Joey Paras, nangangailangan ng tulong para sa angioplasty

by Jojo Gabinete
Jun 8, 2020
Comedian Joey Paras on testing negative for COVID-19: "Para akong nanalo ng award. Now, this makes me happy. Edema and heart failure, tayo naman ang magtutuos,"
PHOTO/S: Instagram

PHP750,000 ang kailangan ng comedian na si Joey Paras para sa angioplasty procedure.

Puwedeng magbigay ng financial help sa pamamagitan ng crowdfunding website na GoGetFunding na nakalagay sa pangalan niya.

Dalawang beses nang sumailalim si Joey sa heart surgery dahil sa kanyang heart condition.

Naging mainstay si Joey sa defunct Sunday noontime show na Sunday PinaSaya, at matagal siyang nawala sa nabanggit na programa dahil sa kanyang karamdaman.

Nang operahan siya noon sa puso, tinulungan si Joey ng mga kasamahan niya sa Sunday PinaSaya.

Dahil sa kakulangan ng pondo para sa angioplasty procedure sa kanya, muling humihingi si Joey ng tulong mula sa mga kaibigan at mga taong handang magbigay ng financial help sa kanya.

“Friends, followers, family, loved ones. I need your HELP. Please Go Fund Me.

"Hindi pa po natutuloy ang Angioplasty procedure ko due to lack of funds," pakiusap ng comedian na ang buong pangalan ay Joseph Estrada Paras.

Continue reading below ↓

Ipinagbibili na rin ni Joey ang kanyang bahay sa Imus, Cavite.

HOT STORIES

COVID-19 NEGATIVE

Kasalukuyang na-confine si Joey sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Kung may ipinagpapasalamat siya, ito ay ang negative result ng COVID-19 test sa kanya.

“I tested negative sa COVID-19 testing. Praise God!

Continue reading below ↓

"Para akong nanalo ng award. Now, this makes me happy.

"Edema and heart failure, tayo naman ang magtutuos," Facebook at Instagram posts ni Joey noong May 29 tungkol sa resulta ng COVID-19 test na ginawa sa kanya.

Bukod sa GoGetFunding, nagbigay si Joey ng dalawang bank account number para sa mga nagnanais na tumulong sa kanya:

Continue reading below ↓

BDO Savings Account Number 000901023930

BPI Family Savings Account Number 6745-0178-92.

Maaari ring makipag-ugnayan sa kanya sa cellphone number 0917-7062777.

HEART CONDITION

Unang ipinagtapat ni Joey ang heart condition niya nang makausap namin siya sa pictorial ng Working Beks noong September 20, 2016.

Na-publish ito sa PEP.ph noong September 21, 2016.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Joey noon, “Meron na akong heart failure. My doctor advised me to rest.

“Yung contraction ng heart ko, hindi na ganoon ka-powerful, so hindi na niya nasu-supply yung oxygen sa ibang parte ng katawan.

“Kaya yung pag-ubo ko, hindi siya dahil may phlegm o makati, dahil may water.

“So, dun ako nagwo-worry ngayon.

"Naaapektuhan yung work ko, pero nilalaban ko lang, diretso lang.

“Physically, yes, hindi ako masaya, kasi hindi healthy. Sana gumaling na ako.”

Nang itanong namin ang posibleng dahilan ng kanyang pagkakaroon ng sakit sa puso, ang pagiging abusado sa paggamit ng diet pills na nabibili sa Indonesia at China noong kabataan niya ang sagot ni Joey.

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian Joey Paras on testing negative for COVID-19: "Para akong nanalo ng award. Now, this makes me happy. Edema and heart failure, tayo naman ang magtutuos,"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results