Eat Bulaga, malapit nang magbalik sa live television

by Jojo Gabinete
Jun 4, 2020
Ilang tulog na lang at muling mapapanood nang live ang longest-running noontime show na Eat Bulaga!
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

Ikagagalak ng Eat Bulaga! fanatics ang balitang malapit nang bumalik sa telebisyon ang kanilang favorite noontime program.

Pansamantalang nagpahinga ang live telecast ng Eat Bulaga! dahil sa coronavirus pandemic.

Sandaling panahon, as in ilang tulog na lang ang ipaghihintay ng mga nananabik na muling mapanood ng live ang Eat Bulaga! at ang mga Dabarkads ng longest-running variety show ng bansa.

March 14, 2020 ang huling live show ng Eat Bulaga! dahil sa enhanced community quarantine na ipinatupad ni President Rodrigo Duterte noong March 15.

March 16 naman nang mag-umpisang ipalabas ang replays ng mga special presentation ng Eat Bulaga! at ng mga popular segment ng show tulad ng "Bawal Judgmental."

Noong October 29, 2019 ang premiere telecast ng "Bawal Judgmental."

Dahil sa replays nito mula pa noong March 16, halos naipalabas na ang lahat ng mga episodes ng isa sa mga pinapanood na segment sa Eat Bulaga.

Sa pagbabalik ng live show ng Eat Bulaga!, inaasahang matutuloy na ang paglulunsad ng kanilang mga bagong segment gaya ng "Cash Landing On You."

Continue reading below ↓

Inspired ang pamagat sa phenomenal Korean drama series na Crash Landing On You.

Matatandaang ang management ng Eat Bulaga! ang kauna-unahang nagsuspinde ng pagtanggap ng live studio audience noong March 9.

Ito ay matapos makumpirma na residente ng Cainta, Rizal, ang unang nagpositibo sa COVID-19.

Sa Cainta ang studio ng noontime program ng TAPE Inc. at ng GMA-7.

Bilang precautionary measure, hindi pa rin tatanggap ng live studio audience ang Eat Bulaga !sa nalalapit na pagbabalik nito sa telebisyon.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang tulog na lang at muling mapapanood nang live ang longest-running noontime show na Eat Bulaga!
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results