Docu tungkol sa mahihirap na naapektuhan ng COVID-19, may kurot sa puso

by PEP Troika
Jun 12, 2020
PHOTO/S: Facebook

Personal na karanasan ng direktor na si Enzo Williams ang mapapanood sa 14-minute mini-documentary niyang may pamagat na Bayan Bayanihan: We Heal As One.

Tungkol ito sa pagtulong na ginawa ng Philippine Army at ng Asian Development Bank—na nagbigay ng donasyon na Php250 million—para sa mga mahihirap na Pilipino na lubhang naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Heart-wrenching ang kuwento ng isang single mother na may tatlong anak—special ang isa—at kumikita lamang ng P200 sa isang araw sa pamamagitan ng pagtitinda ng kalamay, kahit masama ang kanyang pakiramdam.

Ang personal account ng single mother at ang mga karanasan ng mahihirap na kababayan nating nakasalamuha ni Williams bilang frontliner sa coronavirus pandemic ang nagmulat sa kanyang mga mata sa katotohanang kailangan talagang tulungan ng mga higit na mapapalad na Pilipino ang mga kapus-palad.

Tumulong ang direktor sa pamamahagi ng mga donasyon na pagkain sa mga pinakamahihirap na barangay sa Metro Manila.

Hindi na makalilimutan ni Williams ang mga ngiti at taos-pusong pasasalamat ng mga mahihirap na Pilipino na tumanggap ng mga donasyon na pagkain tulad ng bigas, mga de-lata, kape, at gatas.

Continue reading below ↓


Bilang future reservist si Williams, nakikipagtulungan siya sa re-launch ng Your Philippine Army, ang YouTube channel ng Philippine Army.

Hindi rin nakaligtas ang Philippine Army sa banta ng COVID-19 dahil sa mga sundalong nahawahan ng naturang karamdaman.

Nang mapanood namin ang Bayan Bayanihan documentary at ang pagtulong ng Philippine Army sa poorest of the poor—ang 165,000 na pamilya sa iba’t ibang barangay sa Metro Manila—nadagdagan ang aming respeto sa mga sundalo.

Continue reading below ↓

Nabuhayan din kami ng pag-asang nararapat pa ring pagkatiwalaan ang men in uniform, na nabahiran ng pagdududa ang pagsisilbi sa bayan dahil sa maling gawain ng ibang mga tiwaling opisyal.

Pinasasalamatan ni Williams sina Major Franck Suelto ng Philippine Army, Barangay San Perfecto Chairman Dennis Pardinez, at Barangay Batis Chairman Ryan Dee dahil sila ang mga tumulong sa kanya para maisakatuparan ang Bayan Bayanihan documentary.

Trivia: Ang 2014 Philippine Historical Drama na Bonifacio: Ang Unang Pangulo ang unang feature film ni Williams bilang direktor.

Ang Bonifacio ang itinanghal na best picture at humakot ng mga parangal sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Isa si Williams sa mga regular director ng Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Siya rin ang direktor ng controversial "Last Christmas" presidential campaign ad noong December 2015 ni dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results