12th anniversary ng pagpanaw ni Rudy Fernandez, ginugunita ng fans at pamilya

by Jojo Gabinete
Jun 7, 2020
Rudy Fernandez
Labindalawang taon na mula nang pumanaw ang action movie legend na si Rudy Fernandez. Binawian siya ng buhay sa tahanan nila ng asawang si Lorna Tolentino sa White Plains, Quezon City dahil sa sakit na periampullary cancer.
PHOTO/S: Rap Fernandez Facebook

Ginunita ngayon, June 7, ng pamilya at mga tagahanga ni Rudy Fernandez ang ika-labindalawang anibersaryo ng kanyang kamatayan.

Rudy Fernandez from Facebook

Pumanaw ang action superstar sa edad na 56 dahil sa periampullary cancer at binawian siya ng buhay sa tahanan nila ni Lorna Tolentino sa White Plains, Quezon City.

Ibinurol ang mga labi ni Rudy sa Heritage Park na dinagsa ng fans na nanggaling pa sa malalayong probinsya para magbigay ng huling respeto sa kanya.

Continue reading below ↓

Hindi nabigo ang fans ni Rudy na mapanood sa telebisyon ang paghahatid sa kanya sa huling hantungan.

Pansamantala na pinutol ng GMA-7 ang regular programming nito noong June 12, 2008 para live na ihatid ang mga kaganapan sa Heritage Park.

Matagal na na-confine si Rudy sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City at ni minsan, hindi umalis sa tabi niya ang kanyang devoted wife na si Lorna Tolentino.

Lorna Tolentino with granddaughter Tori, son Rap Fernandez's daughter.

Continue reading below ↓

PHOTO: Facebook

Naniniwala kami na napaghandaan ni Rudy ang kamatayan nito dahil nang dalawin namin siya noon sa ospital, binanggit niya na nakapunta na siya sa Heritage Park.

May plano noon ang anak ni Rudy na si Rap na gumawa ng documentary movie tungkol sa kanyang ama.

Apparently, hindi na matutuloy ang balak ni Rap dahil ito ang sinabi niya nang minsan na mapag-usapan namin ang kanyang project.

Natatandaan namin ang kuwento ni Rap na nakatago sa safety box ang video ng cancer journey ng kanyang ama na malaki ang kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Nagsimula ang showbiz career ni Rudy bilang child star sa 1959 movie na Luksang Tagumpay na mula sa direksyon ng kanyang ama na si Gregorio Fernandez.

Young Rudy Fernandez

Continue reading below ↓

Ang Bitayin si Baby Ama (1976) ang biggest break ni Rudy sa pelikula, at mula noon, nagkasunud-sunod na ang kanyang mga movie project.

Naging bankable action star siya at kinilala bilang isa sa mga respetado at pinakamahuhusay na artista ng bansa.

Ang Hula Mo, Huli Ko (2002) ang huling pelikula ni Rudy, samantalang ang Atlantika ng GMA-7 ang last television project niya.

Mahigit sa walumpong pelikula ang nagawa ni Rudy mula nang mag-umpisa ang kanyang acting career.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Labindalawang taon na mula nang pumanaw ang action movie legend na si Rudy Fernandez. Binawian siya ng buhay sa tahanan nila ng asawang si Lorna Tolentino sa White Plains, Quezon City dahil sa sakit na periampullary cancer.
PHOTO/S: Rap Fernandez Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results