Pampalipas-oras at para malibang ang supporters kaya gumawa ng lockdown videoserye sa YouTube ang real-life sweethearts na sina Kim Molina at Jerald Napoles.
Kaya nasorpresa ang dalawa nang magkaroon ng mahigit sa 20-million views noong April 22 sa lahat ng social media platforms ang “katuwaan cover version” nila ng "Bagsakan"—ang 2005 hit single ng Parokya ni Edgar.
“Gulat po,” sagot ni Kim nang itanong ng Cabinet Files ang reaksiyon nila ni Jerald sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kanilang version ng "Bagsakan."
Dagdag ng Viva star, “Hindi namin ine-expect na ganoon ang magiging reception ng tao since we just did it randomly.
“Literally, minutes before I was about to take a bath. Nag-iinit po ng tubig, pampalipas oras.”
Inseparable sina Kim at Jerald mula nang mag-umpisa ang Enhanced Community Quarantine noong March 15.
Lalong pinatatag ng coronavirus pandemic ang kanilang limang taon na relasyon.
“I guess, the fact that we both have a great sense of humor, we always see to it that we stay positive on every aspect.
“Kami lang naman ang magkasama sa house ko, with his Mama Tess and my Yaya Nelly.
"Kaya mas open kami ngayon that we communicate more often with each other.
"Sa aming dalawa naman ni Je, since first time naming magkasama sa isang bahay 24/7, I appreciate him more, lalo na kung paano siya mag-alaga,” sabi ni Kim.
Marami raw siyang nadiskubre at lalo niyang nakilala ang tunay na ugali ni Jerald dahil sa lockdown.
“Akala ko, ako ang workaholic sa aming dalawa, mas workaholic pala si Je!
"Hindi siya mapakali na walang ginagawa kaya ang dami na rin naming mga contents na nasu-shoot.
"It works for me also because parehong gusto namin na laging may maipapakita na good vibes sa mga tao.”
KIM'S REALIZATIONS
Paano binago ng COVID-19 ang buhay ninyo at beliefs?
Saad ni Kim, “Tama nga ang sinabi ng parents ko.
"Kailangan na mag-ipon at maghanda sa kung anumang puwedeng mangyari, emergency plan kumbaga.
"Because of this pandemic, I learned to get more into emergency back-up plans.
"I've always been a spiritual person.
"I know He has his reasons and He has greater plans for us kaya kapit lang tayo."
Dahil sa coronavirus pandemic, may mga trabaho si Kim na naapektuhan.
Kasama rito ang taping niya sa Ang Probinsyano at ang pagkakaudlot ng playdate ng Love The Way You Lie.
Bida sina Xian Lim at Alex Gonzaga sa Love The Way You Lie, na official entry sa hindi natuloy na Metro Manila Summer Film Festival.
“Je and I are both cast members of FPJ's Ang Probinsyano.
"Yun talaga ang unang naapektuhan since we tape every Monday, Wednesday, and Friday.
"Supposedly, mag-start na ako ng ng promotion for The Alex-Xian movie that I'm also part of.
"Naapektuhan din ang live events and movies I was scheduled to start and finish.”
Ano ang unang gagawin niya kapag na-lift na ang Enhanced Community Quarantine sa May 15?
"Ako po, kahit matapos na ang ECQ, mas mag-iingat pa rin ako.
"I'm aware of articles stating second and third waves of the pandemic around the world.
"Kaya mabuti na yung huwag munang maatat na pumunta kung saan-saan.
"I would definitely still stay home that often and just go out for work lang," pahayag ni Kim.
Natutuwa si Kim dahil nakita niya ang pagkakaisa ng lahat sa panahon ng COVID-19 pandemic.
"I will always treasure moments when people from different mediums came together to help others.
"Everyone united na kahit sino, tumutulong kahit sa maliit na paraan.”