Sunshine Guimary, kumasa sa "No Bra Challenge"; nagulat sa response ng fans

by Jojo Gabinete
Jun 6, 2020
Dalawang "No Bra Challenge" ang ginawa ni Sunshine Guimary para sa kanyang YouTube subscribers.
PHOTO/S: @sunshine_guimary on Instagram

Hindi makapaniwala ang aspiring sexy star na si Sunshine Guimary na nag-trending at gumagawa ng ingay sa YouTube ang Part 1 at Part 2 ng kanyang "No Bra Challenge."

Sa Part 1 na may pamagat na "Ako’y Alipin Mo," ang maglinis ng carpet at magluto ng sinigang na hipon habang braless siya ang hamon kay Sunshine.

Gulat na gulat siya dahil pumalo sa 3.8 million views ang video na nag-premiere sa YouTube noong May 31, 2020.

Noong June 3, ang Part 2 ng "No Bra Challenge" habang nagluluksong-lubid at nakasuot siya ng royal blue crop top ang hamon na ginawa ni Sunshine.

Continue reading below ↓

As of presstime, may 1.8 million views ang ikalawang bahagi ng "No Bra Challenge" ni Sunshine.

Ikinukumpara si Sunshine kay Ellen Adarna bilang pareho sila na Cebuana at kapwa napansin at nagkaroon ng showbiz career dahil sa kanilang sexy Internet videos.

Ang mga sexy photo niya sa Instagram at sizzling videos sa YouTube ang dahilan kaya patuloy na dumarami ang fans ni Sunshine kahit Cebu-based siya.

Pero may kapalit ang pagiging social media star ni Sunshine—ang unti-unting pagkawala ng kanyang privacy.

Natunton at pinupuntahan ng kanyang male fans ang bahay niya para personal na ideklara ang pagmamahal sa kanya.

Si Sunshine ang pilit na itinatapat sa another upcoming sexy star na si Ivana Alawi.

Makikita sa Twitter ang madalas na pagkukumpara ng male fans sa dalawa na nag-umpisa dahil sa rebelasyon ni Sunshine na unang inialok sa kanya ang role sa Ang Probinsyano.

Napunta kay Ivana ang role at naging instrumento ito para papirmahin si Ivana ng exclusive contract ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawang "No Bra Challenge" ang ginawa ni Sunshine Guimary para sa kanyang YouTube subscribers.
PHOTO/S: @sunshine_guimary on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results