TV Patrol ng ABS-CBN, balik sa paghahatid ng balita

by Jojo Gabinete
May 7, 2020
Magbabalik ang TV Patrol ngayong May 7 pagkatapos ng isang araw na pamamahinga. Mapapanood ito sa pamamagitan ng social media platforms, mobile apps, iWant, ABS-CBN News at ABS-CBN Radio Service, at sa cable channel na ANC at Sky on Demand, at The Filipino Channel.

Kahit off air ang ABS-CBN, papayagan ng Philippine National Police (PNP) ang mga empleyado ng Kapamilya Network na makadaan sa mga checkpoint.

Ayon ito sa advisory na inilabas nila sa official facebook page ng PNP ngayong Huwebes ng hapon, May 7:

"All ABS-CBN executives, reporters, technical staff and employees remain included among Authorized Persons Outside Residence (APOR) pursuant to IATF-MEID guidelines on Enhanced Community Quarantine and should be allowed to pass thru all Quarantine Control Points subject to routine presentation of valid ID.”

Inihinto ng ABS-CBN management ang pagpapalabas ng kanilang mga programa sa telebisyon noong May 5 dahil sa cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission.

Pero hindi ito nangangahulugang tumigil na rin sa pagtatrabaho ang mga empleyado nila.

Ngayong gabi, 6:25 P.M., magbabalik ang TV Patrol pagkatapos ng isang araw na pamamahinga.

Muling mapapanood ang primetime news program ng Kapamilya Network.

Patuloy na maghahatid ng balita ang ABS-CBN sa pamamagitan ng social media platforms tulad ng Facebook, Twitter, Viber, at YouTube; mobile apps; iWant; ABS-CBN News at ABS-CBN Radio Service; at sa mga cable channel na ANC at Sky on Demand.

Continue reading below ↓

Mapapanood din ang TV Patrol sa The Filipino Channel (TFC) simula ngayong gabi.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magbabalik ang TV Patrol ngayong May 7 pagkatapos ng isang araw na pamamahinga. Mapapanood ito sa pamamagitan ng social media platforms, mobile apps, iWant, ABS-CBN News at ABS-CBN Radio Service, at sa cable channel na ANC at Sky on Demand, at The Filipino Channel.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results