Gardo Versoza, ibinuking ang secret movie project na pinagbidahan niya

by Jojo Gabinete
Jun 10, 2020
Gardo Versoza, pagbibidahan ang comedy film na Lockdown Girls na ang direktor ay si Joven Tan. Lihim pa sana ang proyekto, pero biglang nag-post si Gardo ng update tungkol dito sa kanyang Instagram account.
PHOTO/S: @gardo_versoza Instagram

Hindi na sikreto ang inilihim na shooting ng comedy movie na may working title na Lockdown Girls dahil sa mga social media post ni Gardo Versoza.

Si Joven Tan ang direktor ng Lockdown Girls, na pinagbibidahan ni Gardo pati na rin mga comedians na sina Ate Gay, Petite, at transgender actress na si Iyah Mina.

May pasilip si Gardo sa kanyang Instagram account kahapon, June 9,.

Makikita sa litrato si Gardo na may suot na face mask habang may nakatapat sa kanyang clapperboard.

Isa itong matibay na ebidensiya na ang cast at production staff ng Lockdown Girls ang unang nag-umpisa at mabilis na nakatapos ng pelikula mula nang ipatupad ang General Community Quarantine noong June 1.

Tumagal mula March 15 hanggang May 31 ang enhanced community quarantine status sa Metro Manila.

Game na sumayaw rin si Gardo ng "Siren Beat," isang sikat na dance challenge sa TikTok.

Kasama niya ang co-stars niya na ganado sa pagkembot tulad ng aktor.

Continue reading below ↓

Reportedly, tumagal lamang ng apat na araw ang shooting ng Lockdown Girls.

Tiniyak mabuti ng produksiyon na kinunan ang pelikula sa isang lugar sa Quezon City na walang kaso ng COVID-19.

Isang linggo bago nagsimula ang principal photography, sumailalim muna sa COVID-19 rapid testing ang lahat ng mga artista at production staff bilang precautionary measure.

Continue reading below ↓

At nang umpisahan ang shooting, required ang lahat na gumamit ng mga face mask.

Mahigpit na pinairal ang physical distancing sa set at tent ng lahat ng mga kasali sa paggawa ng naturang pelikula.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gardo Versoza, pagbibidahan ang comedy film na Lockdown Girls na ang direktor ay si Joven Tan. Lihim pa sana ang proyekto, pero biglang nag-post si Gardo ng update tungkol dito sa kanyang Instagram account.
PHOTO/S: @gardo_versoza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results