PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Buwis-buhay na sakripisyo ng frontliners ipi-feature sa ABS-CBN docu show

ABS-CBN journalist Raphael Bosano may handog na docu para ipakita ang pakikipagdigma sa isang kalabang hindi nakikita.
by Jojo Gabinete
Published Apr 23, 2020
Ang ABS-CBN journalist na si Raphael Bosano ay may handog na docu para ipakita ang hirap ng pakikipagdigma sa isang kalabang hindi nakikita.
PHOTO/S: ABS-CBN Corporate

Isang dokumentaryo tungkol sa pakikibaka ng mga Pilipino laban sa panganib na hatid ng COVID-19 ang inihanda ng ABS-CBN.

May pamagat na "Heroes in the Hot Zone" ang dokumentaryo ng ABS-CBN DocuCentral, na ihahatid ni Raphael Bosano ng ABS-CBN News.

Mapapanood ito sa darating na Linggo, April 26, 8:30 p.m.

"Ano ang nasa isip ng mga sundalong lumalaban sa kakaibang digmaan?

"Puwede namang tumalikod at umalis alang-alang sa sariling kaligtasan.

"Pero nariyan lang sila. Nakaabang. Handang umalalay. Kapalit man nito ay sariling buhay,” saad ni Bosana sa teaser.

Ibabahagi sa dokumentaryo ang tatlong kuwento ng mga doktor na saksi sa hirap ng laban sa mga ospital at sa pagdurusa ng mga pasyenteng dinapuan ng virus.

Ipakikita sa "Heroes in the Hot Zone" ang mga nagaganap sa triage tent—ang lugar na pinagdarausan ng COVID-19 testing.

Hanggang sa pagdadala sa mga pasyente sa emergency room at ang nakabibinging katahimikan sa kuwarto ng mga COVID-19 positive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang lagay ng mag-isang nakikipaglaban para gumaling ang sakit?

Bibigyang-pugay rin ang isang doktor na sumakabilang-buhay dahil sa coronavirus pandemic.

Isinakripisyo ng doktor ang kanyang pamilya at kalusugan para magbigay ng serbisyo sa mga kababayan natin na tinamaan ng COVID-19.

Sa kabila ng malungkot na mga pangyayaring ito, sisibol ang pag-asa.

Ipapakilala ni Bosano ang doktor na gumaling mula sa COVID-19 para magkaroon ng sapat na kaalaman ang ating mga kababayan tungkol sa traydor na sakit.

Ayon sa Department of Health (DOH), umabot na sa 700 na healthcare workers ang nagpositibo sa coronavirus.

At ang masakit, marami sa kanilang mga nagbuwis-buhay para makapagpagaling ng ibang pasyente.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang ABS-CBN journalist na si Raphael Bosano ay may handog na docu para ipakita ang hirap ng pakikipagdigma sa isang kalabang hindi nakikita.
PHOTO/S: ABS-CBN Corporate
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results