PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pagkain ng pusa at daga ng stranded construction workers sa UP, fake news?

UP Diliman official, nagbigay-linaw tungkol sa kondisyon ng stranded construction workers na nasa unibersidad.
by Jojo Gabinete
Published Apr 24, 2020
Lumikha ng ingay ang report ng Cabinet Files tungkol sa stranded construction workers sa UP Diliman na kumain umano ng mga pusang gala at daga para pantawid gutom habang ipinapatupad ang quarantine. Pinabulaanan ito ng UP Diliman.
PHOTO/S: Courtesy of Quezon City COVID-19 Food and Good Donation

Fake news ba ang report na dumating sa puntong kumain ng pusang gala, daga, at mga prutas ng puno ang construction workers na stranded sa University of the Philippines Diliman?

Ito ang naging isyu sa social media matapos ilabas ng Cabinet Files noong Lunes, April 20, ang report sa kawalan ng makakain ng isang grupo ng construction workers sa UP.

Mula Marso 15, 2020, nang ipatupad ang enforced quarantine sa Luzon, ang mga manggagawa ay hindi na nakalabas ng state university.

Nagmula ang kuwento sa panayam namin kay Alfred Allan Jose, ang founder ng Quezon City COVID-19 Food and Goods Donation.

Ang grupo ay tumulong at nagbigay ng pagkain sa mga manggagawang stranded.

Si Allan din ang nag-post sa Facebook page ng grupo tungkol sa kalagayan ng construction workers na humantong sa pagkain ng pusang gala at daga bilang pantawid-gutom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad na nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Allan tungkol sa sitwasyon ng construction workers, base sa kanyang Facebook post.

Pumayag siyang ibahagi ang karanasan ng construction workers dahil sa pag-asang baka marami ang tumulong sa mga workers kapag nabigyan sila ng atensiyon ng media.

Pero mahigpit ang kanyang paulit-ulit na bilin na huwag kalimutang banggitin na hindi nagkulang sa pagtulong at pag-aasikaso ang UP Diliman administration.

Inilabas ng PEP.ph ang report noong April 20.

FAKE NEWS?

Kinabukasan, April 21, naglabas ng bulletin ang UP Diliman.

Itinanggi ng unibersidad ang balita tungkol sa pagkain ng workers ng mga pinitas na prutas, pusang gala, at daga para maibsan ang gutom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Huwebes ng hapon, April 23, nakausap ng Cabinet Files sa telepono si Dr. Anril Tiatco, ang direktor ng UP Diliman Information Office.

Kinuha namin ang kanilang panig tungkol sa isyu.

Ayon kay Tiatco, inalam ng kanilang tanggapan ang source ng impormasyon.

Pahayag niya, “Kasi noong pumutok nga ‘yan, nang lumabas ‘yang balitang ‘yan, si Vice Chancellor Ache, pumunta siya agad sa workers para magtanong kung totoo ba itong nabalitaan na may lumabas kasi from someone, si Mr. Allan Jose nga po yun."

Patuloy ni Tiatco, "Actually, dalawang opisina ‘yan na umiikot sa mga construction sites—ang OVC for Planning and Development headed by Dr. Raquel Florendo and All UP Worker’s Union.

"Sila din ang kumausap sa mga workers kung totoo ba yung lumabas na balita, na kumakain sila ng pusa at daga, na dinenay mismo ng mga worker.

"Hindi nga raw nila maisip yun.

“Hindi rin po kasi ma-identify ng mga worker kung kanino galing yun, apparently.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tsinek namin sa Internet, parang nakasaad nga po doon na narinig ni Mr. Jose sa isang colleague niya, kaya yun ang sinabi niya.

“Ang UP Diliman naman po, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa ating mga construction worker dito.”

Ayon kay Allan, 428 ang bilang ng stranded construction workers sa UP Diliman.

Tinanong ng Cabinet Files si Tiatco kung ilan ang mga manggagawang nasa UP Diliman at kung nakausap na nila ang mga ito.

Tugon nito, “Hindi po ako sure sa bilang kung ilan sila.

“Pero nakausap po ng OVC ang mga construction worker natin on-site.

“On-site ito ‘ha? Inikot po talaga nila and, until today, nag-iikot po sila to verify.”

