Hit movie ni Aga Muhlach, mapapanood sa Viva On Demand

by Jojo Gabinete
Jun 12, 2020
Ang Miracle Cell No. 7, na top-grosser ng 2019 Metro Manila Film Festival, ay mapapanood na sa Viva on Demand. Tampok dito sina Aga Muhlach (right) at Xia Vigor (left).
PHOTO/S: Miracle In Cell No. 7 teaser

Gumawa ng kasaysayan sa 45th Metro Manila Film Festival ang Philippine adaptation ng hit Korean movie na Miracle in Cell No. 7.

Ito ang naging topgrosser sa film festival, na nag-umpisa noong December 25, 2019 at natapos noong January 7, 2020.

Mahigit sa kalahating bilyong piso ang kinita ng pelikula.

Ipinagmamalaki ito ng lead star na si Aga Muhlach dahil, due to insistent public demand, extended ang pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Ang Miracle in Cell No. 7 ang huling Filipino movie na certified blockbuster.

Tila matatagalan pa bago ma-duplicate ang tagumpay dahil sa coronavirus pandemic, na lubhang nakaapekto sa Philippine movie industry.

Dahil sa box-office success ng Miracle in Cell No.7, umasa ang fans na tulad ng ibang blockbuster Tagalog movies, mapapanood nila sa Netflix ang pelikula na nagpaluha sa kanila.

Pero hindi pa ito posibleng mangyari dahil nauna nang ipalabas sa nasabing streaming service ang 2019 Turkish version, ang 7. Kogustaki Mucize.

Continue reading below ↓

Ang Turkish actor na si Aras Bulut Iynemli ang bida sa 7. Kogustaki Mucize.

Tulad ni Aga na nanalo na best actor sa Gabi ng Parangal ng 45th Metro Manila Film Festival, nagwagi rin si Aras ng acting award.


Kahit hindi ipalalabas sa Netflix ang Philippine version ng Miracle in Cell No.7, mabibigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na mapanood ang Aga Muhlach-starrer sa Viva On Demand.

Continue reading below ↓

Ang Viva on Demand ay ang pay-per-view service ng Viva Films, na bumuo ng partnership sa leading cable providers ng bansa.

Gaya ng Air Cable, Cablelink Holdings, Inc., DCTV Cable, Kalibo Cable TV Network, Cebu Cable, at Community Cable sa Laguna.

Partner din ang Zenergy Cable TV Network sa Butuan City at Agusan Del Norte.

Sa halagang PHP99, matutunghayan sa Viva On Demand ang Miracle in Cell No.7 , simula sa June 15 hanggang June 30.

Mapapanood din ang exclusive behind the scenes habang ginagawa ang pelikula.

Bilang inaugural presentation, may bonus na 3-in-1 Bundle sa halagang PHP99 ang Viva On Demand.

Mapapanood din ang Kita Kita, ang blockbuster movie nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi, at ang Pambansang Third Wheel na pinagbibidahan nina Sam Milby at Yassi Pressman.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Miracle Cell No. 7, na top-grosser ng 2019 Metro Manila Film Festival, ay mapapanood na sa Viva on Demand. Tampok dito sina Aga Muhlach (right) at Xia Vigor (left).
PHOTO/S: Miracle In Cell No. 7 teaser
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results