Lalaking kinahumalingan ng female celebrity, nagbebenta ng aliw

by Jojo Gabinete
Jun 2, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Hindi nagsabi ng katotohanan ang female celebrity nang sabihin nitong natuklasan niyang pamilyado na ang kanyang karelasyon kaya nakipaghiwalay siya.

Isang nakakaalam sa tunay na kuwento ang nagsabing walang inilihim ang lalaki sa female celebrity.

"Sa umpisa pa lang, alam niyang may kahati siya sa lalaking kanyang minahal at ginastusan. Na-in love talaga siya nang husto," sabi ng Cabinet Files informant.

Hindi binabanggit at hinding-hindi sasabihin ng female celebrity ang katauhan at pangalan ng lalaking nagpaluha sa kanya dahil ikasisira ito ng public image niya.

Ipinagtapat ng kausap ng Cabinet Files na kilala ang lalaki sa pagbebenta ng panandaliang-aliw.

Malaki ang ginagastos na pera ng female celeb sa tuwing magkasama sila.

Naputol ang relasyon ng dalawa nang magkaroon ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

Naging eye opener ito sa female celebrity dahil na-realize nitong walang patutunguhan ang pagkahumaling sa lalaking minahal niya nang todo, pinag-ukulan ng panahon, pera, at atensiyon.

Malaki ang epekto ng coronavirus pandemic sa source of income ng lalaki.

Continue reading below ↓

Kaya may mga nagpayo sa kanyang muling suyuin ang female celebrity dahil tiyak na makakatulong ito sa kanya.

Pero sinabi ng aming kausap na malabo nang mabilog ang ulo ng female celebrity dahil nagising na ito sa katotohanan.

Besides, naapektuhan din ng COVID-19 pandemic ang kanyang career kaya hindi ang love life ang priority niya sa kasalukuyan.

RECOMMENDED ARTICLES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results