Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Kim Chiu na-bash dahil sa "classroom" quote; sagot niya, "hindi ko din naintindihan"

by Jojo Gabinete
May 9, 2020
Pabiro ang naging reaksiyon ni Kim Chiu sa pambabatikos sa kanya nang gamitin nito ang "batas sa classroom" sa pahayag niya tungkol sa ABS-CBN shutdown.
PHOTO/S: @chinitaprincess on Instagram

Inihingi ni Kim Chiu ng paumanhin ang bahagi ng kanyang pahayag sa Laban Kapamilya, ang online protest ng mga artista ng ABS-CBN sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission sa kanilang network.

Kabilang si Kim sa mga contract stars ng Kapamilya Network na lumahok sa online protest na napanood kagabi, May 8, sa Facebook.

Naging kontrobersyal si Kim dahil tumatak nang husto ang bahaging ito ng kanyang pahayag sa Facebook Live:

"Sa classroom, may batas. Bawal lumabas. O, bawal lumabas, pero pag sinabi, pag nag-comply ka na bawal lumabas. Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo yung law ng classroom niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas."

Ikinumpara ni Kim ang pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN sa rules na pinaiiral sa school, at dahil hindi niya masyadong naipaliwanag ang kanyang punto, umani ang aktres ng batikos at pang-aalipusta.

Buong araw na nag-trending si Kim sa social media dahil sa mga pahayag nito. Kaya ngayong hapon, May 9, humingi ang Kapamilya star ng paumanhin, kasabay ang pag-amin na hindi rin niya naintindihan ang kanyang mga sinabi.

Continue reading below ↓

“Maraming salamat sa lahat ng nakinig at umunawa sa amin kagabi. Thank you for choosing kindness, empathy and compassion! Maraming salamat po.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Sa sinabi tungkol sa 'classroom,' nung binasa ko, hindi ko din naintindihan. Haha pareho lang tayo!

"Parang pagpapasara lang ng NTC sa ABS, di maintindihan. Okay po. Sensya na! Nadala lang ng bugso ng damdamin.

“Sa dami ng sinabi ko, yun lang talaga ang napansin niyo? Kahit ano pa man ang sabihin niyo, OKAY LANG PO basta #LABANKAPAMILYA,” ang paliwanag ni Kim na idinaan na lang sa biro ang sagot sa kanyang mga bashers.

Sinaklolohan naman si Kim ni Coco Martin, na naging kapareha niya sa ABS-CBN series na Ikaw Lamang.

Gaya ni Kim, passionate din si Coco sa pagpapahayag ng damdamin tungkol sa pagpapasara ng NTC sa kanilang home network.

"Kim, sobrang proud kami lahat sa ’yo sa tapang na pinakita mo! Hayaan muna sila, sila na matalino, sila na nakapag-aral.

Continue reading below ↓

"Mahirap maging matalino baka matuto pa tayo gumawa ng kawalanghiyaan gaya nila!!” ang reaksyon ni Coco sa comments section ng Instagram post ni Kim.

Meanwhile, naglabas naman ng disinformation alert ang ABS-CBN, at itinangging naglabas sila ng quote card ng pahayag ni Kim.

"ABS-CBN News did not publish a graphic on this portion of Kim Chiu's statement. This graphic was manipulated and had misled the public about the larger message of the actress,” paglilinaw ng ABS-CBN News.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pabiro ang naging reaksiyon ni Kim Chiu sa pambabatikos sa kanya nang gamitin nito ang "batas sa classroom" sa pahayag niya tungkol sa ABS-CBN shutdown.
PHOTO/S: @chinitaprincess on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results