Discoverer ni Isko Moreno, binalikan ang pagkakadiskubre sa Manila mayor sa lamay ng patay noong 1993

by Jojo Gabinete
Jun 14, 2020
Talent manager Wowie Roxas on Isko Moreno (in photo): "Isang boses ang nangibabaw sa lakas ng kanyang halakhak sa grupo ng mga kabataan na naglalaro ng tong-its ang nakakuha sa atensyon ko. Pagtingin ko, siya naman angat ng ulo niya habang binabalasa ang baraha kaya sabay na nagtama ang mga mata namin sa isa’t isa."
PHOTO/S: Facebook / Intrigue Magazine

Sentimental Sunday ang pakiramdam ngayon ng talent manager na si Wowie Roxas.

Ito ay dahil nahalungkat niya ang 27-year-old video na magpapatunay na hindi gimik ang kanyang kuwento noon na nadiskubre niya si Manila Mayor Isko Moreno sa lamay para sa isang patay sa Tondo, Manila.

"Nanindig ang balahibo ko nang i-play and check ko,” reaksiyon ni Daddie Wowie nang aksidenteng makita niya ang VHS tape na naglalaman ng kasaysayan ng pag-uumpisa sa showbiz ng incumbent mayor ng Maynila.

“By accident, nag-transfer ako ng mga video ng mga sayaw ko.

"Biglang nalaglag sa harap ko ang VHS tape," ani Daddie Wowie, na former member ng VIP Dancers at BMW Dancers bago naging talent manager.


Continue reading below ↓

Walong minuto at tatlumpong anim na segundo ang running time ng priceless video na iniingatan ni Daddie Wowie, at ebidensiya ng successful journey ni Isko sa mundo ng showbiz at pulitika.

Nagkrus ang landas ng dalawa nang magpunta si Daddie Wowie sa burol ng kanyang pumanaw na Auntie Nita, sa Tondo, noong January 25, 1993.

Kasama ni Daddie Wowie ang gay assistant niyang si Dindin.

Nagsumbong sa kanya si Dindin na tinutukso siya ng isang grupo ng kabataan na naglalaro ng tong-its sa lamay para sa kanyang namatay na tiyahin.

Kuwento ni Daddie Wowie, "May mga kabataan na maingay na naglalaro ng tong-its, kumakanta sila ng 'Barbie kabayo, blonding kabayo tigidig tigidig.'

"Nagalit siya [Dindin], pumasok sa bahay at nagsumbong sa akin.

"Isang boses ang nangibabaw sa lakas ng kanyang halakhak sa grupo ng mga kabataan na naglalaro ng tong-its ang nakakuha sa atensyon ko.

"Pagtingin ko, siya naman angat ng ulo niya habang binabalasa ang baraha kaya sabay na nagtama ang mga mata namin sa isa’t isa."

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Daddie Wowie na pinakamaingay sa grupo ng mga kabataan ay walang iba kundi si Isko.


Patuloy na lahad niya, "Bigla siyang tumahimik, nakatingin lang siya sa akin habang tuloy pa rin siya sa pagbalasa ng baraha."

Kinabukasan, January 26, 1993, ang araw ng libing ng tiya ni Daddie Wowie.

Continue reading below ↓

Iyon din ang araw ng pag-uumpisa ng pagbabago ng buhay ni Francisco Domagoso, na nakatira sa Mabuhay St., Tondo at nadiskubre sa burol ng patay.

HOT STORIES

THE BIRTH OF ISKO MORENO

Ayon kay Daddie Wowie, white T-shirt na naka-tuck in sa maong pants at brown shoes na walang medyas ang get-up ni Isko nang dumating sa opisina niya sa Banahaw Street, Cubao, Quezon City.

Eighteen years old lang noon si Isko.

"Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa, pinatayo, pinaikot, pina-smile, matipid ang ngiti niya.

"Ang payat niya, pero pinagmasdan ko na maigi.

"Using my imagination and gut feel, sabi ko sa sarili ko, kapag nag-gain ng timbang, guwapo ito.

"Then, start na ako ng interview to know him better.

