Robin Padilla to BB Gandanghari: "Tigilan mo na iyang kakatampo."

by Jojo Gabinete
May 13, 2020
Robin Padilla (left) to sister BB Gandanghari (right): "Mahal ka namin. Marami lang nangyari sa pamilya natin nang pumasok ang 2020."
PHOTO/S: @robinhoodpadilla / @gandangharibb Instagram

Ang hindi pangungumusta sa kalagayan niya sa Amerika ang isa sa mga ipinagtatampo ni BB Gandanghari sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Naging topic ito sa halos magkakasunod na Instagram Live streaming niya noong Abril 2020.

Malaki rin ang tampo ni BB sa kanyang kapatid na si Robin Padilla, na inakusahan niya ng "panlalaglag," dahil hindi man lamang daw siya nito kinumusta nang maging biktima siya ng death hoax.

HOT STORIES

Kasama ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez, sinagot ni Robin, gamit ang video message, ang mga akusasyon ni BB.

"BB, tigilan mo na iyang katatampo," bungad ni Robin para sa nakatatandang kapatid na nangungulila sa pagmamahal ng pamilya.

Dugtong niya, "Mahal ka namin.

"Marami lang nangyari sa pamilya natin nang pumasok ang 2020."

Paliwanag ni Robin, isang buwan daw siyang naospital dahil sa kanyang back injury.

At sumunod na naospital ay ang ina nilang si Eva Cariño.

"Ako, nagkaroon ako ng matinding injury sa likod ko.

Continue reading below ↓

"Matagal din akong nahimlay... Isang buwan din akong nahimlay sa ospital.

"Dun na ako nag-New Year. Lumabas ako, parang last week na ng January.

"Tapos si Mama Eva naman, nadulas. Si Mama naman ang na-bedridden ng dalawang buwan.

"Napakadami pong nangyari sa 2020."

Dahil daw sa mga aberyang ito ay pansamantalang nawalan ng komunikasyon sa pagitan nila ni BB.

TIME TO REFLECT

Umapela naman si Robin na sa panahon ng COVID-19 crisis, ang dapat manaig ay ang pagkakaintindihan ng bawat isa.

"Siyempre, ito pong COVID, ang mensahe niyan, e, hindi po ito ang panahon na tayo ay magbatuhan ng bato.

"Ito po yung panahon ng reflection.

"Sabi nga po nila, ito yung oras na mag-reflect din tayo sa sarili natin.

"Saan ba tayo patungo, kung saan ba tayo nanggaling, ano ba ang nangyari?

"Sino ba yung mga mahal natin sa buhay? Sino ba yung mga tao na nakapaligid sa atin?"

Continue reading below ↓

Tila umaasa si Robin na magiging maayos din ang gusot sa pagitan nila ni BB.

Dagdag ng aktor, "Ito po yung panahon na ibinigay sa atin ng Panginoong Diyos, pahinga sa maraming tao, pag-iisip sa maraming tao, at sa ibang tao rin po ay pagsubok.

"Pero lahat naman po ‘yan, sabi nga nila, pagkatapos daw po ng bagyo, sabi ng iba, there’s a rainbow."

DEATH IN THE FAMILY

Bukod sa back injury ni Robin at pagkakasakit ng kanilang ina, may iba pa raw pinagdadaanan ang kanilang pamilya.

Nagluluksa ang Padilla family dahil sa pagpanaw ni Jane Dayrit Padilla, ang asawa ni Royette Padilla.

Si Royette ang panganay sa magkakapatid na sina Rommel, BB, at Robin.

Brain cancer ang ikinamatay ni Jane noong April 23.

Naulila ni Jane ang apat na anak nila ni Royette.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla (left) to sister BB Gandanghari (right): "Mahal ka namin. Marami lang nangyari sa pamilya natin nang pumasok ang 2020."
PHOTO/S: @robinhoodpadilla / @gandangharibb Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results