Alas-dose ng hatinggabi (12 a.m.) ng March 16, 2020 nang isinatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.
Kulang ng isang araw at magdadalawang buwan na pala ito dahil extended ang ECQ hanggang May 15.
Nagsara ang lahat ng mga business establishment, maliban sa mga naghahatid ng essential services tulad ng mga banko, supermarkets, at drugstores.
Kasama sa mga naapektuhan ang mga beauty parlor at barber shops kaya naramdaman ng lahat ang kahalagahan ng haircutters.
Tulad ng mga ordinaryong mamamayan, apektado rin ang male celebrities na biglang nagkaroon ng transformation dahil hindi sila makapagpagupit ng buhok.
At para makumpleto ang kanilang reinvention, nagpatubo na rin sila ng balbas at bigote habang hindi pa lifted ang ECQ.
May mga artista na binagayan ng bigote at balbas dahil nagkaroon ng karakter ang kanilang mga hitsura, pero meron ding nagmukhang mga kontrabida.
Kabilang sina Gabby Concepcion, Senator Bong Revilla Jr., at Zanjoe Marudo sa male celebrities na nagkaroon ng karakter dahil bumagay sa kanila ang balbas at bigote.

May mga artista ring induction cut (hair cropped closed to the scalp) ang hairstyle.
Nagmukhang bata tuloy sila nang patubuin ang kanilang buhok habang home quarantined.
Kagaya nina Derek Ramsay, Jake Cuenca, at Tony Labrusca.

Parang nadagdagan naman ang karisma ni Vic Sotto sa kanyang salt and pepper hair.

Pero sa mga nag-reinvent ng sarili habang hindi makalabas ng bahay, si Grae Fernandez ang isa sa mga talagang nagtagumpay.

Hindi kasi agad ito namukhaan ng kanyang mga supporter sa current look niya na hudyat na handa na siya para sa mature roles.