Ang 49-year-old nursing assistant na si Ruben Muñoz ang ikalawang Filipino frontliner na binigyang-pugay ng BBC News.
Binawian ng buhay si Ruben noong April 17 dahil sa COVID-19.
Healthcare worker siya sa East Surrey Hospital sa Surrey, England.
Inulat ng BBC news ang papuri ng boss ni Ruben na si Michael Wilson, ang chief executive ng Surrey and Sussex National Health Service Trust (SASH).
Paglalarawan ng SASH boss sa pumanaw na Filipino frontliner:
"Ruben was a highly respected and talented nursing assistant who showed enormous dedication to caring for his patients every time he walked through our doors.
"He was also a much-loved friend to so many people across our hospital and our team are incredibly saddened by his passing."
Mga COVID-19 patient ang inaalagaan ni Ruben sa East Surrey Hospital na pinaglilingkuran niya bago siya tinamaan ng coronavirus.
RUBEN'S FAMILY
Naulila ni Ruben ang kanyang asawa na si Ester at ang kanilang dalawang anak na sina Patrice at Francis.
Lahat sila ay pawang nagtatrabaho sa iba’t ibang ospital sa United Kingdom.
Pamilya ng nurse ang mga Muñoz dahil nurse din ang kapatid ni Ruben na si Charles, pati na ang kanilang pumanaw na kapatid na si Grace Muñoz-Quinones.
Sa kanilang pamilya, si Ruben ang itinuturing na pinakamatapang sa lahat dahil sa pag-aalagang ginagawa niya sa COVID-19 patients.
Sabi ng mga naulilang pamilya ni Ruben: "He helped those who were COVID positive in his ward.
"He has always put others before himself, even when he struggled to breathe at his home in Sutton, he said he did not want to burden our NHS.
"He was a man who helped those in need for 14 years, and was continuously trying to do so."
PROUD KABABAYANS IN CAMSUR
Ipinagluluksa ng mga kababayan natin sa Camarines Sur ang pagkawala ni Ruben na tubong-Naga.
Nagtapos siya ng elementarya sa University of Nueva Caceres noong 1983, at ng secondary school sa Ateneo de Naga High School noong 1987.
Taon 2006 nang magpasya si Ruben at ang kanyang pamilya na mag-migrate sa England.
Sa pamamagitan ng official statement, pinahalagahan ng Ako Bicol Party List ang kabayanihang ipinamalas ni Ruben sa panahon ng coronavirus.
"Mr. Munoz gave his life in the call of duty. His life and works has saved countless lives.
"He is a concrete example that heroes do live among us."
Nanawagan din ang Ako Bicol Party List sa mga Bicolano na patuloy na sundin ang quarantine protocol
"The sacrifices of all our dedicated medical workers fighting in the frontlines of this war both here and abroad will remain in the hearts and minds of all Filipinos for all generations.”