Kapamilya Channel, nag-test run na ngayong Araw ng Kalayaan

by Jojo Gabinete
Jun 12, 2020
PHOTO/S: Screen grab from Sky Cable

Ipinagdiriwang at ginugunita ngayong araw, June 12, ang ika-122 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas mula sa tatlong daan at tatlumpo’t tatlong (333 years) na pananakop ng Spain.

Tila itinaon ng ABS-CBN sa makasaysayang okasyon ang paglulunsad at pagbubukas ng Kapamilya Channel.

Ang Kapmilya Channel ang cable/pay television na pansamantalang magiging tahanan ng mga programa ng ABS-CBN habang dinidinig pa sa Kongreso ang franchise renewal ng network na ipinasara ng National Telecommunications Commission noong May 5, 2020.

Mapapanood ang Kapamilya Channel sa Channel 20 ng Home Cable (na nabili noon ng Sky Cable Corporation na subsidiary ng ABS-CBN Corporation), Sky, Cablelink, GSat, Philippine Cable Television Association members, at iWant.

Ang mga programa ng free TV na ABS-CBN ang dating ipinalalabas sa Channel 20 ng Home Cable.

Paulit-ulit na ipinakikita ngayong araw sa test run ng Kapamilya Channel ang plug ng mga inilipat na programa ng ABS-CBN.

Kabilang dito ang Love Thy Woman, Ang Probinsyano, TV Patrol, It’ s Showtime, A Soldier’s Heart, Magandang Buhay; ang replays ng The General’s Daughter, I Can See Your Voice, Meteor Garden; at ng mga Koreanovela na isinalin sa wikang Pilipino.

Continue reading below ↓

Dahil test run pa lamang, walang audio ang mga show plug ngayon ng Kapamilya Channel na opisyal nang magsisimula bukas, June 13.

Pangungunahan ito ng live broadcast ng It’s Showtime, na tatlong buwang hindi umere dahil sa Enhanced Community Quarantine na epekto ng coronavirus pandemic.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screen grab from Sky Cable
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results