Fil-Am international model Kelsey Merritt, Viva talent na

by Jojo Gabinete
Jun 13, 2020
Gumawa ng kasaysayan si Kelsey nang mapili siya bilang isa sa mga model ng Victoria’s Secret Fashion Show. Si Kelsey rin ang unang Pilipina na na-feature sa Sports Illustrated Swimsuit issue noong 2019.
PHOTO/S: Instagram

Intriguing ang social media post kahapon ng Viva Artists Agency (VAA) tungkol sa important announcement nito ngayong June 13.

Nasagot ang curiosity ng mga naintriga at nag-abang nang ipahayag ng VAA ngayong tanghali, June 13, na talent na nila ang 23-year-old international Filipino- American model na si Kelsey Merritt.


Naghatid si Kelsey ng karangalan sa ating bansa dahil siya ang kauna-unahang Pilipino na rumampa sa prestigious Victoria’s Secret Fashion Show noong November 2018.

Continue reading below ↓

Nagsimula sa Maynila ang modelling career ni Kelsey.

Isinilang siya sa Pampanga at graduate ng AB Communications sa Ateneo de Manila University.

Naging product endorser at in demand commercial model bago siya lumipad sa Amerika para subukan ang kapalaran niya sa international scene.

Gumawa ng kasaysayan si Kelsey nang mapili siya bilang isa sa mga model ng Victoria’s Secret Fashion Show.

Dito siya napansin ng international media gaya ng Teen Vogue at E!News.

Si Kelsey rin ang unang Pilipina na na-feature sa Sports Illustrated Swimsuit issue noong 2019.

Itinuturing na rare feat ang achievement ni Kelsey bilang international Filipina model dahil sa magkasunod na taon na paglabas niya sa fashion show ng Victoria’s Secret at Sports Illustrated.

Mula nang mag-umpisa ang kanyang international modelling career, naging fan favorite si Kelsey dahil umabot na sa anim na milyon ang YouTube views sa mga video features niya sa American Vogue, Harper’s Bazaar, at Elle.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gumawa ng kasaysayan si Kelsey nang mapili siya bilang isa sa mga model ng Victoria’s Secret Fashion Show. Si Kelsey rin ang unang Pilipina na na-feature sa Sports Illustrated Swimsuit issue noong 2019.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results