PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yam Concepcion, na-bad trip sa live chat dahil sa pagbanggit sa dati niyang sexy movie

Yam Concepcion, naiyak sa birthday message ng kanyang boyfriend.
by Jojo Gabinete
Published May 27, 2020
Yam Concepcion on boyfriend's letter: "Touched ako. Parang mas emotional ako ngayong quarantine birthday saka mas appreciative ako ngayon."
PHOTO/S: Noel Orsal

Ngayong May 27, Miyerkules, ang 33th birthday ni Yam Concepcion.

Bilang treat sa kanyang fans at supporters, nagkaroon siya ng live chat sa Facebook at Instagram.

“I’m 33 years old at sa lahat ng mga nanonood sa live ngayon, akala niyo nasa 20s lang ako? Thirty-three na ako.

"Yun ang totoo, I’m 33 and wiser!" natatawang sabi ni Yam.

Nagdiwang ang Kapamilya actress ng kanyang quarantine birthday sa bahay nila.

Ikinuwento ni Yam na medyo namamaga ang mga mata niya dahil sa sulat na ipinadala ng boyfriend na si Miguel CuUnjieng.

"Kagabi kasi may sinend sa akin si Miguel na letter kaya medyo namamaga yung mata ko, kasi umiyak ako.

"Touched ako. Parang mas emotional ako ngayong quarantine birthday saka mas appreciative ako ngayon," sabi ni Yam tungkol sa sulat.

Bukod sa birthday letter ni Miguel, hindi nakalimutan ni Yam na ipaalaalang kasabay ng kanyang 33rd quarantine birthday ang launch ng kanyang YouTube Channel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

YAM GETS IRRITATED

Medyo nasira lang ang mood ni Yam sa live chat nito dahil sa followers na nagbanggit sa Rigodon, ang sexy launching movie niya noong 2012.

"Ano bang mga tao ito, nagko-comment ng Rigodon… ang babastos niyo, ha?

"Tama na ‘yan, tapos na ‘yon, old news na ‘yan. Move on na tayo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"You’ve made your point, okey na, palakpakan, wohooo!" reaksiyon ni Yam nang mabasa nito ang mga komentong hindi niya ikinatuwa.

Sabi pa niya, "What do you want me to feel kapag nagko-comment kayo ng mga ganyan?

"Anong gusto niyong mangyari, kasi hindi ko ma-gets kung bakit kailangan pang i-mention?

"Birthday na birthday ng tao, 'tapos ganoon?

"May mga comment dito, medyo bastos, so bahala kayo diyan," ani Yam, na naging prangka sa kanyang nararamdaman nang mabanggit ang eight-year-old movie.

YAM'S JADE CHARACTER

Pero nang mapag-usapan si Jade, ang karakter na pinasikat niya sa Halik, ang 2018 drama series ng ABS-CBN, ganadong-ganado si Yam.

Kuwento niya, "Actually, pag yung mommy ko nanonood ng mga dating videos ko, mga Jade, nakakahiya palang panoorin yung sarili mo sa TV, ‘no?

"Parang, ewww, nakakahiya.

“Ewan ko kung bakit ang lakas pala ng loob ko dati gawin yung mga ganoon, pero sobrang na-enjoy ko ‘yon, yung Halik namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung pagpo-portray ko na si Jade, ang saya nun, ng mga panahon na ‘yon.

"Mahal na mahal ko yung production team na ‘yon."

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yam Concepcion on boyfriend's letter: "Touched ako. Parang mas emotional ako ngayong quarantine birthday saka mas appreciative ako ngayon."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results