sa kasamaang-palad, naapektuhan din ng COVID-19 ang organized tours ni Juan dahil sa pagsasara ng mga tourist spots.

Ang Church of the Nativity sa Bethlehem, na pinaniniwalaang birthplace ni Jesus Christ, ang isa sa mga dinarayo ng mga turista.

Pero mahigit isang buwan na ang nakalilipas mula nang magpasya ang Israeli government na i-lockdown ang naturang lugar para makaiwas sa COVID-19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag bumalik sa normal ang sitwasyon, plano ni Juan na ipagpatuloy ang Holy Land tour niya para sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa Israel.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kilalanin si Juan Kristo II, isang caregiver sa Israel at part-time organizer ng Holy Land tours.
PHOTO/S: courtesy of Cabinet Files
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results