Contestants sa bagong segments ng It's Showtime, may allowance, libreng hotel, at pagkain

by Jojo Gabinete
Jun 6, 2020
Sigurado na ang pagbabalik ng It's Showtime... hindi nga lang sa ABS-CBN.
PHOTO/S: Mark Atienza
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Wala nang makapipigil pa sa muling pagtatapatan ng Eat Bulaga at It’s Showtime.

Kung ilang tulog na lang ang pagbabalik sa live television ng Eat Bulaga, siguradung-sigurado naman ang muling pag-ere sa June 13 ng It’s Showtime.

Dahil sarado at hindi pa tiyak ang kapalaran ng ABS-CBN, pansamantala na mapapanood sa Kapamilya Channel at Jeepney TV ang It’s Showtime sa timeslot nito na 12:15 pm hanggang 3 pm.

Ang "Juanted" at "Pamilyanaryo" ang dalawa sa mga bagong segment ng It’s Showtime na ilulunsad sa June 13.

Tungkol sa mga naghahanap ng trabaho (secretary, manikurista, electrician, etc.) ang "Juanted."

Sa pamamagitan ng Zoom video conferencing huhusgahan ng employer ang contestant at kung interesado sila na kunin ang serbisyo ng mga contestant.

Nang itanong ng Cabinet Files kung puwedeng sumali sa "Juanted" ang mga empleyado na nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng Kapamilya Network, “hindi” ang sagot ng aming kausap.

Nakahanap na ang It’s Showtime staff ng mga contestant para sa "Juanted" at "Pamilyanaryo."

Continue reading below ↓

Sumailalim ang mga ito sa rapid testing at naka-quarantine sa mga hotel simula pa noong May 27.

Isa ito sa mga precautionary measure ng ABS-CBN laban sa COVID-19 pandemic.

May mga contestant na sinundo pa sa probinsya tulad ng mga kasali sa "Tawag ng Tanghalan."

Mas lumaki ang gastos ng ABS-CBN management dahil sagot nito ang hotel accommodation, daily allowance, at pagkain ng mga contestant sa lahat ng mga segment ng It’s Showtime.

Hindi naiwasan na may mga nag-back out na kalahok pagkatapos ng rapid testing dahil biglang nangulila sa kanilang pamilya.

Naka-quarantine din sa kanya-kanyang pamamahay ang mga host ng It’s Showtime bago sila bumalik sa kanilang programa sa darating na Sabado.

Samantalang limitado lang ang bilang ng mga tao na papayagan na pumasok sa studio kaya bawal pa ang studio audience.

Noong March 14, 2020 ang huling live telecast ng It’s Showtime dahil sa Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

Continue reading below ↓

Puro replay episodes ang napanood mula noong March 16, pero tuluyan nang nawala sa ere ang It’s Showtime dahil sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission sa Kapamilya Network noong May 5, 2020.

Kaya simula sa June 13, mapapanood muna sa cable channels ng ABS-CBN ang nabanggit na noontime variety show.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sigurado na ang pagbabalik ng It's Showtime... hindi nga lang sa ABS-CBN.
PHOTO/S: Mark Atienza
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results