Manny Pacquiao, tatakbong presidente sa 2022 ayon kay Bob Arum

by Jojo Gabinete
Jun 8, 2020
“I did a Zoom telephone call with him,’ Bob, I’m gonna run in 2022 and, when I win, I want you there at my inauguration,” kuwento ng boxing promoter na si Bob Arum tungkol sa plano ni Manny Pacquiao (nasa larawan) na tumakbong presidente sa 2022 elections.
PHOTO/S: @mannypacquiao Instagram

Headline sa June 7 edition ng The Sun ang pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas sa 2022 ng Filipino boxing champ at senador na si Manny Pacquiao.

Ang reporter na si Joshua Jones ang naglabas sa The Sun, leading tabloid sa United Kingdom, ng balitang kakandidatong presidente si Pacquiao.

Nanggaling daw ang impormasyon mula kay Bob Arum, ang ex-boxing promoter ng Filipino boxer-turned-senator.

Sa ulat ni Jones, si Arum ang nagsabi kay World Boxing Council President Mauricio Sulaiman tungkol sa plano ni Pacquiao sa 2022.

“The first president I think we’ll get as a fighter is little Manny Pacquiao, who told me, once again.

“I did a Zoom telephone call with him,’ Bob, I’m gonna run in 2022 and, when I win, I want you there at my inauguration,” kuwento ni Arum tungkol sa recent conversation nila ni Pacquiao via Zoom video conference.


Continue reading below ↓

Hindi ito ang unang pagkakataong nagsalita si Arum tungkol sa presidential ambition ni Pacquiao, dahil inulit lamang niya ang kanyang mga sinabi noong 2015 na pinatulan ng international press.

“He’s gonna be a president,” pahayag ni Arum sa panayam sa kanya ng TMZ.com noong April 2015.

“He's gonna run for Senate in the Philippines in 2016 ... and then in 2022 or maybe later, he'll run for President of the Philippines.”

Nagkatotoo ang sinabi ni Arum dahil kumandidato at nahalal ngang senador si Pacquiao noong May 2016.

Positive thinker at confident si Pacquiao na siya ang magiging successor ni President Rodrigo Duterte sa 2022 dahil sa kanyang imbitasyon kay Arum na dapat dumalo ito sa "inauguration" niya.

Pero bayolente ang reaksiyon ng karamihan sa mga Pilipino.

Trending ngayon si Pacquiao sa Twitter dahil sa mga reaksiyon ng mga kababayan nating naniniwalang hindi sapat ang kanyang kakayahan para maging pangulo ng Pilipinas.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“I did a Zoom telephone call with him,’ Bob, I’m gonna run in 2022 and, when I win, I want you there at my inauguration,” kuwento ng boxing promoter na si Bob Arum tungkol sa plano ni Manny Pacquiao (nasa larawan) na tumakbong presidente sa 2022 elections.
PHOTO/S: @mannypacquiao Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results