Ang Huling El Bimbo lead stars, may reunion sa Songs For A Changed World musical

by Jojo Gabinete
Jun 5, 2020
Musical revue na Songs For A Changed World, inihahandog para sa World Environment Day. Tampok dito ang ilan sa dating lead stars ng sikat na musical na Ang Huling El Bimbo.
PHOTO/S: Gabay Kalikasan Facebook

Bilang pagdiriwang ng World Environment Day ngayong Biyernes, June 5, isang musical revue na may pamagat na Songs for a Changed World: COVID and Climate Change ang handog ng PLDT Smart Gabay Kalikasan.

Ganap na 8:00 P.M. mapapanood sa Gabay Kalikasan YouTube Channel at Facebook page ang advocacy show na ito.

Tampok ang mga sikat na musika na nilikha ng mga tao sa likod ng successful musical na Ang Huling El Bimbo.

Concept at libretto ni Floy Quintos ang Songs for A Changed World, na mula sa musical direction ni Myke Solomon at sa direksyon ni Dexter Santos.

Pagbibidahan ito nina Gian Magdangal, OJ Mariano, Jamie Wilson, Jon Santos, Menchu Lauchengco-Yulo, Sheila Francisco, Gab Pangilinan, Bibo Reyes, Boo Gabunada, at Phi Palmos.

Bibigyang-buhay nila kung paano binago ng lockdown dahil sa COVID-19 ang buhay ng mga tao.

Sina OJ, Jon, Menchu, Gab, Bibo, Boo, at Phi ay napanood sa 2019 edition ng Ang Huling El Bimbo, habang si Gian ay bahagi ng 2018 edition ng musical na iyon.

Continue reading below ↓

Mapapanood din ang Gabay Kalikasan celebrity advocates na sina Dominic Roque, Derek Ramsay, Martin Nievera, Pops Fernandez, Gabby Concepcion, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez.

Maghahatid sila ng mga importanteng mensahe tungkol sa pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran.

Naniniwala ang Gabay Kalikasan na bukod sa coronavirus pandemic, maraming banta sa kaligtasan ng lahat kapag hindi iingatan at aalagaan ng mga tao ang kalikasan.

Time for Nature ang theme ng pagdiriwang ng World Environment Day na taon-taong nilalahukan ng 143 bansa, mga major corporation, non-government organizations, government agencies, at ng mga celebrity environmentalist sa buong mundo.

Kasabay ng World Environment Day celebration ang paglulunsad ng mga bagong video, ang "Rewind," na nagsusulong sa paperless billing at ang Cloud na humihikayat sa lahat na i-delete sa net ang old files dahil nagdaragdag ito ng pahirap sa kapaligiran at sa Inang Kalikasan.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Musical revue na Songs For A Changed World, inihahandog para sa World Environment Day. Tampok dito ang ilan sa dating lead stars ng sikat na musical na Ang Huling El Bimbo.
PHOTO/S: Gabay Kalikasan Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results