Dingdong Dantes, nag-aalala para sa mga kasamahan sa industriya na nawalan ng trabaho

by Jojo Gabinete
Jun 11, 2020
Kapuso actor Dingdong Dantes on other means of income for entertainment industry workers who lost their jobs: "We really have to find ways kung papaano ma-deliver yung messages, kung papaano makapag-entertain."
PHOTO/S: @dongdantes Instagram

Ang mga pinakamatinding hamon na kinakaharap ng Philippine entertainment industry ang isa sa mga napag-usapan sa isang online celebrity forum.

Kasama sa nakilahok sa fourm na ito sina Dingdong Dantes, Matteo Guidicelli, Drew Arellano, Nico Bolzico, at Rico Blanco.

Ginanap ito nitong Huwebes ng hapon, June 11, sa "Onwards and Upwards" episode ng Fireside Live Web Chat sa YouTube.

Gawa ito ng Goricetta Law Office at ng Bookt, ang professional booking agency na pinamumunuan ni Ranvel Rufino. Kasama rin Atty. Mark Goricetta sa forum.

Si Dingdong ang sumagot sa tanong tungkol sa problema ng mahigit sa 800,000 local entertainment industry workers na apektado ng COVID-19 pandemic.

Biglaan ang shutdown ng production ng mga pelikula at television show mula nang ipatupad ang community quarantine noong Marso.

Kaya malaking suliranin ang means of income para sa umaasa sa suweldo mula sa mga proyektong napahinto.

"Yung industriya namin is really one of the baddest or worst hit na industriya.

Continue reading below ↓

"Kasi siyempre, yung nature ng trabaho namin inevitable yung aksyon, yung interaction," bungad ni Dingdong.

LIMITED HEADCOUNT ON THE SET

Binanggit ng Kapuso actor ang post-ECQ protocol kunsaan limitado lang ang puwedeng magtrabaho sa set ng isang pelikula o TV show.

"So just to give you an idea, on a normal shooting or taping day, we have around 150 to 200 hundred people on set.

Continue reading below ↓

"Pero with the new guidelines that DOH had released, ili-limit na nila ngayon to around 50 to a maximum of 70.

"So imagine the amount of people na mawawalan ng trabaho."

Siguradong mahihirapan daw ang karamihan sa mga kasamahan niya sa industriya.

"And the greatest challenge is, of course, how to find alternative jobs for these people.

"Hindi naman lahat kasi ng mawawalan ay yung nasa staff or crew. Siyempre, pati yung actors.

"Because if you're gonna scale down and use skeletal crew and the skeletal efficient work force...

"Like I said, nag-level yung playing field because yung vulnerability at yung danger is the same and equal to everyone, regardless of stature."

ALTERNATIVE PLATFORMS

Paliwanag pa ni Dingdong, mahalagang pag-isipan kung anu-anong online platform ang magagamit para kumita pa rin yung mga hindi makabalik-trabaho sa set.

"We really have to find ways kung papaano ma-deliver yung messages, kung papaano makapag-entertain.

Continue reading below ↓

"We have the online platforms like Netflix and iFlix.

"Although Netflix, hindi naman siya pagmamay-ari ng Pilipinas or ng local. iFlix is also regional."

Hindi naman daw nawawalan ng pag-asa si Dingdong.

"I hope that we can have more similar platforms para maipalabas yung television shows, even movies lalo na.

"'Coz imagine, pupunta ka ba sa sinehan nowadays knowing that there is a risk for you to get infected?

"So, in the age and this time where everyone is adapting and adjusting, I’m sure because it’s the creative industry, they will find creative solutions."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Dingdong Dantes on other means of income for entertainment industry workers who lost their jobs: "We really have to find ways kung papaano ma-deliver yung messages, kung papaano makapag-entertain."
PHOTO/S: @dongdantes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results