PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aspin na may frontliner ID sa Sta. Cruz, Manila, pinagkaguluhan ng media

Aso na may frontliner ID, biglang sikat.
by Jojo Gabinete
Published Apr 27, 2020
Ayon sa nag-aalaga kay Chi-chi, aware daw ang Aspin na sikat ito. Nagdagsaan ang media, nga lang, sabi ng nag-aalaga: "Overwhelmed po si Chi-chi, kaso napagod na po yata, kaya ayaw na po lumabas mula sa tulugan niya. Hehehe!"
PHOTO/S: Courtesy of Jake Ryan Ramos

"Instant star" ang Aspin na si Chi-chi matapos mag-viral kahapon, April 26, ang Facebook post ni Jake Ryan Ramos tungkol sa pagkakaroon ng kanyang alagang aso ng barangay frontliner ID.

Biglang nabigyan ng “celebrity dog” status si Chi-chi.

Aspin ang tawag sa mga gaya niyang Asong Pinoy, na dati rati'y tinatawag na Askal o Asong Kalye, hanggang naging politically incorrect term naman itong huli.

Ngayong Lunes ng umaga, April 27, dumagsa sa tahanan ng mga Ramos sa Barangay 379 Zone 38 ng Sta. Cruz, Manila, ang mga miyembro ng media na nagkaroon ng interes sa aso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago sila dinayo ng press sa kanilang lugar, nagkaroon ang Cabinet Files ng pagkakataong makausap si Jake.

Ayon kay Jake, 21, mahigit isang taon na ang nakararaan mula nang ampunin nila si Chi-chi.

"Actually, sumama po siya sa tanod namin na tricycle driver, tapos hindi na po siya bumaba ng tricycle.

"Hanggang sa sumama na po sa barangay namin at napaamo na namin siya.

"Sa amin na po siya nag-stay, napamahal, tapos hanggang sa nagka-baby rin siya."

Walang ideya si Jake sa edad ni Ch-chi nang ampunin nila ito.

"Wala po akong ideya, pero tingin po namin, bata pa siya nung mapapunta sa amin.

"Pink na pink ang ilong niya. Kumbaga, mestiza siya, mapuputi at malinis ang ngipin.”

Bakit Chi-chi ang pangalan na ibinigay ninyo sa kanya?

"Yung Chi-chi po, galing sa pagsitsit or tawag sa aso. Yung parang parang tsk tsk.

"Nasanay na po siya na tawagin na Chi-chi ng ex-tanod po namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Barangay Chairman Veronica Diasanta ng Barangay 379 Zone 38 ang ina ni Jake.

Nakakasama nila si Chi-chi sa pag-iikot sa kanilang lugar.

STAR MATERIAL

Sa katunayan, napagod at napuyat si Chi-chi sa duty nito kagabi kaya ayaw niyang humarap sa mga media na nagsadya sa Ramos residence ngayong umaga.

"Opo, aware naman po siya," sagot ni Jake nang itanong ng Cabinet Files kung alam ni Chi-Chi na sikat na ito.

"Gulat po siya dahil, this morning, andami pong tao and media.

"Starting 6:30 a.m. po, sunud- sunod na po ang interview ng media and photographers.

"Overwhelmed po si Chi-chi, kaso napagod na po yata kaya ayaw na po lumabas mula sa tulugan niya. Hehehe!"

Ayon pa kay Jake, "Napagod din po siya sa duty niya kagabi.

"Kahit hindi po bilang frontliner, dati na po namin kasama si Chi-chi sa pagdu-duty dahil every day may respective kagawad and tanods kami na on duty.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sumasama po siya sa pag-iikot.

"Minsan, kapag nag-iikot po kami, kung sa tingin niya scavengers or medyo hindi po kaaya-aya ang kasuotan, tumatahol na siya.

"Sinisita niya, pero hindi po niya kinakagat."

Paano nabigyan ng frontliner ID si Chi-chi?

Ayon kay Jake, "Nawala po kasi ang frontliner ID ng isang barangay tanod namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ni Mama, igawa po siya ng bago, then I suggested na igawa na rin po si Chi-chi ng ID.

"Sabi niya, ako raw po ang bahala.

"Ginawan ko po siya ng ID for safety na rin po, dahil may dog pound, baka mahuli si Chi-chi."

Si Jake ay graduating student ng Unibersidad de Manila, sa kursong BSBA-Human Resource Development, pero hindi tiyak kung magkakaroon sila ng graduation ceremony dahil sa COVID-19.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa nag-aalaga kay Chi-chi, aware daw ang Aspin na sikat ito. Nagdagsaan ang media, nga lang, sabi ng nag-aalaga: "Overwhelmed po si Chi-chi, kaso napagod na po yata, kaya ayaw na po lumabas mula sa tulugan niya. Hehehe!"
PHOTO/S: Courtesy of Jake Ryan Ramos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results