Eat Bulaga, nagpagawa ng giant face shield para sa "Bawal Judgmental"

by Jojo Gabinete
Jun 10, 2020
Vic Sotto (in wide screen, far left), inanunsiyo na may kakaibang safety protocol ang Eat Bulaga para sa "Bawal Judgmental" segment simula Huwebes, Hunyo 11. Kita rin sa litrato ang hosts (L-R) na sina Wally Bayola, Jose Manalo, Maine Mendoza, Alden Richards, at Paolo Ballesteros.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

Mula noong March 16, 2020, ang replays ng mga episode ng "Bawal Judgmental" ang napanood sa Eat Bulaga.

Dahil ito sa pinairal na Enhanced Community Quarantine sa Luzon bilang pag-iingat sa banta ng coronavirus pandemic.

Noong Lunes, June 8, muling napanood ang live broadcast ng Eat Bulaga na ikinatuwa ng loyal viewers ng blocktimer sa GMA-7.

Pero replays pa rin ng "Bawal Judgmental" ang natunghayan ng lahat.

Bukas, June 11, ang new normal edition ng "Bawal Judgmental" ang mapapanood ng mga nag-aabang sa pinaka-popular segment ng sikat na noontime show.

Kahapon, June 9, ibinalita ni Vic Sotto na nagpagawa ang Eat Bulaga ng pinakamalaking face shield na magsisilbing proteksiyon para sa mga host at players ng "Bawal Judgmental."

Aniya, "Ipinapagawa na natin ang pinakamalaking face shield.

"Ngayon lang kayo makakakita ng ganitong kalaking face shield para tuluy-tuloy ang kuwentuhan sa 'Bawal Judgmental.'"

Ikinasabik ito ng Eat Bulaga loyalists na naintriga sa hitsura ng giant face shield para iwas sa COVID-19.

Continue reading below ↓


Istrikto ang safety protocols ng show.

Inoobserba ng mga host at production staff ang social distancing sa studio.

Obligado naman ang lahat ng mga contestant na mag-submit ng health declaration bago sumalang sa show.

Hindi sila puwedeng magsama ng ibang mga tao.

May naka-standby ding nurse at doktor sa studio ng Eat Bulaga.

Continue reading below ↓

Ilan lamang ito sa mga safety precaution na ipinatutupad ng management para makontrol at mapigilan ang coronavirus outbreak, na nagpabago sa buhay ng lahat ng mga tao sa buong mundo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vic Sotto (in wide screen, far left), inanunsiyo na may kakaibang safety protocol ang Eat Bulaga para sa "Bawal Judgmental" segment simula Huwebes, Hunyo 11. Kita rin sa litrato ang hosts (L-R) na sina Wally Bayola, Jose Manalo, Maine Mendoza, Alden Richards, at Paolo Ballesteros.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results