PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jerald Napoles, natutong makisama sa girlfriend na si Kim Molina dahil sa quarantine

Jerald Napoles, planong pumunta ng beach kasama si Kim Molina kapag-na-lift na ang quarantine
by Jojo Gabinete
Published May 6, 2020
Jerald Napoles on his realization amid enforced quarantine: "Na-realize ko na kahit anong plano mo sa buhay, maaaring magbago dahil sa mga pangyayaring ito. Pero sa kagaya namin, at marami siguro ang kagaya namin, tuloy ang laban."
PHOTO/S: Noel Orsal

Dahil sa Enhanced Community Quarantine, lalong naging malapit sa isa’t isa si Jerald Napoles at ang kanyang girlfriend na si Kim Molina.

Mula nang ipatupad ang ECQ noong March 15, magkasama na sa iisang bahay ang dalawa.

Kaya kahit limang taon na ang kanilang relasyon, may mga ugali si Kim na ngayon lamang nadiskubre ni Jerald.

Kuwento ng aktor sa Cabinet Files, "Dahil sa quarantine, natuto kaming makisama sa isa’t isa nang mas maayos dahil magkasama kami sa iisang bubong.

"Mula work ethics and individual spaces, natuto kaming dagdagan ang paggalang sa isa’t isa.

"Na-discover ko na kayang-kaya ni Kim mag-stay sa kuwarto buong araw, at sweet siya kahit magkasama kami lagi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TIME TO REFLECT

Ano naman ang mga realization ni Jerald ngayong namamalagi lamang siya sa loob ng bahay?

Sagot niya, "The community quarantine is a good time to reflect, especially sa buhay ng bawat isa.

"Nagbago ang pananaw ko sa mga importanteng bagay, at malamang may mga pagbabago pagkatapos nito.

"Na-realize ko na kahit anong plano mo sa buhay, maaaring magbago dahil sa mga pangyayaring ito.

"Pero sa kagaya namin, at marami siguro ang kagaya namin, tuloy ang laban.

"Mas may time din to talk to God kasi mas spiritual ang dilemma sa panahong ito.

"It is a test of faith."

Tulad ng lahat ng mga artista, may mga TV at movie assignments si Jerald na naapektuhan ng enforced quarantine.

Aniya, "Stop shooting ng ilang pelikula na nasimulan ko nang i-shoot for Viva.

"Pero good thing, natapos na namin ni Kim ang pelikula na pinagbibidahan namin directed by Darryl Yap, ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"But other stuff, like tapings for Ang Probinsyano, siyempre natigil.

"Good thing, we have contents for digital viewers kaya tuloy ang pagbibigay namin ng saya."

Nang makausap ng Cabinet Files si Jerald ay hindi pa ipinapasara ng NTC ang ABS-CBN.

TAYO NA SA BEACH

Kapag natapos na ang problema ng bansa sa coronavirus pandemic at bumalik na uli sa normal ang sitwasyon, plano ni Jerald na pumunta sa beach kasama si Kim at ang kanilang pamilya.

"Personally, kapag na-lift na ang quarantine, at there are solid evidences and facts na safe na uli or siguro kung may vaccine na, I would love to go to the beach.

"Ma-out of town kasi ako.. pangbalanse ko ang dagat.

"Aayain ko si Kim, ang family ko and family niya na mag-out of town.

"Then, work agad, kasi ang daming nakaabang na trabaho," sabi ni Jerald.

Itinuturing ni Jerald na most memorable experience sa panahon ng COVID-19 ang pagkakaroon nila ni Kim ng YouTube Channel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung YouTube Channel namin at ang #KimJe LockdownSerye, ginawa namin para maipakita sa mga tao na puwedeng maging good vibes kahit naka- lockdown sa bahay.

"Marami kasi ang nabubuhayan at nasasayahan na fans sa mga YouTube content namin.

"Yung saya ang malaking bagay sa atin lalo na sa mga ganitong panahon."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerald Napoles on his realization amid enforced quarantine: "Na-realize ko na kahit anong plano mo sa buhay, maaaring magbago dahil sa mga pangyayaring ito. Pero sa kagaya namin, at marami siguro ang kagaya namin, tuloy ang laban."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results