PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Naulilang asawa ni Katherine Bulatao, nanghihingi ng breastmilk donation para kay Baby Kamilla

Jan Christian Bulatao, nag-aalala kung saan kukuha ng ipaiinom na gatas sa sanggol na anak na ulila na sa ina.
by Jojo Gabinete
Published Apr 28, 2020
Jan Christian Bulatao (right), nag-aalala kung saan kukuha ng ipaiinom na gatas sa sanggol na anak na ulila na sa ina. Ang asawa niyang si Katherine (left) ay pumanaw noong April 27 matapos umanong tanggihang ng anim na ospital.
PHOTO/S: Jan Bulatao Facebook

Hindi natuloy ang dapat sana'y paghatid sa huling hantungan kay Katherine Bulatao nitong Lunes, April 27.

Si Katherine ang 26-year-old mother na binawian ng buhay pagkasilang ng anak niya noong April 24.

Ito ay dahil umano sa pagtanggi ng anim na ospital sa Caloocan City, Quezon City, at Bulacan na tanggapin at gamutin siya.

Hindi pa kasi napipirmahan ng medical expert mula sa local government ang death certificate ni Katherine.

Kaya nakiusap ang pamilya niya na sa Miyerkules ng umaga, April 29, i-schedule ang paglibing kay Catherine sa Tala Cemetery sa Caloocan.

Gabi ng Lunes, April 27, muling nakausap ng Cabinet Files si Jan Christian Bulatao, ang naulilang asawa ni Katherine.

Sina Jan at Katherine ay may tatlong anak, kabilang ang kapapanganak na supling.

LOOKING FOR BREASTMILK DONATIONS

Hiningi namin ang permiso ni Jan na i-publish ang apela niya sa Facebook.

Humihingi siya ng tulong sa lactating moms kung maaaring mag-donate ang mga ito ng breastmilk para sa sanggol na anak na si Baby Kamilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma ni Jan sa Cabinet Files na may mga nag-abot sa kanya ng tulong.

"Ngayon po, may dumating na breastmilk, may nag-donate po, yung isang nakabasa ng Facebook post ko.

"Habang lumilipas po ang araw, tumatakaw po sa pagdede ng gatas si Baby.

"Tulog lang po siya nang tulog."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-aalala raw si Jan na baka mapanis naman ang breast milk kung sakaling marami ang magbigay sa kanyang bunsong anak, na three days old pa lamang.

Sa mga nais magbigay ng breastmilk kay Kamilla Jean, maaari itong dalhin sa Banahaw Street, Barangay 183, Mountain Heights Subdivision, Caloocan City.

HOSPITALS CANNOT BE REACHED FOR COMMENT

Si Jan ang detalyadong nagkuwento sa Cabinet Files noong April 25 tungkol sa kanyang napakasakit na karanasan nang isugod niya si Katherine sa mga ospital.

Agaw-buhay na't lahat si Katherine, pero tumanggi umano ang mga ospital na gamutin ito.

Nang lumabas ang mga interbyu kay Jan sa print, online, at telebisyon, walang sinuman sa mga representative ng mga ospital ang nakipag-ugnayan.

Sinubukan ng Cabinet Files na hingin ang statement ng isang ospital sa Quezon City na sangkot sa reklamo ni Jan.

Maliban sa isang ospital sa Quezon City, hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang iba hinggil sa insidente.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

CONGRESSMAN ALFRED VARGAS SADDENED BY NEWS

Sakop ng District V ng Quezon City ang dalawa sa anim na ospital na hindi tumanggap kay Katherine.

Kaya hiningi namin ang reaksiyon ni Alfred Vargas, ang house representative ng naturang lugar.

Bilang isang magulang, nanlumo at labis na nalungkot si Alfred sa nangyari kay Katherine.

"My heart bled as I read the story of Katherine and Jan Bulatao, one of the many modern-day Joseph and Mary, after being turned away by several hospitals.

"It is disheartening to read about Katherine's death," pahayag niya.

Hindi raw lubos maisip ni Alfred na ang isang ospital sa Quezon City ay tumanggi dahil hindi makapagbigay agad ng downpayment ang pasyente.

"She had just given birth, was hours away from death, but wasn't attended to because of a P30,000 down-payment that a properly equipped hospital was demanding?

"We are in the midst of saving and protecting lives where health workers and patients die because of the virus and we allowed Katherine to die without a fight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Isn't that a crime?"

Ni wala raw doktor—na may sinumpaang tungkulin na magsagip ng buhay ng tao—ang tumingin kay Katherine.

"A child was deprived of a mother. That is a tragedy.

"Anuman ang paliwanag ng anim na ospital, walang doktor na tumingin kay Katherine.

"Agaw-buhay siya pero di siya nakakuha ng atensyon medikal. Yan ang katotohanan."

AID FOR JAN'S NEWBORN BABY

Sa huli, nanawagan si Alfred sa lactating moms na maaaring mag-donate ng breastmilk para sa anak nina Katherine at Jan.

"We lost her mom, but we can make sure she survives by giving her the next best milk possible, other than her mom's," saad ng kongresista.

Nangako rin si Alfred na gagawan niya ng aksyon para hindi na maulit ang insidenteng narasan ng mag-asawang Jan at Katherine sa mga ospital.

"As part of our oversight function in congress, I will have the Republic Act reviewed para mas magkaroon ng ngipin yung batas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It’s a matter and question of implementation kasi. Dapat mas madali na ma-implement at mas strikto ang batas."

Tila ang tinutukoy ni Alfred ay ang Anti-Hospital Deposit Law na nagbabawal sa mga ospital na maningil ng downpayment sa emergency situations.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jan Christian Bulatao (right), nag-aalala kung saan kukuha ng ipaiinom na gatas sa sanggol na anak na ulila na sa ina. Ang asawa niyang si Katherine (left) ay pumanaw noong April 27 matapos umanong tanggihang ng anim na ospital.
PHOTO/S: Jan Bulatao Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results