Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Teacher na magbibigay raw ng P50M reward kapalit ng buhay ni Pangulong Duterte, dinakip ng NBI

by Jojo Gabinete
May 12, 2020
Nahaharap sa mga kasong inciting to sedition at violation of ethical standards na kaugnay ng Cybercrime Law ang elementary school teacher na si Ronnel Mas. Ito ay matapos siyang mag-tweet na magbibigay siya ng P50 milyong pabuya sa sinumang papatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: Screen grab from GMA News Twitter

Inciting to Sedition at Violation of Ethical Standards na kaugnay ng Cybercrime Law ang mga kasong isasampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa elementary school teacher na si Ronnel Mas.

Si Mas, 25, ay nagtuturo ng Social Studies sa isang public school sa Sta. Cruz, Zambales.

Pero nakatira siya sa Dagupan City, Pangasinan.

Ang NBI Dagupan District Offie ang dumakip kay Mas ngayong Martes, May 12.

Ito ay bunsod ng kanyang tweet noong May 5 na magbibigay siya ng P50 million na pabuya sa sinumang makapapatay kay President Rodrigo Rodrigo.

Continue reading below ↓

CASES TO BE FILED AGAINST MAS

Nakapanayam ng Cabinet Files sa telepono ngayong Martes ng hapon, May 12, si Atty. Rizaldy Jamaylin, chief ng NBI Dagupan City.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Siya ang nagbigay ng mga bagong development tungkol sa mga kaso ni Mas.

"We’ll be filing charges of inciting to sedition in relation to Cybercrime Law, at saka being a public teacher, yung violation ng Ethical Standards.

"Elementary teacher siya ng Social Studies," ani Atty. Jamaylin.

Ang teachers ay sakop ng Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Bakit dinala sa NBI Manila si Mas?

Tugon ng NBI Dagupan City chief, "Magandang news issue ito.

"Hindi lang naman kung sino ang pinagbabantaan niya, kundi mismong si Presidente Rodrigo Duterte.

"So we believe na kung mahuli namin ito, I’m sure, maraming media outlets ang magiging interesado na makuha yung mga detalye.

"And ako naman, ayokong pangunahan si Director Distor dahil very sensitive ang isyu.

Continue reading below ↓

"Gusto ko, siya ang mag-present sa media," paliwanag ni Atty. Jamaylin.

Si Assistant Director Eric Distor ang officer-in-charge ng NBI.

MAS APOLOGIZES TO PRESIDENT DUTERTE

Ngayong hapon, May 12, iniharap ng NBI sa mga miyembro ng media si Mas.

Umiiyak at nakaluhod na nakiusap si Mas na patawarin siya ni President Rodrigo Duterte.

Kasama ni Mas ang kanyang ama at ina na kapwa luhaan ding humingi ng patawad sa Pangulo.

Nang dakpin si Mas, umiiyak na itong humingi ng tawad sa Pangulo.

Humahagulgol na pahayag ni Mas, "Ang daming problema na hinaharap ng ating bansa, nagdagdag pa ako.

"Ito po ay aking pinagsisisihan nang buong puso."

Continue reading below ↓

Bago humarap si Mas sa mga miyembro ng media, nakapanayam na siya ng Pangasinan-based radio commentator na si Ronald Allan Sison matapos ang pagdakip sa kanya.

Sa video interview sa kanya ni Sison, lumuluhang sinabi ni Mas na nagawa nitong mag-tweet tungkol kay Pangulong Duterte dahil “pa-famewhore” siya.

Pahayag ni Mas, “Nagso-sorry po ako kay President Rodrigo Duterte at nagawa ko yung tweet na 'yon.

"Hindi ko po intensiyon ‘yon.

"Sa totoo lang po, yung Twitter, kumbaga, ang nagiging saloobin ko, pero walang pumapansin kaya nagawa ko ‘yon.”

Tanong ni Sison: "Naghahanap ka ng atensiyon sa Twitter?"

Sagot ni Mas, “Yes po, pero wrong move po.

"Hindi ko po inaakala na magiging ganito. Kasi po pa-famewhore po.

"Naghahanap po talaga ako ng atensiyon.

"Marami pa po akong pangarap kaya nagso-sorry po ako sa lahat."

Ayon kay Mas, nagpakuwela lamang siya kaya tinapatan niya ang P50 million na pabuya ni Pangulong Duterte sa sinumang makakadiskubre ng vaccine para sa coronavirus.

Continue reading below ↓

Sa kanyang Twitter post, P50 million daw ang "reward" na ibibigay niya para sa papatay sa Pangulo.



Malinaw namang walang P50 million si Mas.

THINK BEFORE YOU CLICK

Sa huli, pinaalalahanan ni Atty. Jamaylin ang lahat na maging responsable sa paggamit ng social media para hindi na maulit ang nangyari kay Mas.

Continue reading below ↓

"Ang payo ko sa kanila, seryosohin naman nila itong Cybercrime Law natin.

"Hindi biro-biro ito. A lot of individuals have already been arrested—yung iba sa cyber extortion, yung iba, sa kasong cyberlibel.

"Tapos ito ngayon, si Ronnel Mas, nahaharap siya sa medyo malaking problema rin."

Patuloy ng abugado, "Ang napapansin ko kasi ngayon, dahil sa stay-at-home orders ng Enhanced Community Quarantine, most of mga kabataan, mostly mga walang ginagawa, nasa bahay lang.

"They are indulging themselves too much sa social media. Ito ang nagiging libangan nila.

"E, sana ingatan nila ang pagpo-post nila na hindi harmful sa ibang mga kababayan natin.

"At saka, huwag din sila basta-basta papatol sa mga nagpo-post, at baka mamaya, mabiktima rin sila.”

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nahaharap sa mga kasong inciting to sedition at violation of ethical standards na kaugnay ng Cybercrime Law ang elementary school teacher na si Ronnel Mas. Ito ay matapos siyang mag-tweet na magbibigay siya ng P50 milyong pabuya sa sinumang papatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: Screen grab from GMA News Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results