AirForce One, Pegasus, at Heartbeat magsasara na nga ba?

by Jojo Gabinete
Jun 10, 2020
Kumalat ngayong linggo ang balitang magsasara na ang entertainment clubs na Pegasus at AirForce One. Ngunit may paglilinaw ang isang kaanak ng mga may-ari ng dalawang men's club na ito.

Nilinaw ng 3rd Avenue vocalist at Viva Artists Agency contract singer na si Muriel Ting ang tungkol sa balitang magsasara na raw ang AirForce One, Pegasus, Heartbeat, at iba pang adult entertainment clubs na pag-aari ng kanilang pamilya.

Ayon kay Muriel, walang katotohanan ang balitang magsasara na ang AirForce One, na pag-aari ng kanyang ama na si Pete Ting.

Pero kinumpirma niyang isasara pansamantala ang Pegasus at Heartbeat, na pag-aari naman ng lolo niyang si Jolly Ting.

Pahayag ni Muriel sa Cabinet Files, “Dalawang company ‘yan, sa lolo ko at saka sa Papa ko.

"Yung sa lolo ko, Jolliville Holdings Corporation. Sa kanya yung Pegasus, Heartbeat, at Star Fleet.

"Ang company ng Papa ko is Young Guys Corporation. Sa kanya ang Air Force One, Classmate, at Kremlin. Pero hindi sila magsasara."

Nilinaw ito ni Muriel para hindi na mabahala ang mga empleyado ng tatay niya.

"Na-bombard kami dahil ang daming nagtanong.

Continue reading below ↓

"Yung mga tauhan, siyempre nagulat sila. Nag-cause ng panic sa mga empleyado.

"Pati ang papa ko, nagulat kung saan nanggaling ang balita.

"Nilinaw niya kaagad na hindi totoo, unless sa kanya manggagaling ang balita.

"Baka late this year pa siya magbukas, pero hindi naman pinababayaan ni Papa ang mga empleyado niya."

Nagpahayag ng panghihinayang si Muriel sa pagsasara ng mga entertainment club na pag-aari ng kanyang lolo.

"Sayang nga. Kahit kami nasasayangan, parang institusyon na ang Pegasus.

"Pero may binuksan si Lolo na waterpark sa Mindoro, ang Jolly Waves Waterpark and Resort."

MURIEL'S CELEBRITY HUSBAND

May showbiz connection din si Muriel.

Bukod sa pagiging singer, ang kanyang pinakasalan ay isang former actor—ang StarStruck 1 Avenger na si Anton dela Paz.

Si Anton ay isa nang businessman at flight attendant sa international flights ng Philippine Airlines.

Nakilala ni Muriel si Anton dahil best friend ng singer si Jennylyn Mercado, ang batchmate ng kanyang asawa sa StarStruck.

Continue reading below ↓


Nag-propose si Anton kay Muriel noong September 26, 2019 sa Music Museum concert ng 3rd Avenue.

Nagpakasal sila sa huwes noong March 9, 2020.

Noong March 23, isinilang ni Muriel si baby Maria Amelia habang binabalot ng takot ang lahat dahil sa coronavirus pandemic.

FORMER PEGASUS EMPLOYEES

Trivia: Sumikat nang husto noong dekada ’90 ang Pegasus dahil dito dating nagtatrabaho ang mga ‘90s sexy stars na sina Rosanna Roces at Klaudia Koronel bago sila naging mga artista.

Continue reading below ↓

Kinumpirma ng Seiko Films producer na si Robbie Tan na siya ang naka-discover kay Klaudia sa Pegasus.

Ang Kesong Puti at Anakan Mo Ako ang ilan sa mga pelikulang ginawa ni Klaudia sa movie company ni Tan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kumalat ngayong linggo ang balitang magsasara na ang entertainment clubs na Pegasus at AirForce One. Ngunit may paglilinaw ang isang kaanak ng mga may-ari ng dalawang men's club na ito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results