PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direktor Daryll Yap, desididong idemanda ang mga nagkakalat na siya ay "pedo" 

Daryll Yap, umalma sa paninirang-puri ng mga taong inggit daw sa kanya.
by Jojo Gabinete
Published May 26, 2020
Jowable director Darryl Yap, nagkaroon raw ng matitinding bashers nang nagkapangalan na siya sa movie industry.
PHOTO/S: Darryl Yap Facebook

Desidido ang young director na si Darryl Yap na sampahan ng kaso ang mga taong nagkakalat na isa siyang pedophile.

Pawang paninira iyon sa kanya, sabi ng direktor.

Pero tumanggi itong magbigay ng detalye sa balak niyang pagdedemanda nang hingin ng Cabinet Files ang panig niya.

Pahayag ni Yap, "I was advised po na ‘wag na mag-comment muna while ongoing po…

"I am determined to file cases po talaga. That’s it po."

HOT STORIES

BASHERS JEALOUS OF HIS SUCCESS?

Sa kanyang Facebook post kahapon, May 25, naglabas ng saloobin si Yap ukol sa paninirang-puri sa kanya.

Nagsimula raw naglabasan ang mga malisyosong alegasyon nang makilala na siya sa movie industry.

Ang YouTube account niyang VinCentiments ay mayroong 1.3 million subscribers. Mapapanood doon ang koleksyon ng kanyang hardcore short films.

Naging blockbuster din ang movie directorial debut niyang Jowable, na pinagbidahan ni Kim Molina.

Hinaing ni Yap: "Simula po noong naging matunog ang aking pangalan sa social media, lalo na noong makapasok ako sa industriya ng pagpe-pelikula, samu’t saring mga batikos at pang-aalipusta ang aking dinaranas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Madalas tungkol sa aking mga LIKHA, na aking tinatayuan at pinaninindigan dahil ito ang aking BRAND, ito ang aking paraan at atake sa pagtalakay ng mga isyu gamit ang aking hamak na kaalaman.

"At meron ding mga atake na bagamat nakakapanakit ay hindi ko pinapansin, maraming nagko-comment at post na 'pedo' ako."

"Yung iba, I checked, legit accounts, pero I really don’t feel offended.

"Kasi before they could offend me, I have to value their opinions first."

ON MALICIOUS ALLEGATIONS AGAINST HIM

Pero lubos na raw nababahala si Yap sa patuloy na pagyurak sa kanyang pangalan at kabuhayan.

Ginawan daw siya ng mga bashers ng kuwento na walang basehan.

"Mula sa pag-screenshot ng mga tweets ko mula sa iba’t-ibang thread at dates, na binigyan nila ng malalaswang pakahulugan hanggang sa pag-e-edit na mismo ng mga tweets na hindi naman galing sa akin hanggang sa pagsasabi na AKO RAW AY UMAMIN NA ISA AKONG PEDOPHILE AT PROUD PA AKO RITO— ngayon, ikinokonekta na sa mga article na wala akong kinalaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"LAHAT PARA AKO AY MAPABAGSAK,

"kung bakit? may kanya-kanyang rason ang mga hayop."

Hiniling ni Yap sa kanyang followers na tulungan siyang mag-ipon ng ebidensiya laban sa mga naninira sa kanya.

Sigurado na raw ang direktor na maghahain ito ng legal action.

Panawagan ni Yap: "Tulungan n’yo po akong matukoy ang mga tulad nitong nagkakalat ng lubhang nakakapaminsalang paninirang ito.

"Mangyari po lamang, i-send n’yo po ang screenshots ng mga post at profile ng mga ito sa tanghalangsawakas@gmail.com upang maisama sa legal na aksyon na aming gagawin.

"Bagama’t buo ang suporta ng aking mga katrabaho, wala pong makapagsasabi kung hanggang saan ang pinsala nito sa akin, as a person and as an artist, kaya nararapat na magbayad ang mga ito."

DARYLL'S NEW ONLINE SERIES

Nabanggit ni Yap na tumindi ang smear campaign sa kanya nang dahil sa proyekto niyang Sakristan.

Pero hindi raw siya padadaig sa mga gustong humila sa kanya pababa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mas mabuting ipagpatuloy daw niya ang trabaho "para mainis ang mga p********."

Ang Sakristan ay isang Boys Love series tungkol sa isang sakristan na nahulog ang loob sa isang kapwa lalaki.

Ipapalabas ito sa VinCentiments YouTube Channel sa May 31.

Ang "boy love" ay isang genre ng fictional media na tumatalakay sa romantic relationships sa pagitan ng male characters.

Nagsimula ito sa Japan kung saan ang tawag dito ay "yaoi" o "boys' love."

Sikat ang mga Boys Love series sa Thailand, na siyang ginagawa na rin ngayon sa Pilipinas.

Natapos na ang shooting ng dalawang episodes ng Sakristan, ayon kay Yap.

Pero bago nag-umpisa ang production, tiniyak ni Yap na sumunod sila sa mga protocol ng General Community Quarantine na ipinatutupad sa Olongapo dahil dito kinunan ang lahat ng mga eksena.

"We made sure po na ma-declare muna kami na GCQ, ma-observe ang mga protocol at magkaroon ng authority na magsu-supervise sa shoots, though 4 to 10 people lang po kami lagi,” saad ni Yap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siniguro rin niyang walang steamy scenes ang Sakristan.

Mapangahas ang kuwento at mga linya ng online series, pero wala raw dapat ikabahala ang Catholic Church.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jowable director Darryl Yap, nagkaroon raw ng matitinding bashers nang nagkapangalan na siya sa movie industry.
PHOTO/S: Darryl Yap Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results