Eat Bulaga, tuloy na tuloy na ang live broadcast ngayong June 8

by Jojo Gabinete
Jun 7, 2020
Tuloy na tuloy na ang pagbabalik-ere at live broadcast ng longest-running noontime show sa Pilipinas na Eat Bulaga!
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

“Red-letter day” bukas, June 8, para sa loyal viewers ng Eat Bulaga.

Dahil makalipas ang halos tatlong buwan, muling mapapanood ang live telecast ng longest-running noontime variety show ng Pilipinas.

Unang ibinalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes, June 5, ang nalalapit na pagbabalik ng Eat Bulaga sa live television.

Ngayong hapon, nakumpirma na isang tulog na lang, muli nang mapapanood ang live show ng Eat Bulaga dahil sa announcement sa official Twitter account ng programa.

“Dabarkads, nakahanda na kaming maghatid ng isang libo’t isang tuwa mula sa studio papunta sa inyong TV SA BAHAY ! STAY AT HOME at i-on ang TV bukas ng alas dose ng tanghali at sama- sama tayong mag EAT Bulaga!”

Eat Bulaga announcement

Continue reading below ↓

Kumpleto bukas ang attendance ng mga host ng Eat Bulaga.

At tulad ng report ng PEP, hindi pa tatanggap ng studio audience kaya mahigpit ang kanilang bilin na “stay at home" para sa viewers ng show.

Bilang precautionary measure laban sa coronavirus pandemic, sasailalim din muna sa quarantine ang mga participant sa mga segment ng Eat Bulaga at hihingan sila ng certification na COVID-19 free sila.

Marami ang nagbunyi tungkol sa pagbabalik sa live television ng Eat Bulaga, lalo na ang fans ng "Bawal Judgmental," isa mga pinakaabangan na segment ng programa.

“Yes, exciting,” ang reaksyon ni Paolo Ballesteros tungkol sa live telecast ng Eat Bulaga, simula bukas.

Aminado si Paolo na miss na miss na nito ang Eat Bulaga, lalo na ang "Bawal Judgmental" dahil sa funny interaction nila ni Jose Manalo sa choices o ang mga ordinaryong tao na pinahuhulaan sa mga celebrity player.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tuloy na tuloy na ang pagbabalik-ere at live broadcast ng longest-running noontime show sa Pilipinas na Eat Bulaga!
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results