Si Lara Morena na ba ang "the one" para kay Paolo Bediones?

by Jojo Gabinete
Jun 8, 2020
Paolo Bediones on "life partner" Lara Morena: “We have been through many ups and downs in our relationship, but what matters in the end is how much you want to make things work.”
PHOTO/S: Facebook

“Open secret” ang relasyon ng TV host na si Paolo Bediones at ang dating sexy actress na si Lara Moreno.

Pero ngayon lamang nagsalita sa publiko ang 46-year-old TV host tungkol sa relasyon nila ni Lara na nag-umpisa limang taon na ang nakararaan.

"Definitely," sagot ni Paolo nang itanong ng Cabinet Files kung si Lara na ang “the one” para sa kanya.

Sabi pa ni Paolo, na nakausap ng Cabinet Files ngayong Lunes, June 8, “We have been through many ups and downs in our relationship, but what matters in the end is how much you want to make things work.”

Kahapon, June 7, ang 46th birthday ni Lara o Mylene Sanchez sa tunay na buhay.

Ang eksklusibong pagsasalita ni Paolo sa Cabinet Files tungkol sa kanilang relasyon ang isa sa maituturing na best birthday gift na natanggap niya.

Si Paolo ang nag-post sa kanyang Facebook page kahapon ng surprise birthday video greetings niya para kay Lara.

Continue reading below ↓

Iyak nang iyak si Lara dahil sa sobrang kaligayahan.

Si Paolo ang tumugtog ng gitara, habang kinakanta ng kanyang mga kaibigan ang mga paboritong awitin ni Lara—ang "Huwag Ka nang Umiyak" at "Bawat Daan."

LIFE PARTNERS

"Loving life partner" ang description ni Lara kay Paolo sa mensahe ng pasasalamat niya dahil sa sorpresa na kanyang natanggap.

Continue reading below ↓

Mensahe ni Lara kay Paolo: “I can truly say how blessed I am to have such great people in my life!

"You have no idea how much this birthday gift means to me. It really exceeded my dreams and expectations.

"Thank you Papa for going above and beyond just to make me smile."

"Mama" at "Papa" ang term of endearment nina Paolo at Lara sa isa’t isa.

Patuloy ni Lara, “Tears of joy roll down my cheeks each time I take a look at this thoughtful gift from my loving life partner.

"Thank you for knowing exactly what to do to make me happy. I’m more than satisfied with this special gift.

“I thank GOD for giving me the best life partner and best friend in the world, I pray that he grants us many more years of love and happiness together.

"I love you so much 'Papa' Paolo Barba Bediones.

Continue reading below ↓

“I’m extremely lucky to have such a caring man in my life. Thank you for making me the proudest woman on Earth.”

Hindi rin nakalimutan ni Lara na pasalamatan ang kanyang dalawang anak na sina Milleny at Paoie.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Bediones on "life partner" Lara Morena: “We have been through many ups and downs in our relationship, but what matters in the end is how much you want to make things work.”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results