Mabigat ang paratang na fake news ang nangyari sa construction workers, pero nilinaw ni Tiatco na walang direktang sinabi ang UP Diliman na walang katotohanan ang lumabas na balita.

“I-clarify po din natin na hindi po namin directly sinasabi na fake news yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang sinasabi po namin, parang, maging mapagmatyag tayo.

“Ang nilinaw po namin, there have been reports circulating on social media about the group of stranded and starving construction workers inside the UP Diliman campus, alleging they have resorted to eating stray animals and fruits from the trees on campus.”

Ayon kay Tiatco, sa panahon ngayon, walang lugar para sa “paranoia and fake news.”

Nagbigay rin siya ng mensahe para sa media at netizens.

“In this time of uncertainty, ito po yung naka-highlight caused by the pandemic, there should be no room for paranoia and fake news.

“Media agents should practice responsible journalism, and citizens should verify news before sharing on social media.

“This is a general statement, na we should be very careful sa mga ipinapalabas po natin o ipo-post po natin sa social media.

“Lalo na, kasi nga po, napakaimportante, napakahalaga yung verified po muna sana ang mga ipino-post natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya nga, halimbawa kami, hindi rin po kami basta-basta nagpo-post.

“Naghihintay po kami ng verification kung tama po ba itong ipo-post po natin o hindi.”

Pag-uulit ng university information officer, “So, general statement po ito.

“In other words, parang paalaala din po ito sa lahat na let’s all be careful.

“Kasi nga, may nagaganap nang pandemic, nagko-contribute siya ng anxiety.

“And, of course, we don’t want to be contributory pa sa anxiety ng lahat kung magdadagdag pa tayo ng mga fake news.”

TV PATROL REPORT

Ilang oras bago naglabas ng bulletin ang UP Diliman noong April 20, nakapanayam ni Jervis Manahan ng TV Patrol ng ABS-CBN ang ilan sa mga stranded construction workers.

Inamin ng mga itong nakararanas sila ng gutom.

Ikinuwento ni Restopher Quiachon na nag-iwan ng tatlong sakong bigas ang boss ng kanilang kompanya, pero naubos agad dahil sa dami nila.

“Tinawagan namin yung boss namin, nagalit pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi, ano, sardinas na raw ang kinakain niya. Wala daw silang magagawa para sa amin,” aniya.

Sabi naman ni Sonny Gumanas, “Kumakain kami ng mangga, Sir. Nanunungkit lang kami ng mangga diyan.

“Yun na lang ang inuulam namin."

Tinanong ng Cabinet Files si Tiatco tungkol sa interbyu ng TV Patrol sa construction workers na kumain ng prutas, na naunang itinanggi ng UP Diliman.

Sabi niya, “Dito naman, kahit sino, puwedeng kumuha ng mga prutas basta magpaalam lang…”

ATTY. GABY CONCEPCION’S FACEBOOK POST

Hiningi rin namin ang reaksiyon ni Tiatco tungkol sa Facebook post ni Atty. Gaby Concepcion kahapon, April 22.

Si Atty. Gaby ay asawa ni UP President Danilo Concepcion at isa sa segment hosts ng Unang Hirit, ang morning program ng GMA-7.

Sa Facebook post ni Atty. Gaby, na pinamagatan niyang “Of Mice and Men In UP,” sinabi nitong “mukhang fake news” ang naiulat na pagkain ng pusa at daga ng construction workers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa lawyer-TV host (published as is): “Based on the pictures posted in the Pep article, (and after interviewing workers at each site) the roving team found the workers allegedly interviewed and they denied making any such statement.

“The admin reached out to the one who made the statement- and diumano-he apologizes now, claiming that it was just a reported statement by another member of his team (in other words, hearsay kumbaga) and says that it may just have been a joke or comment made in jest by the workers. At the end of the day, verification of the allegations have been made and are being addressed.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Tiatco, ang personal opinion ni Atty. Gaby ay hindi nangangahulugang opinyon din ng UP.

Saad niya, “Si Atty. Gaby is from the system. Kami po ay Diliman.

“Although kami po, nirerespeto natin na kami rin ay under the system.

“Pero in a way, ang puwede nating isipin, ang personal na opinyon ng mga tao ay hindi necessarily opinyon din po ng institusyon.”

