Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

ABS-CBN, umalma sa malisyosong meme na pinaglaruan ang lisp ni Coco Martin

by Jojo Gabinete
May 12, 2020
Excerpt from ABS-CBN's statement on meme making fun of Coco Martin's speech defect: "Hindi gagawa ang ABS-CBN ng ano mang panlalait o pagmamaliit sa kahit sinong tao."
PHOTO/S: ABS-CBN News Twitter

Naging personal na ang mga batikos laban kay Coco Martin dahil sa matatapang na mga pahayag nito laban sa gobyerno.

Para kay Coco, hindi makatarungan ang pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN.

Ang pagkakaroon ni Coco ng lisp, isang uri ng speech disorder, ang napagbuntunan ng mga maka-gobyernong hindi umaayon sa ipinaglalaban niya.

Kaya kumalat sa social media ang iba’t ibang klaseng memes na pinagpistahan at pinagtawanan naman ng ibang netizens.

Pinalitan ng "t" ang lahat ng letrang "s" sa pahayag ni Coco na matatagpuan sa quote card na inilabas ng ABS-CBN.

Noong Linggo, May 10, muling naglabas ng disinformation alert ang ABS-CBN dahil sa pananamantala ng mga basher para paglaruan ang speech defect ni Coco.

Hindi raw ang ABS-CBN ang naglabas ng malisyosong meme na ginawang katatawan ang aktor.

Pahayag ng ABS-CBN: "Hindi gagawa ang ABS-CBN ng ano mang panlalait o pagmamaliit sa kahit sinong tao.

"Kaya sana ay iwasan din natin at huwag i-share ang ganitong anyo ng disinformation.

Continue reading below ↓

"Maging mapanuri sana tayo at iwasang makapanakit ng kapwa,” paalaala ng ABS-CBN sa creators ng memes ni Coco.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa parte ni Coco, hindi naman niya ikinahihiya ang pagkakaroon ng problema sa pagbigkas sa letrang "s."

Dahil sa mismong #LabanKapamilya Facebook Live video ay nabanggit niya na pinagkatiwalaan siya ng ABS-CBN kahit pa siya ay "bulol."

Continue reading below ↓

Bagkus ay sumugal daw ang Kapamilya network sa kakayahan niya at determinasyon niyang pagbutihin ang kanyang trabaho.

HOT STORIES

LOOKING FOR COCO

Bukod sa memes kay Coco, may isang pasîkat na lalaking nagsadya sa ABS-CBN compound sa kabila ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.

Nais nitong hingin sa mga security guard ang address at cellphone number ni Coco, at ibibigay raw ang contact details ng aktor sa mga kababayan nating tatanggap sa tila basag-ulong hamon ng FPJ's Ang Probinsyano star.

Nabanggit kasi ni Coco sa Facebook Live na handa siyang makipaglaban nang harapan sa mga "kakanti" sa kanyang mga Kapamilya.

Epic fail naman ang drama ng lalaki dahil ni hindi alam ng kausap na security guard ang contact number at home address ni Coco.

Pinayuhan pa ng inosenteng ABS-CBN security guard ang lalaking kontakin na lamang nito si Coco sa Instagram at Facebook.

HITTING KIM CHIU

Magkasabay na naging biktima ng bashing si Coco at pati na si Kim Chiu, na siyang host ng Facebook Live ng #LabanKapamilya campaign noong May 8.

Continue reading below ↓

Sa kaso ni Kim, umani siya ng batikos dahil vocal siya sa pagtatanggol sa ABS-CBN.

Ngunit ang nahanap na butas ng mga bumabatikos ay ang umano'y walang direksiyon at mababaw na paghahalintulad ng aktres sa "classroom" rules at sa problemang kinakaharap ngayon ng kanyang mother studio.

Simple namang inamin ni Kim na pati siya ay hindi na naintindihan ang bahaging iyon ng kanyang pahayag.

Pero ipinagtanggol pa rin ang aktres ng admin ng Laban Kapamilya Facebook page at isa pang netizen.

"Mga Kapamilya, BASAHIN MABUTI, nang malinawan at nang malagyan ng sustanya ang utak n’yo!!

"May sense pala ang 'classroom' na sinasabi ni Kim Chiu."

Continue reading below ↓

Base ito sa post sa Laban Kapamilya Facebook page na sinang-ayunan ang netizen na nagsabing "maganda" ang nais ipunto ni Kim.

Dapat nga'y sinabi rin ng Laban Kapamilya FB page na malinaw namang may wagas na puso si Kim kapag nagsalita, at kung meron mang mas mahalaga pa roon, hindi na talaga iyan maiiintindihan ng netizens—di kaya'y trolls—na sige pa ring pinagtatawanan siya.

no need for network war

Umabot na rin sa personalan ang mga opinyon at komento ng netizens tungkol sa simbolo ng "Laban Kapamilya" ng ABS-CBN—ang paglagay ng closed fist sa bandang dibdib.

Una kasi itong ginamit ng GMA News noong February 2019, gawa ng kampanya ng Kapuso network para sa May 2019 mid-term elections.

Ginawan ito ng isyu ng netizens. Nangongopya raw ang mga Kapamilya.

Masyado nang pinaiiral ng netizens ang kanilang mga emosyon na hindi nararapat.

Sila lamang ang gumagawa ng isyu, dahil sa panahon ng coronavirus pandemic, ang magpaapekto sa network rivalry ang least concern ng entertainment at news personalities.

Continue reading below ↓

Tanggap ng maraming artista na napakaliit lamang ng mundo ng local entertainment industry, kaya pointless na magpadala sila sa bugso ng damdamin ng netizens.

Kung mangingibabaw ang malawak na pang-unawa ng passionate netizens, mapapansin nilang papalit-palit lamang ng home network ang mga artista.

Patunay nito ang Laban Kapamilya pictures kunsaan marami sa Kapamilya stars, na nanawagang buksan muli ang ABS-CBN, ay nagmula sa bakuran ng GMA-7.

Kabilang dito sina Angel Locsin, Richard Gutierrez, Jake Cuenca, Elmo Magalona, at Iza Calzado.

Gayundin sina JC de Vera, Yassi Pressman, Ryza Cenon, Maxene Magalona, at Raymart Santiago.

Nagsimula rin ang showbiz career nina Piolo Pascual (That’s Entertainment ), Jericho Rosales (Mr. Pogi ng Eat Bulaga), Martin Nievera (Penthouse Live ), Vice Ganda (Comedy Central), at Coco Martin (Daisy Siete ) sa GMA-7.

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Excerpt from ABS-CBN's statement on meme making fun of Coco Martin's speech defect: "Hindi gagawa ang ABS-CBN ng ano mang panlalait o pagmamaliit sa kahit sinong tao."
PHOTO/S: ABS-CBN News Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results