Jaclyn Jose, nag-sorry pagkatapos ng maanghang na tirada kay Vivian Velez

by Jojo Gabinete
Jun 10, 2020
Jaclyn Jose, humingi ng dispensa sa "family friend" na si Vivian Velez matapos niyang batikusin ang pagdepensa ni Vivian sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Pinky Amador.
PHOTO/S: Noel Orsal / Erickson dela Cruz II Facebook

Matinding batikos mula kay Jaclyn Jose ang tinanggap ni Vivian Velez dahil sa pagdepensa niya kay Pinky Amador.

Noong Lunes, June 8, inilabas ni Vivian sa kanyang Facebook page ang official statement ni Pinky Amador tungkol sa insidenteng kinasangkutan ni Pinky sa tinitirahan nitong condotel.

Sa kumalat na video, malulutong na mura mula kay Pinky ang natikman ng administration staff dahil sa kawalan ng notice tungkol sa "59" repatriated overseas Filipino workers na pinatuloy sa condotel.

Lubhang nag-alala si Pinky para sa safety niya at iba pang mga residente ng condotel, dahil wala umanong sapat na impormasyon kung COVID-free ang OFWs na dumating sa kanilang lugar.

Sa comments section ng Facebook post ni Vivian, sinabi niyang natural lang na magalit si Pinky dahil sa pagkukulang ng condo-tel admin.

Dito sila nagkasalungat ni Jaclyn, na kinondena ang hindi magandang trato ni Pinky sa mga ordinaryong empleyado ng condotel.

Tinawag ni Jaclyn si Vivian na "you little piece of sh*t!"

Continue reading below ↓

Ito ang eksaktong linya na ginamit ni Pinky nang murahin niya ang admin employee ng tinitiraang condotel.

Dire-diretsong tirada ni Jaclyn (published as is): "Talaga? Ang nakita nio rage? Of what?

"Regardless she lambasted minura sinigawan minura na paulit- ulit nilambast pagkatao na nag treath sadaktan kita lumabas ka jan p.i ka at paulit ulit?

"May pamilya yung tao..may anak asawa kamag anak ..ano gusto nio dabihin sa kanila?...

"napakalupit nio..ano tayo sa kanila ng gutom at pandemya?

"Wala kayo pinag kaiba sa mha hudyo.."

Sabi pa ni Jaclyn, mali na kumampi si Vivian sa hindi magandang asal ni Pinky.

Aniya, "hinahangaan kita ms Velez but not this time you little piece of sh*t!"

Continue reading below ↓

HOT STORIES

JACLYN: VALID COMPLAINT, BUT WRONG APPROACH

Aminado raw si Jaclyn na "valid" ang reklamo ni Pinky.

Pero hindi raw tamang pagmumurahin nito ang admin employees.

Patuloy ni Jaclyn (published as is): "Yung hinihingi ni ms amador valid circular...

"but you need to understand kakatanggal lang ECQ at etong pinag mumura nia d natin alam kung ano side? Like kung new employee or dati na.

"Kung dati na d pa nila siyempre alam protocol condo tel.

"Ang sa akin lang makatao approach at pakinggangan ang mga tao involve na sa pagka alam ko bago kumpanya dapat yung head or manager ang pinuntahan nia.."

Continue reading below ↓

CONTRASTING OPINION ON THE VIRAL VIDEO

Sa parte ni Vivian, nabanggit niya sa comments section na mali na kinunan ng video si Pinky.

Pero kinontra ito ni Jaclyn.

Patuloy ni Jaclyn (published as is): "Vivian my rigth yung tao na magrecord kasi nagsalita Amador ng masasaktan kita lumabas ka jan at mura na d ko kaya tanngapin..

"kailangan nia i secure kasi may treath from Amador na kahit guard sinabihan nia ns p.i at sasapakin kita.

"the threat id verry clear ako man i record ko..kasi parang nasisiraan na ng pag katao.."

Lahad pa ni Jaclyn, makikita raw sa video na todo-paliwanag ang admin employee na walang inilalabas na circular ang admin officers.

Maliban na lang sa "DOH certificate" na nakapaskil sa opisina at iminuwestra ng admin employee.

Kaugnay pa rin ito ng repatriated OFWs na pinatuloy sa condotel.

Depensa pa rin ni Jaclyn sa admin employees ng condotel:

"nakikita mo ba sa video na d na alam gagawin ? Alumpihihit na yung mga tao..

Continue reading below ↓

"wag ka na makialam ok na e lumalabas tuloy mo sa pag papanggap ng elite."

Tila may pahiwatig pa si Jaclyn na sana ay magkaisa ang industriya sa pakikipaglaban para sa mga ordinaryong manggagawa.

At hindi raw iyong mga artista pa ang gumigipit sa mga ito.

"Ipakita natin yung pinag lalaban .sisirain mo sa isang tao? Just saying..wag tayo mag watak watak la na talaga.

Continue reading below ↓

"juice ko pinky amador sira lahat? Bahala ka."

VIVIAN THINKS JACLYN'S FACEBOOK WAS HACKED

Sa panig ni Vivian, inihayag niyang mag-iimbestiga siya dahil hindi siya naniniwalang si Jaclyn ang "author" ng maaanghang na comments sa kanyang Facebook wall.

"Ganito ang ginagawa ng mga hackers…this is not Jaclyn Jose," ani Vivian.

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya (published as is): "Anyone is allowed to voice out their opinion on my wall but you cannot call me a piece of shit because I am not...

"assholes like this one need a 'Pinky.'"

JACLYN APOLOGIZES TO VIVIAN

Pero lumitaw ang katotohanang si Jaclyn talaga ang tumirada kay Vivian.

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng Instagram post kagabi, June 9, kinumpirma ni Jaclyn na siya ang nag-iwan ng comments sa Facebook ni Vivian.

Humingi rin siya ng dispensa at tila nahimasmasan matapos ang mga tirada niya kay Vivian.

Marahil ay napagtanto niyang hindi naman si Vivian ang sangkot sa insidente sa condotel.

Mapagkumbabang pahayag ni Jaclyn:

"To Ms.Vivian Velez i am sorry for what i have said in your wall..

"i know what kind of a person you are, ddnt mean to lambast you. mali ako.

"you are a friend, a family friend for that matter..

"again i apologize."

Continue reading below ↓

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaclyn Jose, humingi ng dispensa sa "family friend" na si Vivian Velez matapos niyang batikusin ang pagdepensa ni Vivian sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Pinky Amador.
PHOTO/S: Noel Orsal / Erickson dela Cruz II Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results