Ang solong pamumuhay, ang matagal na hindi paglabas ng bahay para makaiwas sa banta ng COVID-19, at ang litrato ng isang kaibigang may sakit.
Ilan ito sa mga nag-trigger ng anxiety attack ng singer na si Kris Lawrence.
Ayon sa healthline.com, "Symptoms of anxiety include worry, distress, and fear. Anxiety is usually related to the anticipation of a stressful situation, experience, or event. It may come on gradually."
Sa kanyang pakikipag-usap sa Cabinet Files kagabi, April 30, ikinuwento ni Kris na naranasan niyang matakot matulog pero hindi niya alam na sinusumpong na pala siya ng anxiety attack.
"Takot ako noon na matulog. Akala ko nagha-hypoglycemia ako kasi malamig ang pawis ko.
"So, kumain ako ng mango, tapos umokey nang konti ang pakiramdam ko.
"Tapos, nalaman ko ang sugar ng prutas, saglit lang ‘yan. Sunog agad lalo na kapag nag-iisip ka.
"Yun palang pag-iisip natin, sobrang nakaka-burn ng energy, so kinulang ako sa nutrition kaya nanlamig ako."
Patuloy na kuwento ni Kris, "Ang mali ko nang gabing ‘yon, kumain ako ng saging, mga lima.
"Ang ginawa ng saging, itinulak palabas sa katawan ko ang sodium, so nagkulang ako sa salt.
"I consulted a friend, at siya ang nag-explain sa akin tungkol sa balance of electrolytes, carbs, salts, etc.
"Nalaman ko na mababa ang salt ko sa katawan kaya nag-boil ako ng potato and naglagay ako ng Himalayan salt, ayun, sarap ng tulog ko.
"The next day, inayos ko na ang diet ko na medyo okey sa sodium.
"Since then, okey na ako, back to normal programming."
ANXIETY ATTACK AMID ENFORCED QUARANTINE
Bukod sa pinagtuunan ng pansin ang kanyang pagkain, in-acknowledge ni Kris na may anxiety attack talaga siya.
Marami raw siyang kakilala na nakaranas nito mula nang ipatupad ang enforced quarantine.
Nagbago raw kasi ang lifestyle ng lahat.
Saad ni Kris, "It’s lack of sunlight, it’s lack of mobility.
"I needed to walk, I really needed to walk.
"I feel, like, it’s a build-up aggression na hindi nagagamit yung energy.
"Masyadong maraming energy na hindi nagagamit ng katawan ko."
First time raw nangyari ito kay Kris kaya nagulat siya.
"Hindi ko alam na anxiety attack 'yon, ang feeling ko, magiging stroke."
Pero hindi na raw siya sinusumpong ng anxiety attack ngayon dahil bumalik na siya sa paglalakad.
"Kaya, every day, I walk from one to one-and-a-half hours dito sa village namin sa Quezon City, which is 100 percent COVID-19 free."
Sabi pa nga niya, habang kausap ang Cabinet Files, "I’m walking right now.
"I make sure na pinapawisan ako.
"Hindi na ako sinusumpong, basta I acknowledge it.
"Because once you acknowledge it, you know how to target it na," saad ni Kris.
DOH REMINDER
Samantala, hindi naman nagkulang ang Department of Health ng paalala sa lahat ng katulad ni Kris na nakararanas ng anxiety o panic attacks sa panahon ng coronavirus pandemic.
Bukod daw sa pagkonsulta sa isang mental health professional, mahalaga ang suporta ng pamilya.
Paalala ng DOH: “Makakatulong ang pakikipag-usap sa pamilya, kaibigan, katrabaho o isang mental health professional kung kailangan ng karagdagan na suporta.
"Kung kinakailangan ng isang propesyonal na makakausap ukol sa mental health, tumawag sa National Center for Mnetal Health hotlines: 0917-899-USAP ( 8727) o (02) 789-USAP (8727)."
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)