PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

FEU-NRMF Medical Center, itinangging mayroon itong no-downpayment-no-admission policy

FEU-NRMF, nanindigang hindi nagtataboy ng agaw-buhay na pasyente dahil walang downpayment.
by Jojo Gabinete
Published Apr 28, 2020
FEU-NRMF Medical Center, nanindigang hindi ito nagtataboy ng agaw-buhay na pasyente dahil lang walang downpayment. Taliwas ito sa salaysay (nasa litrato) ni Jan Christian Batulao, ang naulilang asawa ni Katherine Batulao.
PHOTO/S: FEU-NRMF Medical Center / Jan Batulao

Naglabas na ng pahayag ang isa sa anim na ospital na tumanggi diumanong gamutin si Katherine Bulatao, na binawian ng buhay matapos magsilang.

Ito ay ang Far Eastern University-Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation Medical Center, na matatagpuan sa Novaliches, Quezon City.

Sa kuwento ng naulilang asawa ni Katherine na si Jan Christian Bulatao, kabilang ang FEU-NRMF sa mga tumangging gamutin si Katherine nang isugod ito roon noong April 24, 2020.

Nangailangan ng medical treatment si Katherine dahil ayaw lumabas ang inunan ng kanyang bagong silang na sanggol.

Pero hindi raw ito tinanggap sa FEU-NRMF Medical Center dahil sa hindi agad mabayaran ni Jan ang hinihinging PHP30,000 downpayment.

Pinabulaanan ng ospital ang alegasyong ito.

Hindi raw totoong hindi sila tumatanggap ng agaw-buhay na pasyente hangga't walang downpayment.

Ang Chief Medical Officer na si Dr. Nolan E. Pecho ang nakalagda sa official statement na ipinadala sa PEP.ph at naka-post din sa Facebook page ng FEU- NRMF Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May petsa itong April 27, 2020.

Pahayag ni Dr. Pecho: "When a patient seeks medical treatment from FEU-NRMF Medical Center, it is customary to provide cost estimates upon the request of prospective patients.

"Naturally, some procedures may cost more than public hospitals which are subsidized by the government.

"But we do not require a down payment as a precondition to giving the patient the required medical treatment."

Nanindigan ang ospital na may polisiya silang bawal tanggihan ang pasyenteng agaw-buhay ang kondisyon.

"Under these circumstances, it is still the choice of the patient to receive medical treatment.

"And yet, it is the strict policy of the hospital never to reject or to deny urgent medical attention to the patient whose condition is life threatening."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JAN'S VERSION OF THE HOSPITAL INCIDENT

Taliwas ito sa salaysay ni Jan.

Hiningan daw siya ng PHP30,000 downpayment ng staff member ng FEU-NRMF Medical Center na nakausap niya noong nakaraang Biyernes, April 24.

Gayong nanghihina na raw noon ang misis niyang si Katherine dahil sa dami ng dugong nawala rito.

Nakausap ng Cabinet Files si Jan sa telepono noong Sabado, April 25.

Salaysay ni Jan: "Pagdating po namin doon, naghintay po kami kasi may pila.

"Nung turn na po namin, around 6:30 p.m., ako po yung nakipag-usap.

"Sabi ko, 'Ma’am, patulong po, emergency po.'

"E, nakatsinelas lang po ako. Dugyot po ako talaga dahil tuliro na ako.

"Ang sabi ng kumausap sa akin, 'Sir, uunahan ko na po kayo, private hospital po kami, medyo may kamahalan.'"

Hindi raw in-admit si Katherine kahit na ipinaalam ni Jan na "emergency" ang kondisyon ng asawa.

"Nagtanong ako, 'Magkano po ba?'

"Sabi niya, ‘Kung sakali, aabutin ng around PHP60,000 to PHP100,000.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sabi ko, 'Wala pong problema, Ma’am. Gagawan ko po ng paraan 'yan.'

"Sabi niya, 'Sige, Sir, ia-admit namin si Misis, kaso tanong ko lang, kaya niyo po ba na magbigay ng downpayment?’

"'Magkano po yung amount?'

"Sabi niya, ‘Siguro, aabot ng mga trenta [PHP30,000].’

"Sabi ko, 'Sige po, Ma’am, gagawan ko ng paraan kasi emergency na po.'"

NO DOWNPAYMENT, NO ADMISSION ALLEGATION

Ayon pa rin kay Jan, ipinilit ng hospital staffer na hindi maaaring i-admit si Katherine hangga't walang downpayment.

Pinayuhan pa raw siyang kunin muna ang perang pambayad nito.

"Si Misis, nahihirapan nang huminga saka nagbi-bleeding na po siya that time.

"Sabi ko, 'Wala po akong dalang cash. Kung puwede, i-admit muna si Misis, kukuha po ako ng cash. Babalikan ko po agad, ibibigay ko po ang downpayment.'

"Sabi ng nakausap ko, hindi puwedeng i-start ang procedure hangga’t walang downpayment.

"In-advise nila ako na, 'Kung gusto nyo, Sir, iwanan niyo yung misis niyo. Tapos kunin niyo yung downpayment. Balikan niyo po.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idiniin pa umano ng hospital staffer ang laki ng babayarang hospital bill ni Jan sakaling ma-admit sa FEU-NRMF Medical Center si Katherine.

Patuloy ni Jan: "May binanggit din po siya tungkol sa PPE [Protective Personal Equipment] na suot ng doktor.

"Sabi niya, babayaran din namin ang bawat PPE na gagamitin ng doktor at nurses na PHP4,000 each.

"Tapos nag-advise siya, ‘Kung gusto niyo, Sir, maghanap muna kayo ng public hospital.

"Kapag wala kayong nakita, kunin niyo ang pang-downpayment, balik po kayo dito.'"

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FEU-NRMF Medical Center, nanindigang hindi ito nagtataboy ng agaw-buhay na pasyente dahil lang walang downpayment. Taliwas ito sa salaysay (nasa litrato) ni Jan Christian Batulao, ang naulilang asawa ni Katherine Batulao.
PHOTO/S: FEU-NRMF Medical Center / Jan Batulao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results