Bagong sexy star na si Sunshine Guimary, hindi titigilan ang paghahanap ng suso

by Jojo Gabinete
Jun 15, 2020
Ang malulupit na bikini photos ni Sunshine Guimary sa Instagram ang dahilan ng mabilis na pagsikat nito sa social media. May mga haka-hakang galit siya sa tela dahil kakapiraso na lamang ang nakatakip sa mga pribadong bahagi ng kanyang katawan sa mga sizzling pictorial niya.
PHOTO/S: Instagram

Ang aspiring sexy actress na si Sunshine Guimary ang featured guest sa PEP Live nitong Lunes ng hapon, June 15.

Ito ang unang pagkakataon na napanood siya ng publiko sa isang interbyu.

Napukaw ni Sunshine ang atensiyon ng marami, lalo na ng mga kalalakihan, dahil sa kanyang trending "No Bra Challenge" sa kanyang Youtube videos.

Dahil dito, binansagan siyang "Braless Goddess."

To date, may 429,000 na ang Youtube subscribers ni Sunshine; 2.5 million views sa kanyang No Bra Jumping for 100K Subscribers Challenge; at 5.3 million ang views sa "No Bra Challenge: Ako’y Alipin Mo" habang nagluluto siya ng sinigang na hipon at naglilinis ng bahay.

Continue reading below ↓

SI SUNSHINE AT ANG SUSO...

Ang braless na pagpunta sa isang palengke sa Cebu para bumili ng suso (snail) na kanyang iluluto ang bagong hamon kay Sunshine.

Pero isa lang ang problema: hindi panahon ngayon ng suso kaya may mga suggestion na tahong at talong na lamang ang bilhin niya.

"Bibili sana ako ng suso, pero walang available kasi seasonal daw ‘yon.

"Nagpunta ako sa palengke, siguro limang palengke yung inikot namin, tapos ang mahirap dati, may checkpoint.

"Sabi, 'Saan ka pupunta?'

"Sabi ko, 'Sir, bibili lang ako ng suso.'

"'Ha? Bibili ka lang ng suso? Sa ganyang ayos mo, bibili ka lang ng suso?'

"Sabi ko, 'Yes sir, favorite ko kasi yung suso," kuwento ni Sunshine tungkol sa engkuwentro niya sa pulis na nakabantay sa checkpoint nang araw na maghanap siya ng suso na bibilhin.

Pero hindi raw tatantanan ni Sunshine ang paghahanap ng mabibiling suso.

"Hahanap pa rin kami ng suso. Hindi namin titigilan yung suso na ‘yan.

Continue reading below ↓

"Seasonal siya, kapag tag-ulan lang siya lumalabas.

"Hindi natin titigilan ‘yang suso.

"Kapag naluto ‘yan, sisipsipin natin ‘yan!” pangako ni Sunshine.

]

CRUSH ON DEREK RAMSAY

Hindi inililihim ni Sunshine na big crush niya si Derek Ramsay dahil ito raw ang tipo ng lalaking isang tingin pa lang, ulam na.

Handang-handa na si Sunshine sa hamon na maging bagong Sex Goddess ng Philippine Movies.

Continue reading below ↓

Inspirasyon daw niya ang mahigit isang milyong followers sa social media na sumusuporta sa kanya, kahit wala pa siyang napapatunayan bilang aktres.

Ang malulupit na bikini photos ni Sunshine sa Instagram ang dahilan ng mabilis na pagsikat nito sa social media.

May mga haka-hakang galit siya sa tela dahil kakapiraso na lamang ang nakatakip sa mga pribadong bahagi ng kanyang katawan sa mga sizzling pictorial niya.

Continue reading below ↓

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
sunshine guimary, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang malulupit na bikini photos ni Sunshine Guimary sa Instagram ang dahilan ng mabilis na pagsikat nito sa social media. May mga haka-hakang galit siya sa tela dahil kakapiraso na lamang ang nakatakip sa mga pribadong bahagi ng kanyang katawan sa mga sizzling pictorial niya.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results