Ikinagulat naman ni Allan Jose ang Facebook post ng misis ng UP president na nag-apologize raw siya sa UP.

Paglilinaw ni Allan sa Cabinet Files, walang apology na naganap.

Mapapatunayan daw ito ni Joy Bituin, na nagpakilalang taga-University of the Philippines at nakipag-ugnayan sa kanya noong April 22.

Gusto raw malaman ni Joy ang pinagmulan ng Facebook post ni Allan tungkol sa stranded construction workers.

Sabi ni Allan sa Cabinet Files, “Sabihin ko daw saan galing yun.

“Sabi ko sa kanila, naiintindihan naman nila ang repercussions sa workers if sinabi ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And if binasa nila article, sinabi nga na tumutulong sila,” pagtukoy niya sa UP Diliman administration.

ALLAN JOSE’S OFFICIAL STATEMENT

Upang tuldukan na ang paratang na fake news ang impormasyong ibinigay ni Allan sa PEP, pinaunlakan nito ang hiling ng Cabinet Files na maglabas siya ng official statement.

Ito ang kanyang buong mensahe (published as is):

"We’ve made aware of the post in the UPD Covid-19 Bulletin. And salute them for all them for all their efforts.

“Like what we’ve mentioned, UP has been helping and housing the stranded construction workers and indigenous people from the beginning of the ECQ. They have been nothing but accommodating to our brothers and sisters stranded there.

“What we shared are the accounts from the people on the ground and our own story on how this inspired us to mobilize support.

“In a span of 2 days, the family [of one of our members] distributed 45 cavans of rice out of pocket, and currently distributing a van of vegetables. We understand that everyone is on edge, especially in this time of crisis, as are we.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We also understand the sensitive topic of donations and fake news, but also acknowledge the fact that people have a right to relay and account their own experiences of their situation, even though if it does not conform with what our ideals and norms are.

“There will be different sides, different stories, different opinions about the matter, but the fact remains, our brothers and sisters need help. As for us, we will continue helping and sending whatever support we can to see this through.

“Maraming Salamat, at mabuhay po kayo lahat.”

Dagdag naman niya sa kanyang pahayag sa Cabinet Files nitong April 28:

"Siguro, Sir, best ko masabi is that the people saying it was fake news didn't deter me from still trying to help the workers.

"News would eventually uncover the truth of the situation.

"At the end of the day, facts reported by the news, product of the help we've rallied for the workers, and support from people we don't know but trusted us is irrefutable proof."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STATEMENT OF A UP GRADUATE

Bukod kay Allan Jose, naglabas din ng pahayag si Katrin Maria Escay, graduate ng UP Diliman at kasamahan ni Allan sa Quezon City COVID-19 Food and Goods Donation.

Siya rin ang tinutukoy ni Allan na miyembro ng grupo na ang pamilya ay kumilos agad para magdala ng mahigit 40 sako ng bigas sa construction workers.

Nasaktan daw si Katrin sa paratang na “fake news” ang inilabas na impormasyon ng kanilang grupo.

Ayon kay Katrin, nang sinimulan nila ang donation drive ay may ilang manggagawa mula sa maliliit na construction sites na hindi naaabutan ng tulong o naubos na ang supply ng pagkain.

Kaya kinailangan nilang maghanap ng anumang pagkain na nasa paligid nila.

Isang UP Faculty member "na talagang umikot to all the sites" ang lumapit sa kanila dahil kasya ang pondo nila para pakainin lahat ng mga stranded construction workers.

At pinatunayan daw ito ng construction workers sa interview nila sa TV Patrol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"That’s why we rushed to send 45 sacks of bigas total by yesterday [April 21], so lahat talaga makakain," sabi ni Katrin.

Dagdag niya, "Right now, because of the outpouring of all the help, wala nang kumakain ng ganoon thank God."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lumikha ng ingay ang report ng Cabinet Files tungkol sa stranded construction workers sa UP Diliman na kumain umano ng mga pusang gala at daga para pantawid gutom habang ipinapatupad ang quarantine. Pinabulaanan ito ng UP Diliman.
PHOTO/S: Courtesy of Quezon City COVID-19 Food and Good Donation
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results