Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Master Hanz, nag-react sa mga kumukuwestiyon sa sablay niyang 2020 prediction

by Jojo Gabinete
May 18, 2020
May netizens na kumuwestiyon sa 2020 prediction ni Master Hanz Cua dahil sa sunud-sunod ang kalbaryong nararamdaman ng sambayanang Pilipino. Pero sabi ni Master Hanz, "Hindi pa tapos ang taon, marami pa ang mangyayari."
PHOTO/S: @masterhanzcua Instagram / Web

Nakarating kay Master Hanz Cua na may netizens na kumukuwestiyon sa kanyang sumablay umanong prediction para sa taong 2020.

Si Master Hanz ay isang Feng Shui master at resident astrologer ng ABS-CBN morning public affairs program na Umagang Kay Ganda.

Noong December 2019 ay naglabas ng prediksyon si Master Hanz na “prosperous at lucky year" ang 2020.

Pero kabaligtaran ang nangyari, gawa ng coronavirus pandemic na naghatid ng health at economic crisis sa buong mundo.


Continue reading below ↓


Continue reading below ↓
Recommended Videos


Continue reading below ↓

Nang makausap ng Cabinet Files si Master Hanz, sinabi nitong hindi muna niya sasagutin ang isyu tungkol sa kanyang kontrobersyal na prediksyon dahil naghihintay siya ng right timing.

Nababasa raw ni Master Hanz sa social media ang "mostly funny and not offensive" comments ng mga tao sa kanyang bigong prediksyon.

Pero hindi raw siya nagagalit dahil bahagi ito ng kanyang trabaho.

Pahayag ni Master Hanz: "Yung mga bashing, hindi naman sila ganoon kagalit. Ang daming memes.

"I’m happy and glad naman kasi wala naman akong ginawang mali. Hindi naman tayo nanloko.

"Actually, hindi lang naman ako. Dahil lahat ng Feng Shui master sa Pilipinas, lahat ang sabi, 'good year.'

"Hindi ko alam kung ako ba ang ginaya nila o kung parehas ang formula na ginamit namin,” saad ni Master Hanz.

Nagbahagi rin si Master Hanz ng kanyang mga pananaw tungkol sa mga pagsubok na haharapin ng mundo dahil sa COVID-19.

Continue reading below ↓

"Ang problema natin after this pandemic, yung economy talaga. Marami ang mawawalan ng trabaho, maraming kompanya ang magsasara.

"Ang nangyari, no one prepared, no one predicted.

"Kung wala si COVID-19, magandang taon talaga.

"E, dumating si COVID, walang nakapaghanda."

Pero positibo pa rin si Master Hanz na posibleng magkaroon ng magandang mga pangyayari sa susunod na mga buwan.

Ani Master Hanz: "Hindi pa tapos ang taon, marami pa ang mangyayari.

"Kaya nga ang palagi kong sinasabi sa Umagang Kay Ganda, ‘Muli po, ito ay patnubay lamang ni Master Hanz. Nasa inyong mga kamay nakasalalay ang inyong tagumpay.'

"Every morning, yun ang sinasabi ko."

ON ABS-CBN SHUTDOWN

Ikinalulungkot ni Master Hanz ang pagsasara ng ABS-CBN dahil sa mga empleyadong nawalan ng trabaho.

Maging siya ay apektado dahil mayroon siyang daily horoscope segment sa Umagang Kay Ganda.

Hindi raw nawawala sa "dasal, mantra, at ritual" niya ang lagay ng Kapamilya network.

"Talagang sinsero ako sa pagdarasal na magbukas uli ang ABS-CBN.

Continue reading below ↓

"Ang pinaka-point ko talaga is trabaho, including me, mawawalan ako ng trabaho kung saka-sakaling magsarado ito.

"Pangalawa, yung mga pamilya ng mga empleyado na umaasa lang sa ABS-CBN.

"Dahil nga sa health at economic crisis ngayon, maraming mga tao ang anxious ngayon, worried, angry, malungkot."

Paano na lang daw ang mga gastusin kung tuluyang mawalan ng hanapbuhay ang mahigit 11,000 ABS-CBN employees.

Dagag ni Master Hanz, "Ano pa ba ang kinabukasan na naghihintay sa kanila pagkatapos nito?

"Biro mo, dalawang buwan tayong walang income.

"Darating na yung mga singil sa upa. Saan tayo kukuha ng pambayad, e, wala ngang trabaho?"

Kaiisa raw si Master Hanz na nagdadasal para bumalik ang broadcast operations ng ABS-CBN.

HOT STORIES

ABS-CBN'S "SERVICE TO THE FILIPINO PEOPLE"

Bukod sa paghahatid ng balita, isang mahalagang kontribusyon daw ng ABS-CBN ay ang pag-aabot ng tulong sa mga nangangailangan.

Lahad pa ni Master Hanz, "My prayers, my wish, my hope every day na sana po, soon, bukas, paggising ko, sana po mapagbigyan na magkaroon na ulit ng trabaho para sa mga empleyado ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

"Ang ABS-CBN, maraming natutulungan—ang Bantay Bata, Lingkod Kapamilya, at ABS-CBN Foundation.

"Yung inspiration na naibibigay ng ABS-CBN, yung entertainment.

"Na naka-lockdown ka na ngayon, tapos wala ka pang makikita at mapapanood na makakaaliw sa oras mo.

"So sana naman maayos na itong pag-shutdown sa ABS-CBN."

Nag-post din si Master Hanz ng kanyang Laban Kapamilya picture sa mga social media accounts niya, bilang suporta sa Kapamilya Network.

PREDICTION FOR the coming months

Sa kabilang handa, hindi maiwasang magbitiw ni Master Hanz ng prediction para sa mga susunod na buwan.

Dapat daw na gamitin ang pagkakataong magnilay habang naka-quarantine ang buong bansa.

"Alam mo ba ang nangyari sa 2020?

"Ang 2020 na ito is parang a new beginning talaga. New beginning na ni-reset button.

"This 2020, walang nangyari sa buhay natin. March pa lang, na-cut down na.

"Kailan ang balik natin, hindi pa natin alam.

"After nating bumalik, maraming difficulties pa rin ang mangyayari, marami pa rin ang recoveries sa mga walang work at sa companies..."

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Master Hanz, bandang September o October posibleng magkaroon na ng vaccine sa COVID-19.

“Ang prediction ko ngayon, hindi na maganda yung whole year na natin.

"Ang vaccine kasi lalabas iyan September or October, pinakamaaga pa po iyon, e.

"Bago pa lumabas 'yon, darating muna 'yon sa mga mayayaman na bansa bago pumunta sa Pilipinas."

Giit niya, "This is a reset button year, a new beginning year.”

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May netizens na kumuwestiyon sa 2020 prediction ni Master Hanz Cua dahil sa sunud-sunod ang kalbaryong nararamdaman ng sambayanang Pilipino. Pero sabi ni Master Hanz, "Hindi pa tapos ang taon, marami pa ang mangyayari."
PHOTO/S: @masterhanzcua Instagram / Web
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results