Comedian Caloy "Ogag" Alde, nangangailangan ng financial aid

by Jojo Gabinete
Jun 3, 2020
Isinugod ang komedyanteng si Caloy Alde sa emergency room ng isang ospital nitong Miyerkules, June 3. Pero dahil sa walang available room ay pinauwi muna ito.
PHOTO/S: Screen grab from Wish Ko Lang

Nangangailangan ng financial help ang comedian na si Caloy “Ogag” Alde, 58.

Isinugod si Caloy sa emergency room ng isang ospital sa Fairview, Quezon City, nitong Miyerkules, June 3.

Dahil walang isolation room, inilipat siya sa isa pang ospital sa Quezon City. Pero pinauwi rin dahil sa kawalan pa rin ng kuwarto.

Ang kapwa comedian na si Gene Padilla, kapatid ni Dennis Padilla, ang nagbigay ng impormasyon sa Cabinet Files tungkol sa kalagayan ni Caloy.

Lahad ni Gene, “As per his wife Rhoda, minanas na si Caloy dahil sa enlargement of the heart at may tubig siya sa lungs.

"Baka i-dialysis din siya dahil hindi maganda ang lagay ng kidney niya."

Ibinahagi rin ni Gene sa Cabinet Files ang text message na natanggap niya ngayong gabi mula sa asawa ni Caloy.

Nakasaad ditong may tubig daw sa baga ni Caloy.

Considered daw rin itong PUI o Patient Under Investigation, isang pasyenteng nagtataglay ng mga sintomas ng COVID-19.

Continue reading below ↓

Dahil walang available room ang mga pinuntahan nilang hospitals, hahanap na lang daw ulit bukas ang misis ni Caloy.

WISH KO LANG FEATURE

Si Caloy ay tinaguriang "Mr. Bean ng Pilipinas" at sumikat sa Ogag, ang television show ng TV5 noong dekada ’90.

Noong 2015, naging featured celebrity si Caloy sa dating public-service program ng GMA-7 na Wish Ko Lang.

Binigyang katuparan ng defunct show ni Vicky Morales ang pangarap ni Caloy na muling makaarte sa harap ng kamera.

Mula nang maging matamlay ang showbiz career ni Caloy, ang sari-sari store nila ng kanyang asawa at pagtitinda ng ihaw-ihaw ang kanilang ikinabubuhay.

HOT STORIES

COVIDYANTE HELPS COMEDIANS

Ang COVIDYANTE, grupo ng mga komedyante na nabuo nang mag-umpisa ang coronavirus pandemic, ang isa sa mga tumutulong ngayon kay Caloy.

Isa si Gene sa mga founder ng COVIDYANTE.

Saad ni Gene tungkol sa kanilang grupo, "Ang tulungan ang mga frontliner sa COVID-19 at, siyempre, ang kapwa comedians ang intensyon ng GRUPO COVIDYANTE.

Continue reading below ↓

"Kumpleto kami sa grupo kaya nakakatuwa. Pati ang mga direktor, miyembro namin.

"Sina Mahal, Dagul, Boy Alano ang ilan sa mga nangailangan noon na tinulungan ng COVIDYANTE.

"Nakapagbigay rin kami ng donasyon sa National Children’s Hospital at nakatulong din kami sa cancer patients.

"Even mga maliliit na hospital, nag-donate kami ng mga alcohol sa tulong ng Biosci, at nagbigay kami ng mga face shield sa frontliners."

Ilan sa mga miyembro ng COVIDYANTE ay sina Ogie Alcasid, Michael V., Herbert Bautista, Janno Gibbs, Vhong Navarro, Joey Marquez, Paolo Contis, Dennis Padilla, Bayani Agbayani, Kim Molina, Jerald Napoles, at Ai-Ai delas Alas.

Para sa mga may mabubuting kalooban na nagnanais tulungan ang pagpapagamot ni Caloy, maaaring mag-deposit sa pangalan ni Roselle Porral, na may bank account number 006780894671 sa BDO SM Fairview branch.


Continue reading below ↓

RECOMMENDED ARTICLES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isinugod ang komedyanteng si Caloy Alde sa emergency room ng isang ospital nitong Miyerkules, June 3. Pero dahil sa walang available room ay pinauwi muna ito.
PHOTO/S: Screen grab from Wish Ko Lang
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results