Pagre-resume ng taping ng Ang Probinsyano, hindi pa sigurado?

by Jojo Gabinete
Jun 13, 2020
Dahil sa usap-usapang isasailalim ulit sa enhanced community quarantine ang Metro Manila, nangangambang matuloy ang pagre-resume ng Kapamilya teleserye ni Coco Martin na Ang Probinsyano.

Hindi pa tiyak kung matutuloy sa darating na linggo ang pagre-resume ng taping ng Kapamilya primetime series na Ang Probinsyano.

Ito ay dahil sa kumakalat na balitang posibleng ideklara uli ang Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region sa Lunes, June 15, dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Nakatakda bukas, June 14, ang COVID-19 rapid testing para sa cast at production crew ng primetime series na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Pero imbes na i-lock in sila sa isang ligtas na lugar bilang paghahanda sa magaganap na taping, papayagan ang mga artistang umuwi muna sa kanilang mga tahanan para hintayin ang desisyon ng pamahalaan tungkol sa pagbabalik ng ECQ sa Metro Manila.

Tanging ang production crew na sasailalim sa COVID-19 rapid testing bukas ang manunuluyan at mananatili sa “isolation hotel.”

Ito ay para matiyak na walang problema sa kanilang kalusugan kapag hindi nangyari ang pagpapatupad ng ECQ sa National Capital Region.

Continue reading below ↓

BACK TO ECQ?

Ang muling pagbabalik sa Metro Manila sa ECQ ang kumakalat na balita sa social media.

Pero pinabulaanan ito ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa public briefing na naganap nitong Sabado ng hapon.

Pahayag niya, “Wala po ho tayong nailalabas na IATF ]Inter-Agency Task Force) recommendation ukol sa ating June 15 na decision.

"So, lahat po ng lumalabas sa ngayon, wala pa ho 'yang basehan.

"Hintayin na lang ho nating makapagbigay impormasyon sa atin ang Office of the President pagkatapos magbigay ng IATF recommendation sa Lunes, June 15.

"Ito po ay pinag-aaralang mabuti."

Patuloy ni Vergeire, "On June 15, magbibigay ng final recommendation ang ating Interagency Task Force to our president.

"Dito po makakapaglahad tayo ng ating indicators, like case doubling time and the critical care utilization rate.

"Dito po natin makikita at mapapagbasehan para masabi natin kung ang ating curve ay tumataas, bumababa o nagpa-flatten."

Continue reading below ↓

Inaasahang magsasalita si President Rodrigo sa Lunes, June 15, tungkol sa mga pagbabagong magaganap sa lockdown rules dahil sa nakakabahalang patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Naghatid din ng pangamba sa lahat ang pahayag ng researchers at scientists ng University of the Philippines noong June 11.

Base sa kanilang mga pag-aaral, posibleng umabot sa 40,000 ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa ating bansa sa June 30, 2020.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa usap-usapang isasailalim ulit sa enhanced community quarantine ang Metro Manila, nangangambang matuloy ang pagre-resume ng Kapamilya teleserye ni Coco Martin na Ang Probinsyano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results