"Napansin ko na habang kinakausap ko siya nang malapitan, may Smelanie Marquez [may amoy].

"I asked him to open his mouth and when he opened it, oops, may tsismis.

"The next day, to the rescue ang dentist ko na si Dr. Lulu Ramos," walang prenong pagbabahagi ni Daddie Wowie tungkol sa makeover at transformation na ginawa niya sa kanyang bagong discovery.

Continue reading below ↓

"Next, ang skin naman niya ang tsinek ko.

"Oops, may madre sa Tagalog, at sa English, an-an, to the rescue si Ate Derma.

"Next is the hair, medyo sosyal ang ash brown na hair niya, kasi nga lagi raw siyang bilad sa init ng araw.

"Hinawakan ko buhok niya at hinawi-hawi, oops, may tsismis din.

"May pa-meet-and -greet ang basketball star na si Atoy Co to Liza Macuja fans club," sabi ni Daddie Wowie, na gamit ang gay lingo para sa kuto at lisa.

"To the rescue ang secretary ko na si Mercy Francisco. Almost one week bago niya natapos tanggalin ang tsismis sa buhok.

"Next was nilagyan ko ng bulak ang loob ng bibig niya sa magkabilang pisngi.

"Wala pang filler at botox noon para lang magkalaman, kasi humpak na humpak pa ang pisngi niya.

"I-test shot ko siya kung photogenic ba siya. Ang resulta, perfect!

"Tama ang nasa isip ko bilang photographer."

Continue reading below ↓


SI ISKO AT ANG "GOSEE"

Nang matapos ang kanilang pictorial at habang kumakain sila, napansin ni Daddie Wowie na walang relo si Isko.

"Ask ko, bakit wala siyang relo.

"Sagot niya, ipangbili na lang niya ng bigas kesa bumili siya ng relo.

"Libre naman daw magtanong ng oras, ang pabiro niyang sagot.

Continue reading below ↓

"Bago siya umuwi, binigyan ko siya ng P500 at relo galing Japan.

"Nakita ko ang kislap sa mga mata niya sa tuwa.

"Sabi niya, ‘Wow, ang ganda ng yoyo mo po, Gosee!’

"Sabi ko, 'Anong yoyo at Gosee?'

"Sabi niya, 'Yung relo po at tatak.'

"Sabi ko naman, 'You pronounce it as Gucci, not Gosee.'

"Pero noon, Gosee rin ang basa ko sa Gucci.

"Sabi ko sa kanya, 'Simula ngayon, ang relo na ito ay magiging gabay at bahagi na ng buhay mo. Remember, time is gold. Be productive…"

"And the rest is history."

AFTER TWENTY-SEVEN YEARS...

Makalipas ang dalawampu’t pitong taon, malayo na ang narating ni Isko, at napakalaki na ng ipinagbago ng kanyang pamumuhay.

Pero matibay pa rin ang relasyon nila ni Daddie Wowie bilang mentor-discoverer niya.


Continue reading below ↓

"Masaya, indescribable ang feeling," sagot ni Daddie Wowie nang itanong ng Cabinet Files ang nararamdaman niya para sa tagumpay na tinatamasa ngayon ni Isko.

"Mabuti na lang hindi ko pinakinggan ang mga negative na sinasabi nila noon tungkol kay Isko na, 'Walang mararating ‘yang alaga mong taga-squatter.'

"Kahit isa, walang magandang sinabi kay Isko."

Nagbitaw ng salita si Daddie Wowie na sasabihin niya sa mga susunod na araw ang mga pangalan ng mga nagmaliit noon kay Isko, kahit may masasaktan, dahil ito ang katotohanan.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Talent manager Wowie Roxas on Isko Moreno (in photo): "Isang boses ang nangibabaw sa lakas ng kanyang halakhak sa grupo ng mga kabataan na naglalaro ng tong-its ang nakakuha sa atensyon ko. Pagtingin ko, siya naman angat ng ulo niya habang binabalasa ang baraha kaya sabay na nagtama ang mga mata namin sa isa’t isa."
PHOTO/S: Facebook / Intrigue Magazine
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results